' Twenty Two ~

67 3 1
                                    

WRITTEN BY: rhockerchicqk
all right reserved 2014



"oh my gosh baby . I miss you !!"  pambungad sakin ni kuya sabay yakap ng mahigpit

" ouch kuya . You're hurting me na. " reklamo ko

"sorry , pasok tayo sa loob dali ." sabi nya at hinila na ako.

Wala paring pinagbago ang bahay namin simula ng umalis ako. Namiss ko talaga tong bahay na ito.

Pumunta kami sa sala at agad naman naming naagaw ang pansin ng mga naroon. Agad namang umakyat ang dugo ko sa mga nakikita ko . Di ko alam pero bigla nlang akong nakaramdam ng matinding galit. Si mama nakaupo sa sofa , si daddy na karga karga ang isang bata . Yun na siguro si Yuminna . Si ate kayumi at si manang. Meron din silang kasamang dalawang lalake, Di ko makakalimutan ang dalawang mukhang yun .

Si Harold at ang Hayup nyang tatay.

Tatalikod na sana ko para umalis pero pinigilan ako ni kuya .

"magpapaliwanag ako kung bakit sila nandito, sa ngayon pwede bang makinig at umupo ka na muna ?" sabi nya . Di naman ako nakatanggi sa malungkot na ekspresyon ni kuya.

Umupo ako sa sofa malayo sa dalawang lalakeng nasa harap ko.

Di ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng makita ko si harold , parang anytime may ulang tutulo sa mga mata ko. Nagpapakawala sya ng malungkot na ekspresyon kung saan parang madudurog ang puso ko.

Umiwas na lang ako ng tingin habang patuloy na nakatitig si harold sa mga mata ko.

HAROLD's POV

Naiiyak na ko pero pinipigil ko. Gusto kong yakapin si Ynna pero wala akong karapatang gawin yun. Pinipigil ko ang sarili ko sa pwede kong gawin. Para kasing gusto ng mga tuhod kong magpakababa at mag-iiiyak na humingi ng tawad sa taong minahal ko at patuloy kong minamahal.

Ang sakit na nakikita ko syang kulang na lang ay suntukin ako sa inis. Feeling ko pinapatay nya na ang imahe ko sa isipan nya at paulit-ulit na tinutorture ito. Di ko naman sya masisisi dahil nga sa alam ko sa sarili ko ang hirap na pinagdaanan nya sa kamay ko at ng ama ko .

"baby , andito sila dahil pinapunta ko sila . Pumunta ko sa bahay nila para makipag-usap, Hindi naman ako nahirapan dahil kusa silang sumama sakin. Sila pa ngang dalawa ang may gustong ipakulong ko sila . Di ko man alam ang pinagdaanan mo sa kamay nila pero ramdam ko ang pagsisisi nila. Gusto ko sanang ikaw ang magdesisyon sa mga mangyayari kaya pinapunta ko sila. Gusto ko ikaw mismo ang magsabi sa dapat nilang kalagyan para sa ikapapanatag ng loob mo." pasimula ng kuya nya.

" you don't know what kind of bitches are  they kuya." she said . Dama ko ang galit sa awra nya.

Napayuko nalang ako dahil para akong sinasaksak.

" lahat ng tao may karapatang magbago anak . At nagbago sila , pinagsisisihan na nila lahat ng ginawa nila sayo." sabad ng mama nya

"WHAT ? GANUN GANUN NALANG YUN ? PAGKATAPOS AKONG MUNTIK HALAYIN NG MATANDANG YAN ? AT PAGKATAPOS AKONG HAYAANG MABUGBOG AT HALOS MAMATAY NA NG WALANG KWENTANG LALAKENG YAN EH HAHAYAAAN KO NALANG SILA AT PATATAWARIN NG GANUN KABILIS ? KUNG DI LANG AKO NAILIGTAS NG ISANG LALAKE EH DI SANA WALA NANG YNNA MAE CARPIO NA NAG-EEXIST SA MUNDONG TO AT DAHIL YUN SA WALANG KWENTANG MAG-AMANG YAN." Sigaw nya habang tuloy tuloy ang buhos ng luha nya. Nararamdaman ko ang pagbabalik ng sakit na idinulot ko sa kanya.

"p-patawarin mo ko ynna . Patawad " salitang lumabas sa bibig ng aking ama .

"PATAWAD ? ALAM MO BA ANG KAHULUGAN NG SALITANG YAN HA?" patuloy na sigaw ni ynna.

"You Hit My Life,Dancer" (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon