CHAPTER 35
KLEA POV
One week na ang lumipas at one week na din ako nandito sa condo ni Klein. Ayaw niya ako paalisin sa condo niya. Ngayon ay Sunday pero nandito lang ako nakaupo sa table at nagbabasa. Nabobored na ako dahil hindi ako pinapalinis ni Klein ano ba ang silbi ko? Binabayaran nila ako tapos ako nandito lang nakaupo na mukhang prinsesa. Hindi ko kaya na ganito lang ang gagawin ko dito sa bahay.
"Good morning Girlfriend." Bati sa akin ni Klein ng lumabas siya sa kwarto niya na bagong ligo. Binaba ko ang libro ko at tumingin sa kanya na may ngiti sa labi.
"Good morning." Tugon ko. Naglakad naman siya palapit sa akin at umupo sa bakanteng upuan. Amoy na amoy ko ang pabangong gamit niya, sa loob ng isang linggo mas nakilala ko kung sino siya. Makulit siya mas makulit pa noong multo siya. Minsan nung seryoso siya sa ginagawa niya halos hindi niya na ako magawang kibuin kung itatanong ko sa kanya kung ano ang ginagawa niya hindi niya sinsabi sa halip ay humahanap siya ng ibang sagot sa tanong ko.
"Anong ginagawa mo? Busy?" Tanong niya sa akin na ngayon ay nakapatong na ang kanyang baba sa aking balikat at niyakap ako. Himala nga at pinansin niya akk ngayon, lagi kasi niyang kaharap ang laptop.
"Ahm nothing." Sagot ko ng tipid. Nagtatampo ako sa kanya bahala siya. Umangat naman ang tingin niya sa akin at tinignan ako sa mata, tinignan ko naman siya ngunit saglit lang at ibinalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko.
I remember next Sunday na ang Acquaintance party namin. Madami na namang dapat asikasuhin. Si Sheena? Hindi niya na ako inaupdate tulad ng dati kung may meeting ba o wala.
"Haist! Magbihis ka may pupuntahan tayo." Saad niya sa akin at hinila niya ako papasok sa kwarto at binuksan ang closet. Sabay tingin sa akin habang nakalagay ang kamay niya sa bewang niya.
"10 minutes Girlfriend. Hihintayin kita sa labas."Sabi niya at hinalikan ako sa noo ko. Nagtataka ako kung ano na namang trip ang meron siya. Lumabas siya sa pinto at isinirado ang pinto.
Napabuntong hininga na lang ako habang tinignan ko ang nakabukas na closet kung saan ang mga gamit ko. Saan naman kami pupunta? Hindi ba busy siya?
Inalis ko na ang t-shirt at ang short na gamit ko dahil sa hindi ko pa alam kung ano ang susuotin ko nanatili muna akong nakatayo at tinignan ang kabuohan ko sa salamin. Agaw pansin ang balat ko sa bandang tiyan ko, kulay brown siya. Simula nung aksidente ay wala na akong maalala pwera na lang ang aksidente ikinihatnan ko noon kasama ang mga magulang ko.
"Girlfriend paki---" Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto at iniluwa si Klein na gulat din ang itsura at umiwas ng tingin.
Huli ko ng narealize na nakaunderwear lang pala ako kaya tinakpan ko ang sarili ko gamit ng kumot sa higaan.
"Ghad Klein! Layas!" Sigaw ko na ramdam ko ang pagtaas ng dugo sa mukha ko. Nakita niya ang katawan ko, hindi maaari. Nakakahiya.
"Kung makalayad ka. Nga pala, pupunta tayo ng botique. Sige magbihis ka na diyan." Saad niya habang tinignan ako ng may ngisi sa mukha.
"Ano nginingisi mo diyan ha?!" Sabi ko.
"Wala naman." Sabi niya at isinirado ang pinto.
THIRD POV
"Sir eto na po ang information tungkol sa kanya. Sa ngayon maayos naman po ang lagay niya." Report ng kanyang pinagkakatiwalaan na tauhan.
Tinignan lamang niya nito na halatang may saya sa kanyang mata. Eto lang muna ang magagawa niya kundi bantayan mula sa malayo ang pinakakamahal niya. Matagal din kasi ito nawalay sa kanya kaya paghahandaan niya o nila muli ang kanilang pagkikita na tiyak madaming eksplenasyon ang mangyayari sa oras na magkita sila muli.
"Maraming salamat, mapagkakatiwalaan ka talaga Diego." Sabi niya. Simula nangyari ang insidenteng iyon ay marami ding nangyari, muntik na ngang malugi ang kompanya nila dahil sa hindi pa din sila makapaniwala sa nangyari noon mabuti na lang at narealize nila na wala silang magagawa kung magmumukmok sila sa tabi.
"Sige maaari ka ng lumabas at bantayan siya. Huwag ka magpapahalata. Dodoblehin ko ang sahod mo." Saad niya. Masaya naman si Diego sa sinaad sa kanya ng kanyang amo. Loyal na siya sa pamilyang ito mula noon dahil sa pamilyang tinatrabahuan niya ay nakaangat sila kahit papano.
"Sige po." Paalam niya.
Sinagot naman ng lalaki ang tumawag sa kanyang telepono habang tinitignan ang mga kuhang picture ni Diego. Napangiti na lang siya sa nakita, balang araw ramdam niya na magkikita din sila.
"Hello?" Sabi ng sa kabilang linya.
"Ikaw pala kumpare boses pa lang kilala ko na." Sagot niya. Mabuti na lang at hindi masyado madami ang nangangailangan sa kanya kaya kahit papano ay makakapahinga siya kasabay ang pagaalam kung kamusta ang isang taong pinapamasid niya.
"Ganyan ka naman lagi kumpadre palaging tama. May sadya ako, sa araw na iyon kung saan uuwi na ako dapat ipapakilala mo na sa akin ang anak mo upang maipakilala na natin sila sa isa't isa."
"Sige..."
"Ngunit kung hindi siya dadating pasensya kumpare si pare Condrado ay handang ipasok ang anak niya sa arrange marriaye para sa anak ko. Sana bago mangyari iyon ay magkita na sila ng anak ko."
"Hindi pa din nagbabago si Condrado, sige."
Bata pa lang ang kanilang anak ay ipinagkasundo na nila ito sa isa't isa na sa edad na 18 ay ipapakasal ang dalawa ang problema ay hindi niya matukoy kung paano ang gagawin niya. Lalo na't natatakot siyang iopen up ito sa kanyang asawa dahil tulad noon malapit ito mabaliw dahil sa nalaman. Dahil sa ubod niyang mahal ang asawa at anak niya ay mas ikinabuti pang sa kanya na lang muna ang lahat ng nalaman niya. Gusto niya man itong sabihin ngunit ayaw niya na matulad muli dati ang asawa niya lalo na't nasasaktan siya kapag nakikota itong umiiyak tuwing gabi.
Mayaman sila, mayaman. Ngunit dahil nga sa malapit na silang malugi maraming nawala sa kanya mabuti na lang at biniyayaan siya ng anak na lalaki na ubod ng talino at nagawa nito muling ibangon ang kanilang kompanya na ikinapasalamat niya.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...