a/n: hello :) kumusta po kayo.. Almost 1½ year din natambay tong story ko dahil nabuntis at nanganak ako :) continue natin ha? :* GODBLESS
A/N: Pasensya Kung Lame To . Pati nadin ssa Mabagal na UD, Wala naman na cgurong nag-aabang ng UD nito. Loading Utak ni otor dahil sa problema or should i say argues and misunderstandings. Isang LINGGO nang mugto mata . hays ! Hope maging smooth na ang lahat.
-
"miss ynna mae carpio ?" tanong nang receptionist.
"yes" tangi kong sambit.
"30k paid, 30k remaining balance. Pay before check out , room 105 ma'am."
"thanks" inaantok kong sabi.
"Hey chan. Are you free ?" the receptionist ask around 20's aged boy.
"Yes ma'am."
"Pakihatid si ma'am sa room 105, explain everything. The do's and don'ts"
"alright ." pagkasabi nito ay magalang nyang kinuha ang maleta ko saka tinuro ang daan.
"this way ma'am" sabi nya.
ine-explain lang nya sakin lahat ng pwedeng gawin at bawal gawin incase of emergency and for safety purposes. Di ko nalang inintindi yung ibang sinasabi nya dahil alam ko naman na yon. Like don't panic if may problema, Use the fire exit blah blah blah . As if di ko alam yun diba ? Well anyway, Ang ganda nang lugar na to, napaka-sociable at the same time lively and peaceful. Makapag iisip ako at makakapag-enjoy narin kesa tumunganga ako sa bahay ko.
----
Nakarating ako ng maayos sa resort.. sobrang pagod sa byahe pero masaya naman dahil nakita ko ang kagandahan ng dagat. Natatanaw ko mula sa kwarto ko ang asul na tubig at masasayang couples na naliligo dito. Minsan inisip ko, pano kaya kung kami ni justine ang naroroon, masaya at walang ibang iniintindi kundi ang isa't-isa.
"hays" tangi kong nabanggit kasabay ng isang malalim na bugtong hininga. Siguro kapalaran ko na talaga to.
nag shower nalang muna ako. wala ako sa mood mag swimming, ayokong mabahiran ng kalungkutan ang karagatan. Naghanap nalang ako ng pwedeng gawin dito sa resort. Lumabas ako ng naka two-piece lang. Resort to natural lang na ganun ang suot ko kahit na hindi naman ako masuswimming.
kumuha muna ako ng wine sa bartender saka lumabas at naglakad lakad sa gilid ng dagat. Maggagabi narin kasi kaya magandang maglakad lakad na muna.
sa haba ng nilakad ko nakakita ako ng isang malaking bato,umupo ako doon habang iniinom ang isang cup ng wine ko. Nilapag ko ang baso sa tabi saka nahiga sa buhanginan. Habang tinitingnan ko ang mga bitwin saka ko narealise na ang saya palang magkaroon ng quiet time? yung walang ibang iniintindi kung di ako sarili lamang at eto nakakapag-isip ng maayos.
"hi" narinig kong boses sa gilid ko. Inikot ko na lamang ang ulo ko at walang kagana ganang tiningnan kung sino ang nagsalita .
"hello" tanging sinabi ko saka itinuon ulit ang paningin sa mga bitwin. Wala akong ganang kausapin sya.
"Galit ka pa ba?" tanong nya.
" Oo. At hindi basta bastang mawawala ang galit ko sayo dahil sa mga ginawa mo sakin. Ayokong isipin muna ang mga bagay na yun dahil nandito ako para itahimik ang utak ko para sa mga problemang yan" sambit ko na hindi manlang sya tiningnan.
Naramdaman kong umupo sya malapit sa kinahihigaan ko.
"Alam mo minsan iniisip ko sana makilala mo ang boses ko para hindi ko na sabihin sayo kung sino ako dahil naduduwag ako ynna. Yung pagmamahal ko sayo ay hindi nagbago at hinding hindi magbabago. Alam kong nasasaktan kita pero wala akong magawa kung di panatilihing lihim ang sarili ko para hindi na lumalim pa ang galit mo sakin." sambit nya. Oo nagsasalita sya! Naiinis ako, naiiyak. Nagagalit. Kasi kilala ko ang boses nya, at alam ko na kung sino sya. Pero iniisip ko din na marahil hindi sila iisa. Iniisip ko na baka namamalik-rinig lang ako dahil si justine lang ang laman ng utak ko..
