CHAPTER THIRTY FOUR - Stable, and Unstable

90 4 7
                                    

~Kylie

"You were crying, masama ba panaginip mo?" Ruru says, nakasuot sya ng apron at umupo sa gilid ng kama. Hindi ko na nga alam ano napanaginipan ko. But I knew it hurts. Hinatak ko agad sya saka niyakap. Gusto kong matandaan ano napanaginipan ko. Pero alam ko lang natatakot ako na mang yari yon.

"Ky, may niluluto ako." Ruru says, pero mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sakanya.

"Ky, sapat nang isa lang ang nakakasunog ng pagkain satin." Sabi nya saka pilit na tumatayo pero hindi nag pupumiglas sakin.

I let go of him and he hurriedly went to the kitchen, akala ko he will keep on cooking, pero hindi. He just turn the stove off at bumalik sakin.

"Ano ulit yun, Honey, bat ka umiiyak sa panaginip mo?" He still has the ladle in his hands.

"Wala, nakalimutan ko na, ikaw ba naman kasi, lalapit ka may dala ka pang sandok sakin." Sabi ko saka tumawa.

"Sorry, eh kasi di ko alam kanino lalapit, sayo ba o sa niluluto ko eh sayang kung masusunog." Tumayo sya saka bumalik sa kitchen, nilapag yung sandok, hinubad ung apron saka bumalik sa kama.

"Gusto mo hug?" Sabi nya saka nilakihan yung kamay nya. Sumalo naman ako saka tumalon papunta sakanya.

"Hoooooy, ung anak natin, dahan dahan ka naman mommy." Pumiglas ako sa yakap nya saka tumawa. Ngayon lang ata nya akong tinawag na mommy?

"Mommy?" Sabi ko saka lumayo ng kaunti para tumawa, hinatak naman nya ako pabalik.

"Tinigil ko pag luluto ko kasi sabi mo, bad dream mo, kala ko naman may yakap ako aasahan." Sabi nya na lalo kong kinatawa.

"Mommy, kasi mommy." Nagpakawala muli ako ng tawa. Nanibago nga ako nung nya ako na Honey, Mommy pa kaya nakakaloka!

"Aba, wag mo kong tawanan, ako ba hindi mo tatawaging Daddy??" Sabi nya saka nag tangka kilitiin ako.

"Dali na, parang ang sarap sa tenga matawag na, Daddeh." Hindi ako sumagot at pilit ko lang sinara yung bibig ko. Umiling iling lang ako.

"Dali na, Isang Daddeh. Gusto ko naka emphasize yung dih. Dali na." Dahan dahan syang lumapit, hindi ko sya pinansin. Bahala ka jan. Hindi.

"Dali na.." Tawag nya pang muli. Hindi talaga ako nag salita hanggang nakahiga na ako at naka sandal sya sa ibabaw ko.

"Dali, hindi kita ikikiss." Sabi nya. Tumayo lang ako at tinulak sya pahiga.

"Bahala ka, Late na tayo." Sabi ko saka tumayo at nag tungo sa kusina.

Daddy naman talaga, ang harot harot. Hehe...

I took a bath, and he finish what he was cooking, Pagkatapos ko mag bihis ay pagbalik ko ay nakahanda na ang pagkain, parang ang pangit naman kung hindi ko sya aantayin. So inintay ko sya. Lumabas syang naka twalya lamang, tapos nagulat sya nung hindi pa ako kumakain.

"Bat hindi ka pa kumakain?" Tanong nya sakin. Umupo sya sa tabi ko saka nag punas ng buhok nya gamit ang maliit na twalya.

"Ikaw na nag luto, uubusin ko pa ba pagkain mo?" Sabi ko saka nilagyan ng pagkain ung plato sa harap nya.

"Hindi pa ba gutom anak natin, Baka mamaya inaantay mo ko gutom na kayo." He says. Ung sinandok kong pagkain para sakanya, nilipat nya lang sa pwesto ko saka sya nag sandok ng sarili. Sumimangot ako. Pero hinalikan nya lang ako saglit tapos ngumiti at nag salitang kumain.

"I can do sweet gestures too, Di mo lang pinapansin." Sabi ko dito, iniwas ung tingin ko sakanya saka naman palihim kumain, gutom din ako, pero di ko papahalata para suyuin ako.

Through YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon