CHAPTER 16
KLEA POV
Pauwi na ako galing school ng napagdesisyunan kong dumiretso sa grocery dahil inutusan pala ako ni Naynay kanina lang.
"Hay naku." Sabi ko sa sarili ko at napabuntong hininga. Naglalakad lang ako patungo sa mall since walking distance lang naman. Sayang ang pamasahe kailangan kong magtipid.
Habang naglalakad ako, hindi ko pa din maintindihan ang mga ngiti kanina sa mukha ni Sheena. Ang saya niya na hindi ko maintindihan, na mee niya na daw si Klein and guess what? Sabi niya pa gulat na gulat daw si Klein na may fiance pala siya. Salbahe nga daw ang ugali at mukha daw na mahihirapan siya sa fiance niya.
Sino ba si Klein? Bakit parang iba ang impact niya sa akin tuwing naririnig ko ang pangalan niya? Hindi ko naman siya kilala? Or sadyang curious lang talaga ako kung sino siya.
Bagsak balikat akong pumasok sa mall at hindi ko man lang nagawang pansinin na sa exit pala ako pumasok napahiya tuloy ako sa guard. Hanggang ngayon lumilipad pa din isip ko, si K kasi hindi talaga siya nagpaparamdam.
"Hey Vice!"
Saan na kaya siya ngayon? Ano kaya ginagawa niya?
"Klea?"
Namimiss ko na siya. Babatukan ko talaga siya kapag magpapakita siya sa akin. Lagot talaga ang K na iyon pinapamiss niya ako.
"Klea tumingin ka nga sa dinadaanan mo." Napabalik ako sa wisyo ng may humila sa akin sa braso at nakaharap ako sa isang lalaki. Pagtingala ko
"Ikaw?" Sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin. Si Vince pala. Inalis ko ang pagkahawak niya sa akin at tumingin sa likod ko, pagkatingin ko may cart pala.
"Malapit mo nang mabangga ang cart ni Manang. Okay ka lang?" Sabi ni Jacob. Ngayon ko lang napansin na nandito pala silang lima at nakatingin sa amin ang mga tao. No I mean mga babae pala na kilig na kilig, may iba pa ngang namumula ang mukha.
"Ayos lang." Sabi ko na lang. Ayan Klea nakakahiya ka.
"Saan ka ba?" Tanong sa akin ni Neil sabay lapit sa akin at umakbay.
"Maggrogrocery." Sabi ko at inalis ang braso niya.
"Yah! Neil huwag mo ngang chansingan si Klea." Saad ni Angelo at tumabi sa akin. Sabay bulong "Huwag ka magpapatukso malandi yan." Saad niya kaya napangiti na lang ako.
"Mabuti pa Klea sumama ka na lang sa amin." Sabi ni Vince at ngumiti na mas ikinilig ng mga babae sa gilid.
"Tama. Maggrogrocery din kasi kami. Bibisitahin namin mamaya ang señorito." Sabi ni Rex.
Wala akong masabi sa kanila. Napaka gaan nilang kasama, imbes na mairita ako at mainis mas gusto ko ang accompany nila kahit kahapon ko lang sila nakilala.
"Pagpasensyahan mo na kaibigan ko mga may saltik yan sa pag-iisip." Sabi naman ni Angelo at hinila na ako.
Sumabay naman ako sa kanya at pagtingin ko sa likod nakasunod na pala ang apat sa amin. Si Rex ay iisang ekspresyon lang mukhang lahi itong calm. Si Vince naman ay moderate minsan seryoso ngunit ngumingiti naman. Si Angelo tahimik lang at tumitingin sa dinadaanan namin habang si Neil at Jacob ay nag-uusap habang tumatawa.
"Neil and Jacob kumuha na kayo ng cart. Dalawa." Sabi naman ni Rex habang si Vince at Angelo naman ay nasa tabi ko.
"Bakit ako na naman/ako?" Sabay sabi nilang dalawa na ikinangiti ko.
Ngunit hindi sila pinansin ni Rex at lumakad lang ito. Ngayon ko lang na realize mukhang si Rex ang pinakaresponsable sa kanilang lima dahil sa naobserbahan ko kahapon siya kasi ang humanda ng pagkain at mature mag-isip. Si Vince naman ay into leadership siya, magaling siya kasi nga di ba acting president siya ng paaralan nila. Si Angelo naman akala mo walang pakealam ngunit may childish side pala akala ko nga sa gadget lang umiikot ang oras nito. Si Neil naman obviously playboy, pero mabait. Si Jacob pasaway at siguro laging napapasabak sa gulo. Idagdag mo pa ang kanilang mga itsura na tiyak na kikiligin ka dahil perfect sila kung tignan, anak mayaman nga naman. Eh si Klein? Ano kaya ang itsura niya?
Habang naghahanap ako ng bibilhin ko sumabay sa akin si Vince at siya na ang tumulong sa akin para itulak ang cart.