"black angel. Alam kong nagkakamali lang ako ng rinig sa boses mo dahil boses nya ang laman ng isip ko. Bakit mo ba ko sinundan? Ano bang kelangan mo? Gustong kong mapag isa at isa ka sa dahilan kung bakit ko ginagawa to pero heto ka nanaman ginugulo ang pananahimik ko." maluha luha kong sambit. Ayoko nang umiyak pero bakit ganito ang nararamdaman ko? sobrang bigat.
"Sinundan kita kasi gusto ko nang magpaalam." sabi nya.
Bigla naman akong napatingin sa kanya at dahan dahang umupo .
"paalam?" tanung ko.
"oo. I just want to say goodbye before i leave you. I promise this is the last time you'll see me. Please I beg, pagbigyan mo kong makausap ka for the last time." ngarag na sabi nya. Nararamdaman kong umiiyak sya. hindi ko makita ang sinasabi ng mga mata nya dahil madilim na at tanging buwan na lamang ang nagsisilbing liwanag sa paligid.
"why? Pagkatapos mong ipangako saking hindi mo ko iiwan kahit kailan ay heto ka't magpapaalam? sabagay. Ganyan naman kayong lahat eh, pagkatapos nyo kong paasahin saka nyo ko iiwan diba? ikaw at si justine, si harold noon ganyan din. Lahat kayo ganyan." tuluyan nang kumawala ng tahimik ang luhang kanina pa nagbabadya.
"all things happen for a reason." sabi nya
"reason? anung reason ha? rason na pinaasa ako ni justine tapos bigla bigla nalang sasabihin nya na sila na ng taong kinamumuhian ko? taong dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko noon at maging ngayon.. Black angel patawad pero gusto kong malaman mo to ngayon." natahimik kaming sandali saka ako nagpatuloy ng pagsasalita .
"hindi na kita mahal. Isa nalang ang lalakeng nilalaman ng puso ko." i paused bumuntong hininga saka nagpatuloy nang muli.
"Si justine yun. Sya ang mahal ko. Ayos lang kung magalit ka pero sya talaga ang mahal ko. Ayokong lokohin ang sarili ko at sabihing dalawa kayo. Pero isa lang to kaya isa lang din dapat ang mamahalin ko." sabi ko.
Parang may dumaang anghel sa paligid dahil pareho kaming tahimik. Pareho kaming walang masabi. Pareho kaming nakatitig sa ilalim ng mga bituin. Nabasag ang katahimikan nang muli syang nagsalita.
" Salamat." sabi nya, malaki ang pagtataka ko. Kung bakit sya nagpapasalamat pero nanatili akong tahimik at hinihintay ang iba pa nyang gustong sabihin.
"Mahal kita. Sobra, hindi ako pwedeng magpakilala sayo gayong si justine ang mahal mo. Malaki ang paghihirap na pagdaraanan mo kapag nalaman mo kung sino ang totoong ako." sabi nya.
"bakit?" tangi kong tanong.
"may tamang panahon para sa lahat ng bagay. Balang araw malalaman mo rin. Pero sinisiguro ko sayo na hindi magiging madali ang lahat. Paalam ynna. Paalam mahal ko." sabi nya saka tumalikod at patuloy na naglakad.
Gustuhin ko mang habulin sya pero may isang banda sa isip ko na wag nalang baka lalu pang maging worst ang lahat. Tama na muna ang tanong sa utak ko. kelangan ko na munang ipahinga lahat. Madami syang tanong na iniwan sa utak ko pero mas pinili kong kalimutan nalang muna.
Tumayo ako at nagsimula nang maglakad pabalik sa kwarto ko para makapagpahinga ng maayos.---------------
Maaga akong nagising. mukhang kelangan ko nang magsaya.Kumain ako saka lumabas para lumangoy sa magandang dagat para kasing hinihila ako ng tubig.
Naligo lang ako saka bumalik sa kwarto ko, nagbihis at pumunta sa lugar kung saan may alak. Hindi ako iinom kasi problemado ako, iinom ako kasi gusto ko. Hindi magiging masaya ang stay ko sa magandang lugar na ito kung di ko matitikmam ang alak dito. Dahil probinsya to ay madami silang Tuba at lambanog gusto kong tikman pareho kaya lang baka sobra naman tong nakakalasing kaya mas pinili ko mag vodka.
