~Kylie
Kakatapos ko lang mag ayos ng gamit, as every actress or actor, ung salitang pack up na tayo, sobrang sarap pakinggan. "Ky, gusto mo bang ihatid na kita sa bahay mo, ang rinig ko kasi wala kang dalang kotse, coding ka raw." Banggit ng kapareha ko na si Martin, Napakabait nya na tao, every now and then kapag coding ako, Inaaya nya ako na sya na ang maghatid, ang kaso, Umaayaw ako.
"Hindi na Martin, ok lang ako, saka didiretso pa ako sa isang audition, May bago raw project ang network natin eh, tutal inumaga na lang rin tayo, didiretso na ako." Hindi ko maintindihan kung bakit kahit anong pag tanggi ko sa pag kusang loob nya, Hindi na dumating ung araw na umoo ako sa pag hatid nya.
"Kylie Pristine Santiago, Napaka hard working mo naman at may soap opera ka pa tapos mag aaudition ka na ng ibang palabas, Ako nga parang gusto ko nalang matulog, tapos ikaw mag aaudition ka pa." Sabi ni Martin saka inabot ang duffel bag na naiwan ko pala sa lamesa, pamalit ko sana ng damit dahil nga mag auudition pa ako.
"Hindi pa naman ako pagod, nakatulog naman ako kanina habang ikaw ung nakasala. Kaya ok lang kahit mag audition pa ako." Wika ko saka buong inayos ang mga gamit ko at Nilagay sa balikat ko ang mga bag na kailangan ko.

BINABASA MO ANG
Through You
RomanceYou and I are both in showbiz, In this world, Trust is hard to earn and love becames another thing. But the problem is, It is not the world we live in that I have trouble understanding, It's you that I find hard to deal with and It's you that I can'...