CHAPTER 24
KLEIN POV
Nakahiga ako sa kama at nakatingin lamang sa kisame.
*Flashback*
Nagising ako dahil sa panaginip ko. Laging sumasakit ang ulo ko tuwing naiisip o napapaginipan ko iyon. May babae daw akong kasama at ang sweet ko sa kanya hindi ko nga lang mamukhaan kung sino. May sinasabi ang babae ngunit wala akong boses na naririnig galing sa kanya.
Isang lugar, madilim at gabi na. Kami lang dalawa at mukhang masaya siya. Parehas kaming masaya, madaming ilaw. Basta ayun ang nasa panaginip ko.
Napatingin ako sa babaeng nakahiga sa side ng kama ko. Mukhang nagising ko siya dahil sa paggalaw ko.
"K-k gising ka na pala." Sabi niya at kinusot ang mata niya. Nakauniform na siya, ang aga niya masyado.
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya agad sa akin at kinapa ang noo ko. Naiinis ako sa kanya, kahit pinapahalata ko na naiinis ako sa kanya hindi pa din siya sumusuko.
"Ano ba, alisin mo nga kamay mo. Ayos na ako." Sabi ko at tinampal ang kamay niya. Tumayo naman siya sa pagkaupo at tinignan ako sa mata sa mata.
*lubdub*
"A-ano bang ginagawa mo?" Sabi ko at umiwas ng tingin. Tumango naman siya at nag-inat ng katawan.
"Okay ka na. Kailangan ko ng umalis K." Sabi niya. Akmang aalis na siya ng nasagi niya ang vase na matagal ng nakadisplay sa kwarto ko. Kaya nasigawan ko siya at napagsabihan ng kung ano-ano. Hindi ko naman ginusto ang lumabas sa bibig ko, pero nainis ako dahil sa katangahan niya.
*end of flashback*
Kaya eto ako ngayon nag-iisip isip. Si Angelo, unang beses niya akong nasuntok dahil lang kay Klea.
"Magkakilala pala sila?" Tanong ko sa sarili ko. Hinawakan ko ang sugat sa labi ko sa kadahilanan ng suntok.
Inis akong umupo sa kama at tinignan ang basag na vase, nagplaplay back sa akin ang itsura kanina ni Klea na nasaktan siya sa mga sinabi kong salita at nung kanina na sinigawan ko siya. Idagdag pa ang mga sinabi ng kaibigan ko sa akin.
"Aist!" Sabi ko at ginulo ang buhok ko. Kainis naman, bakit ba ako naiinis? Kanino ako naiinis? Sa sarili ko?
Tumayo ako at pumasok na sa banyo upang maligo, kailangan kong magpalamig. Habang naliligo ako, pumasok sa isip ko ang ginawa ni Klea kagabi sa akin. Inalagaan niya ako kahit naiirita ako sa kanya.
Bakit ba K ang tawag niya sa akin? Sino ba si K? Bakit ang dami kong tanong sa sarili ko? Kainis, peste!
Nakaramdam ako ng hapdi sa kamao ko ng nakita kong nasuntok ko na pala ang wall ng cr. Hindi ko namalayan, bakit ba iniisip ko ang Klea na iyon? Hindi ko naman kasalanan kung nasigawan ko siya, kasalanan niya naman.
Nagbihis ako ng damit at inayos ang sarili ko. Saan ako pupunta? Hindi ko alam. Excuse naman ako ilang araw total alam ni Mom na may sakit ako at kailangan kong magpahinga.
Pagbaba ko ng hagdan nakita ko ang lima na feel at home talaga sa bahay namin. Bumaba na ako at nakita ako ni Jacob.
"Uy Bro saan ang lakad mo?" Tanong niya sa akin.
"Wala, pake mo ba?" Tanong ko at kinuha ang susi sa glass table. Napatigil naman silang lima sa pinanggagawa nila at nakatingin lang sa akin.
"Magbobonding pa tayo bro, tapos aalis ka?" Sabi ni Neil at tumayo na mula sa pagkakaupo at nilapitan ako. Tinignan ko naman siya ng nakakunot ang noo. Magbobonding kami?
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...