' Thirty Six ~

26 3 1
                                    

WRITTEN BY: rhockerchicqk
all right reserved 2014

-

"Simple lang naman ang ipagagawa ko sayo Piao" sabi ko sa private investigator ko. Narito kami Ngayon sa coffee shop kung saan madalas ako noon.

"Simulan na natin boss." sabi nya ,

Nakasanayan na naming dalawa ang tawagang piao. Di ko alam kung san nagsimula yan pero di na matanggal saming dalawa.

"eto si justine .." sabi ko sabay abot sakanya ng phone ko na may picture ni justine.

"nag aaral sya sa eskwelahang pinapasukan ko ngayon, he's 21 , Eto ang address nya ." sabay kuha ko ng kapirasong papel at inabot ito sa kanya.

"anung full name nya ?" tanung nito.

" justine castillo ." sambit ko.

"ano namang trabaho ko sa kanya ??" sumunod nyang tanong.

" eto naman si Lovie." sabi ko saka inabot nang muli ang phone ko na nasa screen ang picture ni lovie.

"Girlfriend sya ni justine." dagdag ko.

"anong konekta nito sa trabaho ko ?" atat nyang tanung .

"easy piao . I'm telling you all the details to make your work easier , ayaw mo ba nun ?" sambit ko. Kilala ko na talagang mainipin tong si piao , Gusto nya direct to the point lahat ng bagay na pag uusapan nyo. Ayaw nya ng paligoy-ligoy o mahabang usapan.

"okay  proceed ." sabi nito.

" Girlfriend ni justine si lovie , nag-aaral din ito sa school ko  , eto ang address nya ." sabi ko saka binigay ang pangalawang papel.

"ang gusto ko lang malaman ay bakit naging si lovie at justine ? , anung dahilan bakit nya pinagtitiisan ang kaisa-isang babaeng kinamumuhian nya .?" direkta kong sabi.

" Di ka lang pala osyusero piao anu ? isa ka ring pakialamero ." sabi nito saka ako binatukan ng mahina.

"tumigil ka nga piao, all things has it's own purpose , At yun ang gusto kong alamin mo  , ang purpose ni justine okay ?" sabi ko.

" haha ! oo na . Napaka—easy'ng trabaho nito pero ako pa talagang tinawagan mo ?" tanung nya.

"aba loko ka piao ah ? pasalamat ka nga at may pagkakaabalahan ka eh , ayaw mo pa nun ? naalala na nga kita ?" sabi ko saka ginantihan sya ng mahinang batok gamit ang diaryo.

"oo na  , wala ka parin talagang pagbabago piao."

matawa taawa nyang sabi .

"alam ko namang malinis ka magtrabaho kaya no worries ako sayo . Lahat ultimo kapirasong detalye ay ilista mo okay ?" sambit ko

"walang problema , mauna na ko nang masimulan na tong trabaho ko." ani nya, tango nalang ang ginanti ko  saka sya umalis.

Kahit naman kasi anung isip kong dahilan ay di ko makuha kung bakit ganito ang nangyayari kay justine.

Hinigop ko ang natitirang kape ko saka umalis. Nag-drive ako tungo sa puntod ni Jash, Sa gantong panahon ko lang kasi nakakausap si jash . Sa twing may alinlangan ako at may gusto akong alamin na kahit anung pilit ko ay di ko malaman laman.

Pumitas ako ng rose sa gate ng cemetery bago tunguhin ang lapida ng dati kong mahal.

Nilapag ko ang rosas sa tabi ng pangalan nya saka ko hinimas ang litratong nasa lapidang tuluyang nagbaon ng pangarap ko  sa hukay. Kusa nang pumatak ang luha ko.

"jash ? Patawarin mo ko ha ? Kahit naman may mahal na akong iba ngayon ay di ka parin nawawala sa puso't isip ko. Sobrang sakit nung panahong iniwan mo ko pero lahat ng yun tiniis ko kasi simula palang noon ang gusto mo lang naman eh mabuhay ako ng masaya diba ? Kahit di ko kaya itinatak ko lang sa isip ko na masaya ka din twing masaya ako . Jash ! ang sakit hanggang ngayon sa tuwing maaalala kong di manlang tayo nagtagpo ng maayos , di ka man lang nagpaalam sakin. Sinisisi ko padin ang sarili ko sa pagkawala mo pero alam kong di mo yun gusto. Pinipilit kong maging malakas sa kabila ng pagiging weak ko deep inside. Jash help me now , Gusto kong malaman ang katotohanan sa kapatid mo. Tulungan mo ko." iyak ko kay jash . Bata pa ko nang mahalin ko sya pero hanggaang ngayon nananatili padin ang pagmamahal ko sa kanya.

"You Hit My Life,Dancer" (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon