CHAPTER 45
JACOB POV
Nakaupo kaming lima sa waiting area habang inooperahan si Klea sa loob ng emerency room. Wala si Klein na sa isang kwarto dito sa hospital upang makapagpahinga na muna, alam naming gusto pa ni Klein na magstay dito ngunit hindi na siya pumalag pa ng si Angelo na ang nagsalita kanina.
Tama si Neil kanina, problema ko ito at nadamay si Klein isama pa ang ama ni Sheena na ginamit ang gang ni Gerald na siyang kalaban ko. Sisiguraduhin naming hindi na makalabas ang gagong iyon dahil sa kanya, nandito kami ngayon sa labas ng emergency room at kitang kita ang balisa sa mukha ni Angelo.
Lahat kami ay nakaupo at walang ni isang gusto magsalita pagkatapos ng sagutan nila Angelo at Klein dito sa loob ng hospital. Alam kong takot si Angelo na mawala ang kakambal niya ngunit hindi naman siguro tama na ipagtulakan niya palayo si Klein kay Klea na kung alam niya na totoo ang dalawa na nagmamahalan.
"Hindi ginusto ni Klein ang nangyari Angelo. Sana maintindihan mo yan." Basag ng katahimikan ni Rex. Napatingin naman kaming apat kay Rex habang ako naman ay nilipat ko din agad ang tingin ko kay Angelo kung ano ang kanyang reaksyon sa binitawang salita ni Rex.
Napahilamos naman siya ng kanyang mukha gamit ang kanyang kamay at tumayo sabay hawak sa batok niya.
"I know. I know." Sabi niya at bulong sa sarili.
"Magaling na Doktor ang iyong ama kaya magiging maayos din ang kakambal mo."Saad ni Neil upang mawala na ang pag-alala ni Angelo.
Ilang oras na ba kami nandito simula inoperahan si Klea? Magtatatlong oras na kami. Matagal tagal din, malapit kasi sa puso ang tama ng bala kaya masyadong mahirap ang operasyon at kaya siguro natagalan.
Natahimik kami muli at hinintay na lamang kung kailan lumabas si Tito sa emergency room. Wala pa kaming tulog, mag-uumaga na. Kay bilis ng panahon at oras ng hindi mo namamalayan.
Nang bumukas ang pintuan ng emergency room, lumabas ang Dad ni Angelo sabay lapit sa amin.
"You can rest now guys. Ako na bahala kay Klea. She's fine, my princess is tough she's survived the operation pero kailangan muna namin siyang bantayan." Saad ni tito at hinawakan ang balikat ni Angelo.
"Thank God." Sabi naman ni Vince.
"Sige I have to go. May kakausapin pa ako." Paalam sa amin ni tito. Akmang aalis na siya ng tumigil siya at tinignan si Angelo.
"You'll come with me." Saad ni tito at napakunot ang noo ni Angelo sa inasta ng ama niya at napailing.
"Sige bro mauuna na kami. Kailangan ko ng magpahinga." Paalam ni Neil at nauna ng umalis.
"Ako din bro. Kita na lang tayo sa Sunday." Paalam ko din.
"Kami din aalis na. Good luck sa iyo, mukhang seryosong usapan ang meron kayo ng papa mo." Sabi ni Vince at sumabay sa paglakad ko.
KLEIN POV
Kumusta na kaya si Klea? Ano na kaya kalagayan niya?
Sabi ko na lang sa sarili ko. Alam kong galit si Angelo, pero hindi ako papayag na hahadlangan niya ako kay Klea.
Nandito ako sa kwarto ko at nakahiga lang. Pinaconfine ako ng mga kaibigan ko para daw ma check ako mga loko talaga. Akmang hihiga na sana ako ng bumukas ang pintuan at unang pumasok si Mr.Zapanta at nasa likod naman si Angelo.
"Kumusta ang lagay mo Klein?" Bungad na tanong sa akin ni Tito as if normal lang.
"I'm good." Sabi ko at tinignan si Angelo. Seryoso niya lang ako tinignan mata sa mata.
"Mabuti kung ganoon. Hindi naman masyado kalala ang lagay mo." Sabi ni Tito at umupo sa kama ko at umupo naman si Angelo sa bakanteng upuan na nasa side ng kama ko.
"Yeah." Sabi ko na lang. At natahimik naman si tito tila may iniisip habang nakatingin sa akin. Alam kong iba ang sadya nila sa akin.
"Alam mo bang delikado ang ginawa mo?" Basag ni Tito sa katahimikan at bigla naging seryoso ang mukha. At dahil sa itsura niya ramdam ko ang pagkabilis ng pintig ng puso ko.
"Alam ko." Sabi ko. At tinignan si tito ng walang halong pag-aanlinlangan.
"Alam mo naman siguro ang mangyayari hindi ba? Ngayon na alam mo na si Klea ay ang kakambal ni Angelo?" Sabi ni Tito. Napatango na lang ako at tinignan si Angelo.
"But Dad---" hindi natapos ang sasabihin ni Angelo ng nagsalita si Tito.
"I'll talk to your Dad. At kapag hindi siya maniwala sa iyo, ako bahala kay Klea. She's my daughter above all." Paliwang ni tito na ikinagulo ko. Ano ba ang sinsabi niya? Hindi ko maiintindihan.
"Hindi ako magiging hadlang sa inyo ni Klea, pero please lang alagaan mo ang anak ko. Ayaw ko ng mangyari pa ito, lalo na't hindi ko kakayanin na mawawala muli sa amin ang anak naming babae ng tita mo." Sabi ni Tito.
Tila parang may kung anong saya akong naramdaman sa sinabi ni tito. Pero paano niya nalaman?
"At ikaw Angelo... tumigil ka. Huwag mong saktan ang kakambal mo. Lahat ay aksidente lamang. Papanagutan nila ang ginawa nila sa anak ko." Sabi ni tito. Tinignan ko kung ano ang magiging reaction ni Angelo nakaawang lang ang ibig at nakakunot ang noo, tila hindi makapaniwala sa sinabi ng ama niya.
"Sige magpahinga ka na. Ayos lang ang kalagayan ni Klea. Maaari mo siyang punatahan sa kanyang kwarto bukas. Sige matulog ka na diyan." Sabi ni tito at lumaba na ng kwarto habang si Angelo naman ay nakatayo at nakapamulsa lang at tinignan ako.
"Nakita mo ito?" Sabay angat niya ng kamao niya at pakita sa akin.
"Oh tapos?" Sabi ko at pinagkrus ang kamay ko sa dibdib ko at bored siyang tinignan.
"Tatama to sa mukha mo kapag sinaktan mo si Klea at kapag hindi mo siya magawang protektahan Mr.Villamor tandaan mo yan." Sabi niya at nagsimula ng maglakad papuntang pintuan. Napangiti na lang ako sa inasta niya kahit papano pala ay hindi niya ako nagawang suntukan kanina.
"Yeah Mr.Zapanta hindi ko hahayaan masaktan si Klea." Sabi ko napatigil naman siya sa paglakad at ilang segundo pa ay lumabas na siya.
Napangiti na lang ako at humiga na sa higaan ko. Huminga ako ng malalim at malakas na bumuntong hininga. So what's next?
Yeah, yeah I know. Si Dad na lang ang problema ko.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...