WRITTEN BY: rhockerchicqk
all right reserved 2014MICH POV
ABA author naalala mo pa palang kasama din kami sa storyang to?.
(sorry na !! Hehe .. Busy kay Ynna ee :) lovelove :*)
pasalamat ka author love kita.
Napahinto ako ng drive nang makita ko ang isang kotse, parang kinakabahan ako sa nakaparadang kotse malapit sa talahiban. Galing kasi kami sa practice ng BMDG pinakilala ni justine si lovie bilang girlfriend nya.
**flashback**
"hello tin ?" sagot ko sa tawag ni justine.
"start na ba?" tanung nya.
"panu mag-start ang practice without you ?" sabi ko.
"i'm on my way . May ipapakilala lang ako sa inyo." sabi nya
"okay then." sabi ko saka in-off ang phone . Naglaro muna kami ng billiard habang hinihintay si justine.
"anu ba naman yan , talo nanaman ako ?" sabi ni lester.
"hahaha!! sabi ko naman kasi sayo kanina ikaw na ang sumargo yan tuloy talo ka . Hahaha ! sargo palang labas na uno,tres,otso,syam,onse saka trese." sabi ni jc
"kaya nga eh . Natapus agad dahil sargo palang nilubos lubos mo na. Pati tiririt di mo ko pinahawak. Tsk" sabi ni lester.
"asan na ba si justine? bat angtagal ?" sabi ni melvin.
"on the way na daw eh." sabi ko.
"kanina pa yang on the way na yan dude ah ?" sabi nya.
"ganun talaga pilipino time." sabi ko.
"tss" sagot nya.
"guys ?" tawag ni justine .
"at last nakarating din ang mahal na hari." sabi ni jc
"sino ba yang ipakikilala mo ?" tanung ko.
"come here." sabi ni justine , bumungad naman samin ang babaeng haliparot nung birthday ni lester.
"kilala na namin yan. psh" sabi ni lester
"sya si lovie my girlfriend ." sabi nya
"W H A T ????" sabay sabay na sigaw namin.
"kelan ka pa nahilig sa babaeng haliparot ?" sabi ni jc
"at kelan kapa nahilig sa babaeng walang mukha ?" tanung ko.
"ang sama nyo naman?" arte ni lovie saka yumakap kay justine at umiyak iyak pa kunwari.
"stop it .. Girlfriend ko sya kaya galangin nyo sya." sabi ni justine.
"narinig nyo yun ?" dagdag pa ni lovie .
"ay hindi !!" sigaw ni khyle .
"khyle " pinanlisikan sya ng mata ni justine.
"honestly justine , i really don't like that girl dahil naikwento na sakin ng asawa ko ang kasamaan ng ugali nyan. Bugbugin ba naman si ynna three years ago ?" sabi ni khyle.
"what ?" tanung ko . Si ynna nabugbog ?
"yes ! dahil hinarot lang naman ng babaeng yan at binayaran ang first love ni ynna . Di pa nakuntento nambugbog pa. Kung gusto mong lamangan si ynna , wag kang trying hard dahil di hamak namang mas maganda sya sayo. " sabi ni khyle
"matagal na panahon na yun , bakit ba di nyo makalimutan ? ang sakit mo namang magsalita khyle" mangiyak-ngiyak na sabi nya.
"oh come on lovie , alam nating lahat ang ugali mo. Don't act like angel on my face coz it annoys me so bad." sabi ni khyle.
"ano ba kasing naisip mo at ginelpren mo yan ha justine ?" sabi ko.
" stop it or i'll quit ?" malamig na sabi nya..
"dahil lang sa kanya iiwan mo kami ?" tanung ko.
"yeah ." sabi nya. I know something fishy is going on here.
"okay then . Go ! leave us , at dahil taken ka na siguro naman may pag-asa na na maging kami ni ynna. Drop that ! Let's practice tomorrow ." sabi ko saka tinalikuran silang lahat at humarap nang muli .