Hanggang sa napasayaw na ko sa dance floor dahil lasing na ko.
Napaupo akong ulit sa nag shot pa ng isa.
"Hi" boses ng lalake sa harap ko.
"hello" sabi ko
"are you alone? Can i join you" sabi nya. Pamilyar sya parang nakita ko na sya di ko lang maalala kung saan.
"yeah sure. This place is not mine, Go sit wherever you want" sabi ko. Siguro indian ang lahi nito.Matigas sya bumigkas ng letrang "R" sobrang husky nya din magsalita.
"Thanks, anyway. i'm faizal and you are?"
"Mae." sagot ko, Ayoko na sa first name ko kaya mae ang sinabi ko sa kanya
"nice to meet you mae. So can i ask what brings you here alone?" sabi nya
"quiet time" sabi ko
"quiet time with liqour and disco?" pagtataka nyang tanong.
"quiet time means alone, as in all my myself" sabi ko.
"I see." tanging sambit nya
"change topic, Have we met before? You look familiar." sabi ko.
"maybe? i dunno." sabi nya
"ok." sambit ko habang iniisip padin kung san ko ba sya nakita.
"ah. I remember, You're that girl" he said
"What girl?" sabi ko
(nasa chapter 8 po sya)
"ah.yeah i remembered." sabi ko.
"well. Mae i'm so sorry, that time i'm in rush. You know late at work" sabi nya saka uminom sa hawak nyang baso at tinapon ang paningin sa dance floor
" i see. Marunong ka ba magtagalog?" tanong ko.
"yes of course. i'm a half filipino half indian" sabi nya.
"ok. mind if i ask what's your work?" tanong ko.
"i'm a talent manager."
"talent manager? Ano yun?" sabi ko.
"talent manager, i'm searching for a filipinos na may talento at pinapasikat ko sila."
"pinapasikat mo? how?" tanong ko.
"television. My first talents are the BMDG. Ako ang humawak sa kanila before sila sumikat. Nung sikat na sila saka ko sila binitawan." sabi nya
nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko..
"really? bakit mo naman sila binitawan?" nagtataka kong tanong.
"tapos na kasi ang Goal ko sa kanila, sumikat na sila at yun lang ang goal ko . Kaya hinayaan ko na sila" sabi nya.
"kaya pala. Anyway ano bang mga pinasisikat mo?" tanong ko.
"you look interested." he smirk
"oo .. Pwede ba ko? Marunong naman akong sumayaw at mabilis akong matuto." kinapalan ko na ang mukha ko..
"sure ka bang gusto mong ipagpalit ang tahimik mong buhay sa magulong buhay ng showbiz?" sersoso nyang tanong.
"maybe?" sagot ko.
"is that so? here take it." at inabot nya ang isang calling card.
"call me kung sigurado ka na.. Baka lasing ka lang . Malaki ang chance na sumikat ka, You're beautiful,sexy and a fine woman i think? i have to go, nice meeting you again Mae" sabi nya saka ininom ang natitirang alak at saka nagpatuloy nang maglakad palabas ng lugar.
Siguro gusto kong talaga? O gusto ko lang kasi gusto kong magdusa si justine? i don't know. Bukas ko nalang pag iisipan ang lahat kapag nawala na ang epekto ng alak sa pangangatawan ko . Masyado na ring magulo ang utak ko dahil sa lahat ng mga nangyari. Mukhang hindi ko padin matanggap lahat lahat. Sana lang kaya nang tanggapin yung katotohanan na may mga bagay na hindi talaga para sakin
at ang mga bagay na yun ang sana'y magsilbing aral nalang sakin pero bakit kahit anong pilit ko hindi ko talaga matanggap. Ewan, siguro it takes time to heal a broken heart, sana pagdating ng araw na yun ay kaya ko pang buksan ang puso ko at hindi tuliyang isinara.
Sobra sobra na kasi tong nararamdaman ko. Sasabog na talaga ako.
Tuluyan na ngang buhos ang luha kasabay ng alak na iniinom ko ngayong gabi..
BINABASA MO ANG
"You Hit My Life,Dancer" (on-going)
Novela Juvenil.. Isang PlayGirL ang may masamang nakaraan sa mga dancers , hahayaan nya din kayang mahulog sya sa mananayaw sa ikalawang pagkakataon ? ang playgirl ay hahamunin ng Dancer sa larangan ng pag-ibig, Magtagumpay kaya ang playGirl na makuha ang dance...