CHAPTER 28

1.9K 71 2
                                    

CHAPTER 28

KLEIN POV

"Bro come in." Sabi ni Ate sa akin. Pumasok naman ako sa kwarto niya at isinarado ang pinto.

"What is it Ate?" Sabi ko at humiga sa kama niya habang siya ay nakaupo at tinitignan ako.

"Wala kang sasabihin?" Tanong niya sa akin. Napaupo naman ako at tinignan siyang pagtataka.

"Huh?"

"Klea and you. Inaway mo daw siya." Sabi ni Ate.

"Ate akala ko kung ano na. Tatanga tanga kasi siya kaya ayun, pero okay na." Sabi ko at tumayo sa kama. Tumayo naman si Ate at tinignan ako ng masama. Napalunok na lang ako ng laway dahil parang alam ko ng kung ano ang gagawin niya.

"Ouch! Ate ang sakit!" Sabi ko ng sinuntok niya ako sa sikmura ko. Hindi ko alam kung babae ba ito o lalaki nakakapagtaka talaga ang kapatid kong ito. Napahiga ako sa kama niya at hinawakan ang tiyan ko.

"You know bro, isa lang naman ang hiling ko eh. Bago ako ikasal..." Sabi ni Ate at umupo sa kama niya. Umupo na din ako ng hindi na masakit ang tiyan ko.

"Ano yun?" Tanong ko. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin at ang mata niya ay malungkot.

"I want you to enjoy and explore life before its to late."

"What are you trying to say?"

"Bro humanap ka ng babaeng mamahalin mo ng totoo yung tipong handa mo siyang ipaglaban kahit anong mangyari lagi kang nasa tabi niya at parehas kayong lalaban." Unang beses ko itong narinig kay Ate, naninibago ako. Tahimik lang ako dahil mukhang madami pa siyang sasabihin.

"Hindi tulad sa akin, ginawa ko lahat ng gusto ni Dad and Mom then I just found out na may fiance na ako and ikakasal na kami. Bro gusto ko lalaban ka para sa sarili mong kaligayahan." Sabi ni Ate at lumabas at tumungo sa veranda.

Pinuntahan ko siya at nakangiti siyang tumingin sa baba. Tumingin ako kung saan siya nakayingin, masaya silang anim lalo na si Klea masaya siyang kasama ang mga kaibigan ko.

"You like Klea don't you?" Sabi niya ng nahuli niya akong tumitingin kay Klea kaya umiwas ako ng tingin.

"Bro, you know what? Klea is good. She's smart and tough. If you like her cherish the moment or else pagsisihan mo." Sabi ni Ate. The way paano itreat ni Ate si Klea halatang gusto niya si Klea.

"Kung umayaw ka pala sa kasal ninyo?" Sabi ko kay Ate.

"No hindi maaari. Tanggap ko na naman eh sa mundo ng business pera lang ang tumatakbo sa isip ng magulang natin. Ipapakasal tayo sa mga business partner ng anak nila upang mas lumago pa ang business at mas lumakas." Saad niya at tumawa ng mapait.

"How I wish na hindi na lang ako ipinanganak sa mayamang angkan. Yung normal na pamumuhay lang, yung iproproblema mo lang ang kakainin at susuotin mo yung kahit anong gusto mo magagawa mo dahil walang hahadlang sa 'yo." Sabi niya. I really feel sorry sa situation ni Ate.

"You mean, even I?" Sabi ko. Tumango naman si Ate. Napatingin ako muli kay Klea na kung makatawa namumula na ang mukha.

Babawi ako kay Klea, madami pa akong pagkukulang dahil sa nagawa ko siyang kalimutan. Ngayon pa, ngayon naalala ko na siya.

"Hindi ako papayag. Ayaw ko kahit sarili kong kaligayahan pang habang buhay ay kokontrolin nila. Tama na, oras na naman natin maging masaya." Sabi ko at tinignan si Ate.

"That's it." Sabi ni Ate at tinap ang balikat ko. Lumabas na siya ng kwarto niya at naiwan akong mag-isa dito.

Klea, Girlfriend? Bakit ganito? Kailangan kong sulitin ang oras habang kasama ang babaeng mahal ko. Yes I love Klea pero how? I mean paano ko sasabihin sa kanya na naaalala ko na siya?

My Ghost Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon