CHAPTER 22
REX POV
Pagdating namin sa bahay ni Klein agad-agad na bumaba ang tatlo. Napangiti na lang ako sa kanila. Simula ng nakilala namin si Klea lagi na siyang bukang bibig ni Angelo nakakapanghinayang nga lang parang may pagkakahawig sila.
"Magandang umaga mga sir." Bati sa amin ni manang. Sa aming anim si Klein ang pinakamainitin ang ulo ewan ko nga ba doon, kaya mas pipiliin ko pang tumahimik na lang sa isang tabi at gawin ang mga dapat gawin.
"Magandang umaga po." Bati namin ng sabay-sabay.
"Si sir Kleim ba hanap ninyo?" Tanong nito sa amin.
"Opo nasaan na po siya?" Tanong ni Jacob.
"Naku mga iho, dahan dahan kayo. May binibini nag-aalaga doon. Maganda at mukhang palaban. Tiyak makakaya niya ang ugali ni Klein." Sabi sa amin ni manang na may halong action pa sa pagkwento sa amin.
"Naku lagot talaga itong Klein sa akin." Sabi ni Angelo at nauna ng umakyat sa hagdan.
"Sige mga iho may gagawin pa ako. Nasa kwarto lang si Klein." Paalam sa amin ni manang. Nagsitingan kaming apat at ngumuso lang si Neil kay Angelo na nauuna.
Sumunod na kaming apat. Malaki at malawak ang bahay ni Klein. May business silang pinapatakbo at dalawang sikat na private school. Si Angelo ay may hospital silang pagmamay-ari at kilala ang pamilya nila sa magaling sa paggawa ng medicina at magagaling na Docotor. Si Neil naman, mahilig itong mang hack ng acc so obviously nasa kanila ang magagaling na hacker na pamilya at nakakapagimbento ang magulang niya ng mga bagong gadgets na maaari nilang gamitin. Si Jacob naman ay may sariling bar, at hotel ang pamilya niya. Ako? Mahilig lang naman ako magluto at may sarili dim kaming restuarant sa iba't ibang lugar. Family life blood namin iyon.
Papunta kami ng kwarto ni Klein ng naabutan namin si Angelo na nakatayo sa pintuan ni Klein tila na may pinapakinggan. Lumapit kami sa kanya at eto ang narinig namin sa loob.
"Bakit mo ba ako pinapakealaman ha?! Sinabi ko bang pakialaman mo ang mga gamit ko?!" Sigaw ni Klein. Lahat kami ay nagsitinginan.
"K-k h-hindi ko naman si-nasadyang m-mabasag ang v-vase mo." Nauutal na sabi ni Klea.
"Damn you woman! Get out!" Sigaw ni Klein. Iniimagine ko na kung ano ang reaction ni Klein. Ganito talaga siya kahit simpleng bagay lang ginagawang big deal.
Tumingin ako kay Vince at nakakumo ang kamao tila pinipigilan na huwag mangialam.
"Kawawa si Kk pasukan na nati--" Pinigilan ko si Angelo sa pagbukas ng pinto.
"Hintayin na lang muna natin." Sabi ko.
"Hindi mo naman ako kailangan sigawan ha?! Ganyan ba ang paghingi mo ng thank you sa akin kagabi?!" Sigaw din ni Klea pabalik. Nagulat kaming apat sa ginawa ni Klea siya lang ang babaeng sinisigawan si Klein dahil halos lahat ng babae ay nagkakandarapa para kay Klein.
"Sinabi ko bang alagaan mo ako? And you... huwag kang illusyunadang babae ka. Hindi ako si K na tinutukoy mo. Now clean this mess ang get out!" Galit na sigaw ni Klein.
Hinihintay namin kung ano ang sasabihin ni Klea pero wala na itong sinabi.
"Ano papasok na ba tayo?" Tanong ni Neil. Tumango naman ako at binuksan ni Neil ang pintuan ng dahan dahan upang hindi makagawa ng ingay. Pagpasok namin mukhang hindi nila kami napansin dalawa.
"Ikaw at si K ay iisa. Hindi ko akalain na matitiis ko na ganito ang ugali mo. Ibang -iba ka kay K." Sabi ni Klea at pinulot ang bubog. Tumingin lang sa kanya si Klein, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero tila naguhuluhan siya sa sinabi ni Klea.
K? Tinawag niyang K si Klein?
Ang kalat ng kwarto ni Klein. Ganito talaga siya kapag magwala ginagawang big deal ang lahat. Tumalikod naman si Klein sa kanya kaya gumawa na ako ng paraan para mawala ang comotion.
