WRITTEN BY: rhockerchicqk
all right reserved 2014" Ynna ? we're here . Wake up !" narinig kong panggigising sakin ni justine . Umunat muna ko saka ko sya nilingon .
tug*tug*tug*
"ayy ! Tae ." gulat kong sabi . Sino ba naman kasing di magugulat kung inches na lang ang lapit ng mukha mo sa isang malaanghel na mukha ?
"mukha ba kong tae ?" he said smirking
"ewan ko sayo . Asan na ba tayo ?" pag-iiba ko ng usapan . Nakatulog pala ako , Ang tanging naaalala ko lang ay kumakain kami ng ice cream saka nanonood ng movie sa portable nya sa kotse . Ayaw kasi nya manuod ng sine saka pagod na daw sya kaya dun nalang kami nanuod , medyo gabi na din pala .
"sa bahay nyo ." he said
"ahh sa ba--- Anung sabi mo ? sa bahay namin ?" luminga linga ako sa paligid . Bahay nga namin to . Pero panu nya nalaman ang bahay ko ? Di ko naman naaalalang sinabi ko sa kanya ang address ko .
"how'd you know my house ?" i asked out of curiosity
nakita ko naman ang pamumula ng mukha nya .
aw ! so cute ,
" ah , eh - Ah basta , not important . So anu ? may balak ka na bang umuwi .? its already 11pm ." sabi nya .
"11pm na ? ow em . Yari ako neto kay mama .. Thanks sa paghatid at sa masayang araw justine , nice meeting you ." sabi ko at nilahad ang kamay ko sa harap nya.
Inaabot naman nya iyon .
"me too . Bye " he said at ngumiti ng pagkalawak-lawak na dahilan ng parang kabayong nagtatatakbo sa puso at kalamnan ko.
Ngumiti ako saka na lumabas ng kotse nya . Hinintay ko munang umalis sya saka ako pumasok ng gate .
Nagderederetso naman ako sa kwarto ko dahil mukhang wala nang gising pa dito sa bahay .
kinuha ko ang unan ko at doon nagsisisigaw ..
Humarap ako sa salamin saka kinausap ang sarili.
"bakit ba ang lakas ng tibok mo ngayon ?" sabi ko habang hawak ang kaliwang dibdib ko.
"tapos , buong pagkatao ko kabado nung makita ko sya ? Sign na ba to na dapat na kong magmove-on kay black angel ko ? Hay naku ." nahiga naman ako saka natulog na . Wala nang half bath half bath , antok na eh.
nagtataka kayo kung bakit kami magkasama ni justine ?
Diba kahapon nga magkasama kami ? tapos kanina wala nanaman akong kasama dito sa bahay kaya nag-mall ulit ako alone , yun nga . Nagkita ulit kami dun at dahil wala sya maisip gawin ay napagpasyahan nyang manuod nalang ng movie sa portable nya . How jerk diba ? pumunta ng mall para tumambay lang sa kotse nya pero ako naman etong uto-uto gustong gusto din landi talaga . hay !!
--------
"bestie pakopya ng notes ha ?" -joshua
"ako din bestie ha ?" -micka
"ge lang ." sabi ko ,
"bestie ? bakit nga pala ayaw mong sumali dun sa play ?" banggit ni johanna .
Andito kami ngayon sa cafeteria ng school ,
Iniisip ko yung sinabi ng prof namin kanina . Dagdag daw ng grades ang play na gaganapin , Piling mga estudyante lang ang inanyayahan ng mga prof para dito , at isa nga ako dun kaya lang parang ayokong sumali. Bakit ? kasali kasi si Tim at justine. Gusto kong makasama si justine pero ayokong makita si tim kaya naguguluhan padin ako .
BINABASA MO ANG
"You Hit My Life,Dancer" (on-going)
Teen Fiction.. Isang PlayGirL ang may masamang nakaraan sa mga dancers , hahayaan nya din kayang mahulog sya sa mananayaw sa ikalawang pagkakataon ? ang playgirl ay hahamunin ng Dancer sa larangan ng pag-ibig, Magtagumpay kaya ang playGirl na makuha ang dance...