~Kylie
"Ano, Balik titig ka na naman?" Sabi ni Rocco na nasa gilid ko, nag aantay kami ng call time, si Gabbi kasi ung onshoot mamaya, kaya inaayusan sya. Katabi nya ulit si Ruru, wala naman sa lugar ko mag tanong pero tama si Rocco, balik titig na naman ako.
"Teka, bat ganyan ba mga tanungan mo?" Sabi ko saka tinukuran ung espadang hawak ko. Dapat kasi ako na ang nakalinya, ang kaso dumating si Gabbi, kaya inuna na ishoot ung kanya. Since solo naman, willing na kami mag antay. Sumaglit nga lang sya galing don sa currently project na pinag tutuusan nya ng oras habang naka off.
"Alam mo, sinasabi ko lang kung ano nakikita ko." Biro nito saka ako inikutan, "Ang akin lang, hindi man kayo nag kakausap, ay mas malagkit pa ang tinginan nyo sa dakta na ginagamit na dugo ng hathor." Sabi nya saka inangat ung espada nya.
Kinunot ko ang aking noo. "If we haven't done anything, how can you assume things?" I reply.
"Mag tagalog ka! Di bagay sa suot mo!" Sabi nya saka tinuro ung damit ko, tinignan ko naman ito. Buti nalang at hindi mainit ung tela masyado nito kung hindi di ko na alam.
"So ano na nga, bat nga ano ba ung sinasabi mong alam mo sa tingin mo?" Tanong ko dito.
"Ha? Ano ba yang tagalog mo ang panget." Sabi nito saka tumawa.
"Magtigil ka, pareho lang tayong nag babakel sa script." sabi ko saka tumawa.
"Pero hindi nga, anong alam mo?" Pag babalik ko sa kaninang usapan namin.
"Ky, Honestly, hindi naman ako pabor sa cheating. Kaya nung napapansin ko na iba na ung titig nyo sa isa't isa, sabihan mo man ako na malisyoso ako mag isip, alam kong hindi na nya gusto si Gabbi. Nawitness ko naman mag away ung dalawa. Hindi ko pinapalubag ang kalooban mo para sabihin to, pero maniwala ka, hindi ikaw ang dahilan." Sabi ni Rocco, ngunit sa lahat ng katagang lumabas sa bibig nya, ang narinig ko lamang ng buo ay kinausap nya si Ruru.
"Kinausap mo si Ruru?" Agad kong tanong. Pilit kong inaalala kung ano sinabi ni Ruru sakin kahapon. Tungkol sa hiwalayan nila ni Gabbi. Inisip ko din kung hindi ko ba sya masyado nabigyan ng panahon mag isa. Baka mamaya, magbalikan sila, saan naman ako lulugar doon?
"Hindi mo naman ninamnam ung sinasabi ko eh." Hindi ko na pinansin si Rocco at binalik ang tingin ko kay Ruru at Gabbi, kasalukuyang inaayusan ng buhok si Gabbi, nasa gilid naman nya si Ruru, hindi ko alam kung kaninong script iyon, pero dahan dahan iyong binabasa ni Ruru.
"Hindi mo naman maiiwas yon, may nakaraan sila." Sabi ni Rocco. Habang ang mata ko ay nakatanim kay Ruru at Gabbi.
"Kanino ka ba talaga kampi ha?" Hinarap ko sya at tinanong, he held his hands up together.
"Joke lang naman. Ito naman. Sayo siempre, ikaw ang aking Hara Amihan." Sabi nya at nag bigay pugay. Tumawa naman ako.
Nung makita ko na tumayo si Ruru ay may nag bubulong sa akin na sundan ko. Sinundan ko naman sya, nang mapansin nya ako, lumapit sya.
"Hmmm, first time ba kita makikita mag selos?" Tanong nito saka ako hinatak palapit sakanya.
"Mag tigil ka. May itatanong lang ako." Sabi ko saka hinigit ung kamay na ginamit nya para hatakin ako papalapit sakanya.
"Hiniwalayan mo ba si Gabbi dahil sakin?" Nag bago ang mukha nya ng marinig ang aking mga salita.
"Ky, No, That decision was solely upon me. Wala kang kinalaman. I swear." Ruru says, leans in to hug me. But something is bugging me.
I let go of his hug, baka may makakita samin. Mahirap na. Nginitian ko sya saka nag lakad papalayo. Nag aadjust na naman ba ako? I mean, behind all the things with Aj, baka naman marecall ko pa kung ano ko dati?
BINABASA MO ANG
Through You
RomanceYou and I are both in showbiz, In this world, Trust is hard to earn and love becames another thing. But the problem is, It is not the world we live in that I have trouble understanding, It's you that I find hard to deal with and It's you that I can'...