CHAPTER 49
KLEA POV
Natawa ako ng malakas ng lumabas si Klein dito sa kwarto ko. Ang epic ng mukha niya. Hahaha. Anyways, after niya lumabas ay dumiretso na agad ako sa banyo upang makahanda na. Baka kasi uminit ng ulo ng lalaking iyon.
Habang naliligo hindi ko maiwasan na hindi masaktan lalo na't may sugat pa ako dahil sa tama ng bala. Buong akala ko mamamatay na ako dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin pero eto nandito ako buhay na buhay.
After kong ayusin ang sarili ko tinignan ko muna ang kalangitan ng mapagtanto kong nagsisimula ng dumilim. Ang bilid naman ng panahon, malapit na magdisyembre.
Lumabas na ako ng kwarto ko, mula dito sa itaas narinig ko ang kanilang mga ingay mula sa baba. Kanya kanyang asaran at tawa ang naririnig ko. Ganito ba talaga sila kaingay?
Pagkababa ko napatingin naman sa gawi ko si Klein at inismiran ako. Kaya napalunok na ako ng wala sa oras.
"Uy Klea~ nandito ka na pala~" Pakantang sabi ni Neil sa akin.
"Magandang gabi binibini." Bati naman sa akin ni Rex at itinaas ang kanyang inumin bago ininom. Ngumiti naman ako at tumango sa kanya sabay sabi ng...
"Maganda gabi din. Kanina pa ba kayo?" Tanong ko.
"Oo kanina pa kami." Sagot naman sa akin ni Jacob habang seryoso silang dalawa ni Angelo nakatingin sa laptop, mukhang may pinapanuod.
"Ah..." Yun na lang ang sinabi ko at hindi pinansin si Klein.
"Mabuti naman Klea ay lumabas ka na. Hoy Klien alis na kayo, maggagabi na." Sabi ni Vincr habang kumakain ng curls habang tumingin sa glass window upang makita ang labas.
"Oo na aalis na kami." Sabi naman ni Klein. Tumayo naman siya at inayos ang kanyang damit at kinuha ang susi na nasa table.
"Alagaan mo ang baby ko Klein, huwag ka talaga magkakamali na gasgasan yan. Mahal pa yan sa buhay mo." Sabi naman ni Jacob.
"Yeah yeah." Sabi na lang ni Klein. Lumapit sa gawi ko si Klein at inilahad ang kamay niya sa harapan ko habang nakangiti.
"Halika ka na." Sabi niya sa akin. Bago pa ako magsalita ay naunahan na ako ng kakambal ko.
"Huwag mong nakawin ang kakambal ko Klein. Sinasabi ko sa iyo, sa oras na sakta mo siya hindi na kita mapapatawad." Seryosong sabi ni Angelo na ngayon ay nakatayo na din at papuntang gawi ko.
"I will Angelo." Sabi ni Klein habang tinitignan ako sa mata.
"Let's go." Sabi sa akin ni Klein at kinuha na ang kamay ko.
Walang pasabing hinila niya ako sa labas kaya hindi na ako nakapagpaalam pa sa kanila.
"Klein ano ba--- teka nga--- hey! Slow down will you?" Sabi ko at binitawan niya naman ang kamay ko at tumigil kami sa harap ng isang ducati na motor. Kinuha niya ang isang helmet at pinasuot sa akin habang ako nakatingin lang sa kanya.
"Sorry naman girlfriend baka kasi pagsermonan na naman ako ni Angelo daig niya pa kasi ang tatay mo kung makapagsermon sa akin." Paliwanag niya sa akin habang sinuot niya ang helmet niya.
"Angkas na. May pupuntahan tayong lugar." Sabi niya sa akin habang pinapatunog ang ducati para ma warm up.
Mabuti na lang at komportable ako sa suot ko ngayon at hindi ako masisilipan. Kinuha ni Klein ang kamay ko at pinalapit sa kanya.
"Angkas na, gumagabi na." Sabi niya. Umangkas naman ako sa motor niya.
"Mag-iingat kayo Ma'am." Paalala sa amin ng guard. Tumango naman ako st kumaway.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...