WRITTEN BY: rhockerchicqk
all right reserved 2014---
YNNA's POV
" Sagutin mo na kasi ako mahal ko." sabi ni mich sa harap ng lahat.
" Pag-iisipan ko. Tumayo ka nga jan mich , nakakahiya." sabi ko na kunwari ay tumitingin pa sa paligid. Ang dami kasing taong nakatingin samin. Ikaw ba namang luhuran ng lalake eh diba ? Parang nagpopropose ang peg ?
"Kaya kong ipagsigawan sa lahat ang pagmamahal ko sayo." sabi nya.
"Pag-iisipan ko pa nga diba ? pag di ka tumayo jan babastedin kita." sabi ko na dahilan ng karipas nyang pagtayo.
"sabi ko nga . Tara ?" sabi nya saka inakbayan ako.
Kasama ko ang lahat ng bestie ko nang umentra tong si mich. Kasama ko din si mich na nagpaliwanag sa lahat ng plano namin, Nagtapat din sya na gusto nya si Wena. Ayaw nya na daw kasing magpatumpik tumpik pa dahil natatakot syang mawala nanaman sa kanya ang taong gusto nya sa pangalawang pagkakataon. Naging bestfriend naman din kami ni mich dahil alam naming dalawa ang sikreto ng isa't-isa.
"sige ." sabi ko na lang
Tiningnan muna ni mich si lovie at Justine. Ang laki naman ng ngiti ni lovie samantalang walang kaemo-emosyon si justine. Yelo padin sya hanggang ngayon.
"Plan A failed, Proceed to Plan B" bulong ni mich, Dumiretso kami sa cafeteria saka nagtawanan.
"failed .. hahaha" sabi ni Wena.
"bakit , magaling naman ang arte ko babe diba ?" sabi ni mich saka kumindat kay wena dahilan naman ng pamumula ng mukha nito.
"ewan." sabi nito saka umiwas ng tingin.
"plan b natin ynna. Sumama ka sa practice ng BMDG later , kaylangan na nating makipag-sweet sweet-an" sabi ni mich.
"sige .." sabi ko
"nakakakilig naman na umamin ka na bestie." sabi ni phoebe .
"di pa din ako makapaniwalang mahal mo pala talaga sya." sabi ni johanna .
"wag nga kayong maingay jan." sabi ko
"sorry naman . Haha" pang-aasar pa ni johanna
"so, pano girls ? pupuntahan ko muna ang BMDG ha ?" singit ni mich
"sige ." sagut namin saka sya umalis .
MICH's POV
naglalakad na ko papunta sa BMDG. Alam ko kasing magtatanung yun, gusto ko din kasing malaman o makita ang reaksyon ni justine.
"hey !! May utang ka saming kwento." sabay sabay na sabi nila liban kay tine.
"the last time i checked eh wala naman akong dapat ikwento." maang kong sabi. Umakbay sakin si Lester.
"so talagang sineryoso mo yung sinabi mong liligawan mo si ynna?" sabi nito
"of course " sabi ko
"i thought it's just a joke ?" sabi ni khyle
" akala ko din. Pero dahil nakita kong mukhang may pag-asa naman ako eh tinuloy ko na." sabi ko saka tumingin sa yelong nakaupo habang nakasaksak ang earphone.
"Nice one dude . Akala ko di ka na makakamove sa first love mo.." sabi ni melvin. Ooppss !! wrong move melvin , alam ni justine na si jash ang first love ko. Lumingon naman si justine kay melvin saka tumingin sakin , Tinanggal ang earphone at nakapamulsang naglakad papunta sakin.
BINABASA MO ANG
"You Hit My Life,Dancer" (on-going)
Teen Fiction.. Isang PlayGirL ang may masamang nakaraan sa mga dancers , hahayaan nya din kayang mahulog sya sa mananayaw sa ikalawang pagkakataon ? ang playgirl ay hahamunin ng Dancer sa larangan ng pag-ibig, Magtagumpay kaya ang playGirl na makuha ang dance...