"Nasaan pala kasama mo Vice?" Tanong niya sa akin habang ako naman ay hawak ang listahan ng bilhan ko.
"Ahm... umuuwi na or nasa school pa." Sabi ko na lang at hindi man lang siya tinignan.
"Bakit may listahan ka pa, mahihirapan ka kapag ganyan. Kumuha ka na lang tapos balikan mo na lang sa sunod." Sabi niya sa akin. Napatigil naman ako at tinignan siya.
"Dapat practical tayo Vince. At saka hindi ako mayaman para magpabalikbalik dito sa mall." Sabi ko. Narinig ko naman na tumawa siya.
Kinakausap lang ako ni Vince at promise ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya, ang daldal nga niya eh siya ang gumagawa ng topic kaya hindi siya boring kasama.
"Nandito lang pala kayo dalawa." Bungad sa amin ni Angelo.
"Ikaw Vince ha? Huwag mong nakawin ang Kk ko." Sabi ni Angelo at nilock niya ang braso ko, tila niyakap niya ito. Isip bata pala ang isang ito.
"Nakawin? Ano siya gamit na basta na lang nakawin? At saka nasaan sila?" Sabi ni Vince. Hindi siya pinansin ni Angelo at hinila ako kaya
"A-ah e-eh Angelo--" Hindi ko natapos sabihin ko dahil inunahan niya ako.
"Naku Kk dapat ako kasama mo. Ako ang nauna sa 'yo kanina bigla kasi kayong nawala dalawa." Sabi niya.
"Yung cart ko nandoon kay Vince." Sabi ko napatigil naman kami ni Angelo
"Teka baba--"
"Halina kayo." Sabi ni Rex.
"Tapos ka na ba Klea?" Tanong ni Rex sa akin. "A-ah oo tapos na." Sabi ko.
Napatampal na lang ako sa noo ko nang na realize ko, kasama ko ang limang ito hindi ko inaasahan na magulo pala siya. Magulo ang kanilang pakipaginteraksyon sa isa't isa isama pa si Angelo.
After naming mag grocery ay sila na ang nagbayad sa pinambili ko at inihatid nila ako sa bahay namin.
"Salamat sa inyo." Sabi ko at yumuko.
"Naku walang anuman Kk. Basta ikaw okay lang sa amin." Sabi ni Angelo.
"Ano ba Angelo ang daldal mo kapag si Klea ang kasama mo, may pa KK ka pang nalalaman." Sabi naman ni Neil. Tumawa na lang ang mga kasamahan nila.
"Ingat ka." Sabi ni Vince sa akin nasa harapan kasi siya nakaupo. Tumango naman ako.
"Bye bye Klea. Sa sunod muli." Sabi ni Neil sa akin. Nang tignan ko si Angelo nakanguso lang siya habang nagwave sa akin. Tumawa na lamang ako ng mahina at umalis na sila.
Grabe nakakaaliw silang kasama. After ng ilang minuto ay napagdesisyunan ko ng pumasok sa bahay.
"Naynay nandito na ako." Sabi ko at nilagay sa kusina ang pinangbili ko.
"Nandito ka na pala Klea. Hinanda mo na ba gamit mo? Susunduin ka na mamaya ng sundo nila madam." Sabi sa akin ni Naynay.
"Ah opo Nay. Sasama po ba kayo?" Tanong ko. Ngunit umiling na lamang si Naynay.
"Hindi Klea walang magbabantag dito at saka pwede ka naman bumisita dito. May rest day ka naman." Sabi ni Naynay. Ngumiti lang ako at niyakap siya.
Buong maghapon kaming nag-usap ni Naynay tungkol sa pag-aaral ko. At kinwento niya din sa akin ang mga nangyari sa kanya nang nandoon siya sa bahay ng kapatid niya.
*Ding*dong*
"Nandito na ata ang sundo mo Klea." Sabi ni Naynay at binuksan ang pinto.
"Pinapasundo na po siya ni Madam." Sabi ng isang lalaking matangakad at nakasuit pa.
"Sige na Klea sumama ka na. Tumawag or magtext ka ha?" Sabi ni Naynay sa akin.
"Eto na po ba lahat ang gamit mo Ma'am?" Tanong sa akin ng lalaki.
"A-ah opo." Sabi ko. Bago kami umalis ay niyakap ko si Naynay at hinalikan siya sa pisngi.
Makikita ko na ang babantayan ko, sana hindi ako mahihirapan alagaan siya. Nag-aaral pa naman ako sana hindi ako magiging dehado sa lesson namin, at sana magkakasundo kami. Pero aaminin kong kinakabahan ako ngayon, para bang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Masaya na tila ba takot.
Naku Klea, wala lang iyan. Magtrabaho ka lang. Tama pag-aaral ko at aalagaan ko lang ang lalaki ang aatupagan ko. Tama. Kaya mo to Klea.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...