CHAPTER 41
KLEIN POV
Pagkatapos ng meeting namin automatikong hinanap ko ang cellphone ko. Alam kong tapos na ang klase ni Klea. Namimiss ko na siya iba talaga kapag nasanay na.
Habang nakaupo sa upuan ko, sakto naman biglang may bumukas sa pintuan. Pumasok si Angelo na may malapad na ngiti sa mukha, mukhang masaya ang isip bata sa amin. Himala nga at hindi niya hawak ngayon ang laptop niya.
"Saan ka kanina?" Tanong ko sa kanya habang hinahanap ang number ni Girlfriend. Umupo naman siya prente sa harapan ko at nakalumbaba habang nakatingin sa akin. Inlove ba ang lokong to?
"Wala may pinuntahan lang ako kanina. Hindi niyo naman kailangan ang presensya ko at mas importante ang taong iyon kaysa sa meeting natin bro." Sabi niya.
Tinignan ko muli siya at nakatayo na siya mula sa pagkakaupo.
"Oh? Tapos ano sadya mo dito?" Tanong ko habang nakataas ang kanang kilay ko.
"Nakita ko na siya Klein." Seryosong saad sa akin ni Angelo at automatikong nawala ang mga ngiti niya sa labi habang nakamulsa sa harapan ko.
Nakita? Sino ba ang tinutukoy niya?
"The who bro?" Tanong ko. Ako na lang ang naiwan dito pagkatapos ng meeting namin. Ewan ko sa mga kaibigan ko dahil agad agad silang nagsilayas sabay sabi na may mga gagawin sila. Lahat sila ay may gagawin? Mukhang may pinagkakaabalahan ang mga yun ngayon na hindi ko alam.
"My Twin. She's alive." Sabi niya at tinignan niya ako ng seryoso.
Bakit parang natakot ako sa nalaman ko? Buhay kakambal ni Angelo? Ibig bang sabihin... matutuloy ang plano nila Daddy at Tito?
"H-how?" Sagot ko na hindi maiwasan na mabulol.
"Aren't you happy? Buhay ang fiance mo? So therefore hindi ka na kukulitin ni Sheena." Sabi ni Angelo at ngumisi sa akin.
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Hindi ko naman sinabi na ayaw ko sa kakambal ni Angelo, pero may Klea na ako. Mahal ko si Klea, alam kong magagalit si Angelo sa oras na sasabihin ko sa kanya na hindi ko kayang magpakasal sa kapatid niya.
"Pe---"
"Look bro. Please take good care of Klea. Pasalamat ka at nauna ka sa kanya at pasalamat ka talaga dahil mukhang mahihirapan ako." Sabi ni Angelo at tumalikod habang naglalakad palapit sa pintuan.
"A-ano?" Tanong ko.
"I love Klea bro. Sa oras na malaman kong may mangyari sa babaeng mahal ko ako ang makakalaban mo. Kaya hanggang sa makakaya mo ipaglaban mo ang babaeng mahal mo at protektahan mo." Saad niya at nagpatuloy na sa paglakad hanggang sa bumukas ang pintuan senyales na umalis na si Angelo.
"F*ck! Mahal niya si Klea?! Gago siya." Sabi ko sa sarili ko ng marealize ko kung ano ang sinabi ni Angelo. Hindi ko alam na nahulog ang loob ni Angelo kay Klea kaya pala sobrang lapit nila dalawa at mukhang komportable si Angelo kay Klea dahil mahal niya ito?
Dali dali kong iniscroll down ang phone para matawagan si Klea at para masundo ko ng biglang
*Kkkrrriiinnnggg*
~Girlfriend Calling~
Si Klea. Sinagot ko agad ang tawag bago ko pa iloud speaker ang phone may narinig na ako na ikinatigil ng paghinga ko kasabay ng pagkalamig ng katawan ko.
"Pasensya na po." Boses ni Girlfriend.
"Sumama ka sa amin miss." Rinig kong sabi ng isang lalaki.
Anong nangyayari? Anong kailangan nila sa Girlfriend ko? Sana wala silang gawin kay Klea.
"Sh*t! Sh*t!" Mura ko.
"S-sino kayo? B-bitawan niyo ako." Rinig kong sabi ni Klea na mukhang takot na.
"Boss ang ganda ng babaeng ito."
"Magsitigil kayo. Ipasok niyo sa loob. Siguraduhin ninyong maayos ang pagkatali para hindi makatakas."
"H-hindi. Ayaw ko sumama s-sainyo. P-pakawalan ninyo a-ko." Napasabunot na lang ako sa buhok ko habang naririnig ang takot na boses ni Klea.
Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko alam. Sa halip na magpanic ako ay pinakinggan ko na lang ang pinag-uusapan nila.
"Miss huwag ka ng malikot kung ayaw mo masaktan."
"Hindi! Bitiwan ninyo ako!"
"P*ta!"
"Yung babae!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki.
"Klein tulong!" Tawag ni Klea sa pangalan ko. Namalayan ko na lang na umiiyak ako ng may tumulong basang likido sa screen ng cellphone ko.
"Ang ingay mo! Patahimikin iyan bago pa may makarinig sa kanya."
At pagkatapos noin ay hindi ko na naring ang boses pa ni Klea. Anong ginawa nila?
May narinig akong tumawa sa kabilang linya at kasabay noon ay pag end ng call.
S-sino ang mga iyon? Anong ginawa nila kay Klea?
NEIL POV
Kakatapos ko lang makausap si Brandon sa kabilang linya ng bigla muli nag ring ang phone ko. Sabay sabay naman napatingin apat sa akin, sina Rex, Vince at Jacob. Si Angelo? Ewan ko sa isang iyon bigla na lang nawawala kanina.
Tinignan ko ang tumawag at si Klein. Tinaas ko ang phone ko at winagayway para makita nila.
"Si Klein." Sabi ko. Ni loud speaker ko bago ko sinagot ang tawag ng isa at nilapag ang telepono sa gitna ng table.
Busy kami ngayon. Mukhang si Klein lang ang hindi alam kung ano ang ginagawa namin. Ayaw namin na mapahamak na naman siya, kaya gagawa kamo ng hakbang na hindi siya madadamay.
Akmang maglalakad na ako sa laptop at kunin ko ng may narinig kaming hikbi at iyak sa kabilang linya.
"Bro?" Sabi ni Jacob. Sa aming anim si Klein ang walang ka alam alam na kasali kami sa mga away away. Nasanay kasi kami dahil palaging napapasok sa gulo si Jacob. Ayaw naming ma involve si Klein dahil madami siyang iniisip na bagay bagay kaya nagulat kami ng isang araw na aksidente si Klein. Kapakanan pala iyon ng ibang groupo, dahil hindi nila magawang talunin si Jacob at humiganti sila sa amin gamit kay Klein.
Paano namin nalaman? Matatalino kasama ko.
"S-si K-Klea. Aaarrgghhh!!!" Sigaw ni Klein.
"Bro! Kalma lang. Teka pupuntahan ka namin." Sabi ni Rex. Ngayon ko lang nakita si Rex na nag panic mostly kasi kalma lang siya.
"Vince saan ngayon si Klein?" Tanong ni Rex.
"Nasa office ako ng school." Sagot naman ni Klein at pinatay ang tawag.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Novela Juvenil-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...