WRITTEN BY: rhockerchicqk
all right reserved 2014"NASAN AKO ???" sigaw ni ynna sa kabilang kwarto. Hirap na siguro mag explain si manang . Tinungo ko ang kwarto nya, dinalian ko na baka kasi masapak pa nito si manang , amazona pa naman ang babaeng yun.
tok*tok*
pagpitik ko sa pinto . Binuksan naman ni manang ang pinto.
"sir , ikaw na lang ang mag explain sa kanya." ngatog na sabi ni manang . Mukhang pinanlisikan ni ynna ito ng malademonyo nyang mata pagnagagalit.
"yes manang , ipaghanda mo nalang kami ng breakfast." sabi ko saka pumasok sa loob.
"IKAW ?" sigaw nanaman nya. Hindi pa naman sound proof ang kwartong to. Dapat pala dun na sya sa kwarto ko para kahit magsisisigaw sya eh hindi sya maririnig.
"can you minimize your voice ?" mahinahon kong sabi saka umupo sa couch at kinuha ang diyaryo.
"HINDI KA BA MAG EEXPLAIN KUNG BAKIT NARIRITO AKO ?" sigaw nya parin .
tiningnan ko sya bago nagsalita . "hindi,hangga't hindi mo hinihinaan ang nakakabingi mong boses o di kaya naman ay manahimik na lang ." sabi ko .
"NO WAY !!" sigaw nya.
"oh di no way din ." sabi ko saka nagbasa ulit ng dyaryo. Narinig ko naman syang nagbuntong-hininga.
"okay fine ." malumanay nyang sabi .
"can you explain every single detail why i'm here ?" sabi nya .
"madali ka naman palang kausap eh .." sabi ko saka inilapag ang diyaryo sa maliit na mesa at nagpadekwatro ng upo bago magsalitang muli.
" i saw your car sa lugar na hindi naman nya dapat paglagyan. Masyadong delikado sayo ang lugar na yun lalu na't bukas pa ang window mo sa driver's seat. Nilipat kita sa passenger's seat saka idinrive ang kotse mo . Pinakuha ko nalang sa butler ko ang kotse ko. Lasing ka , alam ko dahil amoy ang alak sa buong kotse mo. Dahil di ko naman alam ang bahay mo eh dinala kita dito para maayos na makapagpahinga. After i put you here , umalis na ko at pinabantay kita kay manang na sinigawan mo samantalang puyat na puyat yun sa kababantay sayo." sabi ko.
Namula naman sya na mukhang nahiya sa ginawa nya.
"pakisabi s-sorry .." sabi nya .
"wag mo nang alalahanin yun . Take a bath tapus bumaba ka na lang sa kitchen para makapag-breakfast" sabi ko
"s-sige .." sabi nya nang nag-aalangan .
"don't worry about clothes . May damit ang anak ni manang jan sa closet . Kwarto nya to , bahala ka nalang mamili ." sabi ko saka tinungo ang doorknob para makababa na .
"mich ." sabi nya . Nilingon ko naman sya .
"salamat ." sabi nya ng nakayuko . Ngumiti naman ako ,
"no problem ." sabi ko saka umalis na . Mamaya ko nalang sasabihin ang plano ko habang nagbe-breakfast kami . Tinungo ko muna ang kwarto ko , magsho-shower na muna ako.
----
"so anung gusto mong mangyari ?" tanung ni ynna .
"sinabi ko na diba ? Gusto kong malaman ang totoo dahil alam kong may dahilan kung bakit niligawan ni justine yung lovie na yun , kung niligawan nga ba talaga." sabi ko saka napahawak saking sintido. Ayokong makialam sa buhay ni justine sa totoo lang, mas lalong hindi ko gawaing makiusyoso sa buhay ng may buhay. May gusto lang akong patunayan, at kapag nalaman ko na ang katotohanan eh di okay na.
BINABASA MO ANG
"You Hit My Life,Dancer" (on-going)
Fiksi Remaja.. Isang PlayGirL ang may masamang nakaraan sa mga dancers , hahayaan nya din kayang mahulog sya sa mananayaw sa ikalawang pagkakataon ? ang playgirl ay hahamunin ng Dancer sa larangan ng pag-ibig, Magtagumpay kaya ang playGirl na makuha ang dance...