CHAPTER 36
KLEA POV
Ipinarada ni Klein ang sasakyan niya sa isang botique. Ano ba ginagawa namin dito? Tinignan niya lang ako at nginitian. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya naman ang kamay niya at tinanggap ko naman iyon.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok sa loob.
"May ipinagawa kasi ako." Sagot niya pabalik habang nakatingin sa daan na nailalakaran namin patungo sa botique.
"Good morning Mr.Villamor." Bati sa kanya ng isang bakla. Akala mo lalaki yun pala may halong berde sa dugo.
"Good morning Francis. Natapos na ba ang ipinagawa ko sa iyo?" Tanong ni Klein habang magkahawak pa din kami ng kamay. Pasimple namang tunitingin sa kamay namin si Francis, kaya iwinaksi ko ang kamay ni Klein dahil naiilang ako ngunit hindi ako nagtagumpay dahil hawak niya pa din ng mahigpit ang kamay ko.
"Yes, natapos na siya. Perfect na perfect sa inyo." Saad ni Francis at umalis.
"Anong meron?" Takang tanong ko kay Klein. Akmang sasagutin niya na ako ng biglang dumating si Francis habang tinutulak ang isang kulay black na gown na may halong red. Ang ganda ng combination ng kulay, nakakamangha.
"What can you say Mr.Villamor?" Tanong ng bakla habang proud na proud sa ginawa niya.
"Pwede na. Bukas dapat nasa condo na iyan." Sabi ni Klein at hinila na ako palabas ng botique. Ano daw yun?
"Aalis na tayo? Hindi ka man lang nag thank you."
"Sanay na yun si Francis." Saad ni Klein at pinapasok na ako sa kotse niya.
"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya.
"Aba malay ko sa iyo." Sagot ko. Eh sa wala naman talaga akong alam na lugar kung saan kami pupunta.
Napatigil naman siya sa gawi ko at nakatitig sa akin na tila may iniisip. Taas kilay ko naman siyang tinignan, baka may iisipin itong kabalastugan.
"Alam ko na Girlfriend. Why don't we cherish this day." Sabi niya sa akin at kinindatan ako at nagsimula ng magmaneho.
SHEENA POV
Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako, sarili konf kaibigan na tinuring akong totoong kaibigan at ang pinakatitiwalaan king kaibigan ay wala na. Lahat nagbago.
Matagala ko ng gusto si Klein. Hindi ko lubos akalain na malalaman kong sila na pala ni Klea. Akala ko ba hindi niya kilala si Klein, bakit ata mukhang matagal na silang magkilala. May hindi ba sinasabi sa akin si Klea noon? Nakakapanghinayang lang dahil sa pagising ni Klein ay sinungatan niya agad ako, oo hindi niya pa ako kilala bilang fiance pero ang sakit lang. Tapos mag ilang araw nalaman kong doon na pala nakatira si Klea sa bahay ng mga Villamor then siya pa ang nag-aalaga kay Klein. Ang bilis lang, agad-agad nakuha ni Klea ang loob ni Klein.
Hindi ako papayag, minsan na akong nasaktan dahil sa ex boyfriend ko. Hindi ako papayag na si Klein na fiance ko ay maaagaw sa akin ni Klea na wala namang katapat sa akin.
Oo tinuring kong totoong kaibigan si Klea noon, pero hindi na noon. Dahil karibal ko na siya sa pagmamahal ko kay Klein. Kunting panahon na lang at malapit na kaming kilalanin ng media bilang mag fiance.
KLEIN POV
Aaminin kong hindi ako mapakali tuwing naaalala ko ang mga sinabi sa akin ni Daddy last week, pero hindi ako papayag na magiging hadlang siya sa amin ni Klea.
Buong araw ko inaliw si Klea upang makabawi man lang ako sa kanya, siguro nagtatampo na siya sa akin dahil minsan ko na lang siya kinikibo sa condo ko. Natatakot lang kasi ako at sa loob ng isang week may nalaman ako. Sapat na ang bagay na nalaman ko upang hindi iwan ang babaeng mahal ko.
"Boyfriend saan tayo pupunta?" Tanong ni Klea sa akin.
"Basta." Sagot ko sa kanya.
Gusto ko muli pumunta sa lugar na iyon. Nangako ako sa kanya na babalikan namin ang lugar na iyon sa oras na makabalik ako sa katawan ko. Hindi ko papalagpasin ang pagkakataon na ito, kahit masyado akong busy sa mga bagay bagay na inaatupagan ngayon ng mga kaibigan ko kinakailangan ko pa din iparamdam kay Klea na mahal ko siya.
Pagkarating namin sa lugar tinignan ko muna Klea bago bumaba, kita ko ang pagkagulat sa kanyang mata ngunit nakabawi naman siya agad. Sakto lamang ang dating namin dahil maggagabi niya.
"Naalala mo pa pala ito?" Tanong niya sa akin. Habang magkahawak kamay kamay kami naglalakad sa mataas na bundok. Eto, dito kami naging kami ng pumayag si Klea.
"Naman, nangako ako sa iyo Girlfriend di ba? Na babalikan natin ito ng sabay kapag makabalil na ako sa katawan ko. Kaya etona tinutupad ang pangako ko." Sabi ko sa kanya at pinisil ang kamay niya.
Pagkadating namin ang ganda ng tanawin sa baba. Iba't ibang ilaw ang makikita mo mula sa mga bahay na nasa malayo at sa mga sasakyan. Dagdagan pa ng sariwang hangin na siyang humahalik sa balat namin.
"Ang ganda talaga." Bulalas niya. Niyakap ko naman siya likod. Eto yung pangarap ko, na makasama ang babaeng mahal ko ng walang iniisip na problema.
Ngunit may mga dapat pa akong ayusin, babalik si Daddy at ramdam ko iyon. Ipapakilala ko sa kanya si Klea. Kahit anong mangyari nandito lang ako kay Klea, hindi ko papakasalan ang babaeng hindi naman siya ang tinitibok ng puso. Pinaparusahan ko lang ang sarili ko kapag mangyari iyon.
"Salamat Boyfriend. Ano nga plano mo sa masquerade party?" Tanong niya. Napangiti naman ako sa tanong niya a mas isiniksik ang ulo sa leeg niya.
"Basta Girlfriend. Isuot mo ang gown na pinagawa ko, babagay naman iyon sa iyo. Alam naman ni Mommy na pinagawan kita." Sagot ko.
"Mommy mo?" Sabi niya.
"Oo." Sabi ko din.
"Nag-usap kami ng mommy mo noong huling linggo hindi ko alam kung may mukha pa ba akong iharap sa kanya." Sabi ni Klea at tinakpan ang mukha niya gamit ang kanyang palad. Napabitaw naman ako at pinaharap ko siya sa akin habang nakakunot ang noo ko.
"Ano ang pinag-usapan ninyo?" Tanong ko. Hindi ko alam kun ano ang pinag-usapan nila.Nag-usap pala sila? Bakit hindi ko alam.
"Basta mamaya sasabihin ko." Sabi niya at humarap sa magandang tanawin na nasa baba.
"Okay." Sabi ko na lang. Ano ang pinag-usapan nila? Bakit hindi sinabi sa akin mommy?
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...