"Hey dude." Bati ko ang kaninang nakakunot na noo ni Klein ay napalitan ng blank expression ng nakita kami.
"K-kamusta ka na Klein? Balita namin nilagnat ka kagabi." Sabi naman ni Jacob at tumabi kah Klein sa sofa at inakbayan ito. Hindi man lang niya kami pinansin at tinignan lang si Klea.
Lumapit naman si Vince kay Klea at pinigilan na huwag kunin ang bubog. Nakita ko pang kumuha ng band aid si Vince at nilagay sa kamay ni Klea. Tumingin ako muli kay Klein nakakumo ang kamay niya tila pinipigilan.
"Bro kalma lang Klein." Sabi ni Neil at tumabi kay Klein si Angelo naman ay tinignan lang si Klea na tila may iniisip.
"Nakakainis ang babaeng iyan. Una ako tapos si Vince. Sino ang sunod?" Galit na sabi ni Klein.
Tumayo naman si Klea sa pagkaupo sa lapag at tumayo ng nakita niya kami nagulat naman siya. Nginitian ko na lang siya pabalik at ang iba ko pang kasama.
Tumalikod na si Klea at aalis na sana ng may sinabi si Klein kaya napatigil ito sa paglakad.
"Klea, hindi kita kilala. Kaya pwede tumigil ka na. Yung mga pangako na inakala mo, kalimutan mo na iyon. Hindi iyon ako. Huwag ka masyadong desperada, dahil hindi kita kahit kailan magugustuhan." Sabi ni Klein. Lumingon naman si Klea na tila nagulat sa sinabi ni Klein.
Ngumiti naman siya ng mapait kay Klein at kita sa mata niya na nasaktan siya sa sinabi ni Klein at any moment ay tutulo na ang luha.
"G-ganon b-ba?" Tanonh ni Klea. Wala man lang sinabi si Klein.
"Sige sabi mo." Sabi ni Klea at umalis. Lahat kami ay nakatingin lang kay Klein na tila hinihintay ang sasabihin niya.
"What? I don't need to explain. Tatanga tang---" Hindi natapos ang sasabihin ni Klein ng bigla siyang sinuntok ni Angelo sa mukha.
"Ano problema mo ha?!" Galit na tanong ni Klein habang hawak ang panga niya na may namumuong dugo. Kahit kami nagulat sa ginawa ni Angelo unang beses ko siyang nakitang sumuntok ng tao at kay Klein pa talaga.
"Gago ka ba Klein?! Para sa vase lang ganyan mo na sigawan si KK ha?! Big deal sa 'yo ang vase na iyan? Makakabili ka pa naman ng bago ha?!" Sigaw ni Angelo. Somehow may point si Angelo, ginawang big deal ni Klein ang vase.
"Kk? Kilala niyo ang babaeng iyon? Whatever I don't care!" Sigaw ni Klein.
"Dahil diyan sa mainitin mong ulo sinaktan mo si Klea. Hindi man physical kundi emotional! Hindi ka naman manhid di ba? Sana nag-isip ka muna sa mga salitang binitawan mo!" Sabi ni Angelo at lumabas na ng kwarto.
JACOB POV
Umalis na si Angelo kaya binitawan na namin ni Neil si Klein.
"Problema non?" Tanong ni Klein sa amin. Nagkibit balikat lang kami ng lumapit sa kanya si Vince at tinap ang kanyang braso.
"Agree ako kay Angelo. Sinaktan mo si Klea." Sabi ni Vince at umalis na din.
Kahit ako kanina gusto ko pigilan si Klein sa ginawa niya pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Angelo kay Klein.
"Sana Klein maging sensitive ka din sa babae. Ayan tuloy imbes magbobonding tayo nauwi sa ganito." Sabi ni Rex at ngumiti na lang.
Tahimik na lang si Klein tila hindi makapaniwala sa sinabi ng mga kaibigan namin.
"Sige bro babalik lang kami." Paalam ni Rex at lumabas.
"Kayo! May sasabihin ba?" Sabi ni Klein. Na seryoso at malamig ang boses.
"W-wala ah." Sabi ko at tumingin kay Neil.
"Wala din. Oh eto prutas mo. Aalis na kami. Palamig ka na muna ng ulo." Sabi ni Neil at dali daling lumabas kaya sumabay na ako.
Ang tanong anong meron si Klea at Klein? Bakit mukhang magkilala sila at nasaktan si Klea sa sinabi ni Klein?
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Novela Juvenil-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...