"oh , i forgot ! don't hurt ynna again dahil kung hindi mapipilitan akong saktan ka. Walang kwentang pinsan ." sabi ko saka tuluyan nang nilisan ang practicing area namin. Nagdrive na ako pauwi. Hindi seryoso ang sinabi ko kanina na liligawan ko si ynna , pero magpapanggap ako dahil alam kong may gusto si justine kay ynna. Naramdaman ko yun nung hinalikan sya nito sa bar, first time i saw ynna.
Medyo mabilis lang talagang umandar ang curiosity ko dahil matagal ko nang kilala si justine. Alam ko na ang ugali at gusto nya noon palang na kasama pa namin si jash.
**end of flashback**bumaba ako sa sasakyan ko saka parang magnanakaw na dahan-dahang lumapit dun sa kotse. Nakita kong bukas ang bintana nito kaya naisipan kong silipin ang driver's seat . I saw ynna , walang malay . Binuksan ko agad ang kotse nya. I'm sure it's ynna.
"ynna ? wake up." sabi ko , Nakainom sya dahil sa amoy nang alak sa bawat pag-hinga nya, thank goodness dahil nakahinto ang kotse nya bago sya makatulog . Kung hindi ay baka nadisgrasya pa sya, worst is mamatay sya. Inilipat ko sya sa passenger's seat saka sya kinabitan ng seatbelt. Dadalhin ko muna sya sa bahay ko dahil di ko naman alam ang bahay nya. Kakausapin ko narin sya about sa plano ko. Gusto ko lang kasing malaman kung mahal ba talaga ni justine si lovie.
Iniwan ko ang car ko , I drove ynna's car ipapapick-up ko nalang sa butler ko ang car ko.
i dialed my butler's phone number.
"hello teph.?" sabi ko
"yes sir ?" tanung nya.
"pick my car on 27street Erskine manda city. " sabi ko.
"Spare key sir ?" he asked.
"hingin mo kay mommy . Alam nya kung san nakatago." sabi ko.
"ok sir." pinatay ko na ang phone saka nagfocus sa pag-drive. Hindi ko gusto si ynna pero nagagandahan ako sa kanya, Ang totoong gusto ko ay ang kambal ng asawa ni khyle but i can't say even a single word kapag kaharap ko na sya . Lakas ng tama ko sa kanya since niligtas namin sya sa bar at makausap ko sya nung magising sya.
"damn reminisce" sabi ko ng mahina.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay. Binuhat ko si ynna.
"manang open the door" sabi ko kay manang na kanina pa nakasunod sa amin. Takang-taka siguro kung bakit may karga akong babae, first time kasing magdala ako ng babae dito sa bahay dahil wala naman talaga akong dadalhin. May babae naman akong minahal nang todo , Akala ko magiging kami na pero di parin pala . Iniwan nya ko nang di nagpapaalam , after that .? Di na ulit ako nag mahal pa.
Isang beses pa lang akong nagkagirlfriend at niloko lang ako, sa bagay di ko rin naman sya sineryoso kaya fair lang ang nangyari,laking pasalamat ko lang dahil di ko pa sya napakilala sa mga magulang ko baka kung napakilala ko sya eh mawalan ng tiwala ang dad ko sa mga babaeng dadalhin ko pa dito in the future. My dad is so strict, kahit na napakatanda ko na still he cares about me like i'm a baby.
dahan-dahan ko syang nilapag sa kama . Tinanggal ko ang sapatos nya at nagpahingi ako ng maligamgam na tubig at bimpo kay manang para mapunasan ko ang mukha nya at mga kamay. After nun ay pinabantay ko na sya kay manang , pumunta na ko sa room ko para magpahinga . Kailangan ko ng lakas magpaliwanag kung bakit nandito sya, baka kasi mabugbog ako nun napaka-amazona pa naman.
----
bitin ? babawe ako .. xD chill lang :p
Sino naman kaya si Jash ? :)
BINABASA MO ANG
"You Hit My Life,Dancer" (on-going)
Novela Juvenil.. Isang PlayGirL ang may masamang nakaraan sa mga dancers , hahayaan nya din kayang mahulog sya sa mananayaw sa ikalawang pagkakataon ? ang playgirl ay hahamunin ng Dancer sa larangan ng pag-ibig, Magtagumpay kaya ang playGirl na makuha ang dance...