STREAM FOLKLORE hehehe ✨💙
~Ruru
I was already half an hour away from the shooting area when a thought just entered my mind.
"Ru, sasabay pala ako sayo. My driver just drove me off. Baka ngayon gusto mo nang mag dinner?"
"Ru, sasabay pala ako sayo. My driver just drove me off. Baka ngayon gusto mo nang mag dinner?"
"Ru, sasabay pala ako sayo. My driver just drove me off. Baka ngayon gusto
mo nang mag dinner?"
I immediately stepped on the break. Paanong nawala sa isip ko na nag papahatid si Gabbi? Buti nalang at walang tao sa likod ko kundi baka may nakabangga sakin. Tinignan ko muna ang buong kalsada. Tinignan ko kung pwede mag u turn at yun nga ang ginawa ko.
Hindi ko ka matanggap na sa sobrang lalim ng iniisip ko, nakalimutan ko nag papasabay nga pala si Gabbi sakin. Pilit kong inabot ung cellphone ko gamit ang kaliwa kong kamay, habang nananatili ung kanang kamay para kontrolin ang manibela. Tinawagan ko sya.
Makalipas ang 1 kilometrong distansya at anim na pag ring ng kanyang telepono, hindi sya sumagot kaya mas pinilit ko nalang ituon ang atensyon sa kalsada. Muli kong narating ang lugar. Pero ni bakas na kanikanina lamang ay nandidito ang buong set ng encantadia para mag shoot ay wala na.
Tinawagan ko syang muli, nag iisip kung maliban sakin, mayroon bang tao na maipagdrdrive sya pauwi. Unti unting binabalot ng kaba ang aking dibdib. Muli, hindi nya ito sinasagot. Tinignan ko ang orasan ko sa aking kanang braso. Halos mag aalas dose na ng gabi. Nasa byahe na kasya sya? Paano kaya sya umuwi? Walang ibang umukupa sa isip ko kundi ang pag aalala kung nakauwi ba syang ligtas sa kanila.
Bumalik ako sa aking sasakyan ilang minuto matapos kong pilit suyudin ang lugar kung andto nga ba sya. Sumuko ako nang isiping wala naman syang lugar na pag sisisiksikan dito dahil kung kanina may mga tent pa na pwede namin pag tambayan habang nag shshoot. Ngayon ay wala na.
Bumalik ako sa sasakyan, tinangka ko muli syang tawagan. Nabigo na naman ako makakuha ng sagot. Napasabunot ako sa aking ulo. Kanino kaya sya maaring sumabay? Inisip kong mabuti, sino ba ang nakita kong wala na sa lugar pagkadating ko galing sa pag aaway namin?
Basta ang natatandaan ko ay wala na si Gabbi non. At sigurado akong hindi sya sumabay kay Rocco o Kylie. Nag maneho akong muli, napagdesisyonan na imbis na dumiretso sa bahay ko ay una kong pupuntahan ang lugar nya. Gusto ko lang malaman kung ligtas ba syang nakauwi.
Matapos ang 2 oras na byahe, nakita kong nag riring ang aking telepono, umaasa akong si Gabbi ang tumatawag. Ngunit hindi. Hindi ko alam kung ngingiti ako, hindi ko maisip bakit sa ganitong oras ay tatawag sakin si Kylie.
Kahit gusto ko itong sagutin, pinili ko nalamang wag pansinin. Ayokong sisihin si Kylie dahil tama si Gabbi. Wala syang ginagawang masama. Kung meron man dapat sisihin dito ay ako yun. Kung walang puwang na hindi pagiging sigurado sa aking pag mamahal sakanya, hindi ako magagawi pang isipin na posibilidad ngang may gusto ako kay Kylie.
Muli ko uling tinawagan si Gabbi. Matapos ang 3 missed call ay hindi pa din sya sumasagot. Buong katawan ko ay nabalot na ng pag aalala. Hindi na ako basta kinakabahan.
Hawak ang isang kamay sa manibela, pilit kong hinanap ang contact number ni Tita. Pakiramdam ko naman ay iuupdate sya ng Gabbi kung pauwi na ito. Matapos ang ilang ring ay sumagot rin ito.
"Tita!" Halos sigaw ngunit dahil ayaw kong ipahalatang may nang yayari, binabaan ko nalamang ang aking boses. "Ruru?" Buong takang bungad sakin ni Tita Lorna.
BINABASA MO ANG
Through You
RomanceYou and I are both in showbiz, In this world, Trust is hard to earn and love becames another thing. But the problem is, It is not the world we live in that I have trouble understanding, It's you that I find hard to deal with and It's you that I can'...
