WRITTEN BY: rhockerchicqk
all right reserved 2014--- CONTINUATION ---
" Enjoy the party guys it's for us." sabi ni micka.
Nandito kami ngayon sa rest house nya , sa garden nila na tabi ng mismong pool. Nagwakas na kasi ang first teleserye nya at nag-hit sa buong bansa . Nakakuha ng maraming awards si micka like best host and best actress award pati na rin ang mga shows nya. Nagpa-party sya ngayon bilang thanksgiving and also treat nya sa mga kasamahan nyang artista,director,writers at ang mga dancers ng new show nya, Ang BMDG.
Syempre mawawala ba naman kaming mga bestie sa usapan ? of course not. Di kami papayag.
Ultimo ngang si uella na malaki na ang tiyan eh di nagpaawat.
"congratulations bestie ." pambungad ko kay micka pagbaba nya ng stage .
"salamat bestie ." sabi nya habang nakikipagbeso sakin.
"no prob. So pano ? see you around actress" i smiled
"haha . Sure Jelly" Nagtawanan muna kami bago naghiwalay ng landas .
Tapos na nga pala ang play namin last week lang . Naka-second place kami , ang nanalo kasi ay ang mga 4th year. As usual kinuha nila ang mga student na nag-aacting lesson . Aba ? di patas pero okay lang masaya naman kasi malaking grado ang nakuha ko . Todo din ang iyak ko nun , akalain mong nirentahan pa namin si yuminna at binihisan ng panlalake para maging anak ko sa THE STUDENT's heart ? Buti nalang at kilala ako ng pamangkin ko kung hindi eh baka nagwala na sa iyak yun. Di kasi sya nalapit sa mga taong di nya mamukhaan o makilala.
"bestie ? how are you ? congrats ulit about last week" salubong sakin ni uella .
"salamat bestie." niyakap ko sya
"asan nga pala si khyle ?" tanung ko
"ewan . Hinahanap ko din eh , yaan mo muna sya para makapag-enjoy din muna kami ng baby ko." she said
"haha . Ikaw talaga kaya ka lumalaki ng tuluyan eh , masyadong madami kinakain mo. ilang buwan na nga pala sya?" i asked
"kapag talaga kasi buntis ka bestie di mo talaga maiwasan dahil feeling mo minu-minuto kang gutom. Lalu na pagnatatakam ka sa pagkain. Mag-5 next week" she said laughing
"haha .. Ang swerte ng baby mo . Oh sya gagala muna ko ah ? maiwan muna kita . enjoyin mo ng todo yang pork barbeque mo . Haha" i said
"hehe .. sige bestie ," sabi nya
"kitakits nalang sa wedding mo" tumango sya saka na ko tumalikod
Medyo lasing na din ako , ang dami ko nang nainom . Sobrang hina ko talaga sa alak . Pero seriously after magsalita ni micka ay wala na akong makita ni anino ng BMDG. I miss Justine
SHOCKS , Sobrang init ..
Pumunta muna ako ng room ko saka kinuha ang two piece , Gusto kong magswimming sobrang init kasi talaga ng pakiramdam ko.
Tatlo ang pool dito sa rest house , dun ako sa medyo kaunti lang ang tao.
Bago pa man ako makababa sa tubig ay nahilo na ko . Hindi ko alam kung anong nangyayari, napakapit ako sa bakal sa pool bago tuluyang mawalan ng malay.
---
TIM's P.O.V
Masaya akong kumuha ng champaign bago pumunta sa pool , natanaw ko kasi si ynna . Mags-swimming ata sya, babatiin ko lang sya about sa successful play namin after that Play kasi ay di ko na sya nakita kaya ito ang tamang pagkakataon para batiin o I-congratulate sya .Habang naglalakad ako ay nakita ko syang napaupo at humawak sa pool stairs, Parang may iniinda syang sakit . Wala kasing masyadong tao dito kaya di sya masyadong makakaagaw ng pansin.Tatakbo na sana ako para alalayan sya ng makita kong mawalan sya ng malay at mahulog sa pool . Sa sobrang taranta ko ay nahulog ang champaign ko ngunit di ko man lang sya nagawang iligtas dahil napangko ako sa kinatatayuan ko nang may isang lalakeng hinding-hindi ko makakalimutan ang walang alinlangang tumalon sa pool saka kinuha ang halos lunod na si ynna. Sinundan ko sila ng tingin habang sakin ang sulyap ng lalake .
BINABASA MO ANG
"You Hit My Life,Dancer" (on-going)
Teen Fiction.. Isang PlayGirL ang may masamang nakaraan sa mga dancers , hahayaan nya din kayang mahulog sya sa mananayaw sa ikalawang pagkakataon ? ang playgirl ay hahamunin ng Dancer sa larangan ng pag-ibig, Magtagumpay kaya ang playGirl na makuha ang dance...