🌟Prologue🌟

6.3K 115 65
                                    

(Thanks to Black_Moon301 for this amazing cover.)

DALAWANG linggo na lamang ang ipaghihintay ni Marnie at ikakasal na siya kay Bernard

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


DALAWANG linggo na lamang ang ipaghihintay ni Marnie at ikakasal na siya kay Bernard. Makalipas ang apat na taong relasyon bilang magkasintahan ay magsisimula na sila ng panibagong kabanata sa buhay.

Si Bernard na siguro ang pinakaperpektong lalaki na mahihiling ni Marnie. Magkasing-edad sila nito, pareho silang bente-sais anyos. Napakaresponsible nitong anak at kapatid sa sariling pamilya. Mabuting kaibigan si Bernard, magaling makisama. At bilang boyfriend, kahit ang pamilya ni Marnie ay walang masabi rito.

Lumaki ito sa konserbatibong pamilya. Sa apat na taon na sila ay steady, hanggang halik sa labi, yakap at paghahawak-kamay lamang ang nagawa nilang pisikal.

Pero tinutukso siya ni Bernard ngayong nalalapit na ang kanilang kasal, matatapos na rin daw ang matagal nitong paghihintay. Tinatawanan na lang ni Marnie ang kasintahan. Sabagay, siya man ay nagkakaroon na rin ng pagkasabik na higit pa sa hawak-kamay, yakap at halik ang magagawa nila ng lalaki.

Mommy at Daddy ang tawagan nila sa isa't isa.

Ang sabi ng mga kakilala nila, bagay na bagay raw sila ni Bernard.

"Mommy, kahawig mo talaga si Angel Locsin. Pero siyempre mas lamang ka kasi mas sexy ka sa kanya." Ganoon siya kung ilarawan ni Bernard. Marami rin naman ang nakapapansin sa pagkakahawig niya sa nasabing aktres.
Aminado rin ang lalaki na crush nito ang artista.

"Bola! Wala nga akong panama sa kaseksihan ni Angel Locsin." Natatawa na lamang siya kapag binabanggit iyon ng lalaki. Alam niyang naglalambing ito sa kanya. Likas na malambing sa kanya ang kasintahan.

Sanay na siya na dinadampian ng halik ni Bernard ang kanyang noo.

Magkasama sila nang madaling-araw na iyon, paakyat sila ng Baguio para sa Panagbenga Festival. Kasama ang ibang pasahero ay sa isang van sila sumakay. Mas mabilis daw iyon kumpara sa mga bus. Sa may likuran ng drayber nakapuwesto ang dalawa, si Bernard ay nasa tabi ng bintana at katabi si Marnie na mahimbing na natutulog. Yakap-yakap siya ni Bernard, nakayakap din siya rito.

Madilim pa ang paligid nang mapamulat si Marnie. Napansin niyang nakahilig na ang ulo ni Bernard sa windscreen ng sasakyan. Katamtaman lamang ang takbo ng van at palagay si Marnie na ligtas silang makakarating ng Baguio.

Sumandali niyang pinagmasdan ang maamong mukha ni Bernard. Katamtaman ang tangos ng ilong nito. Bahagyang makapal ang labi na nakaawang dahil sa mahinang paghihilik nito. Maamo ang mga mata ni Bernard na kapag tinititigan niya ay tila nangungusap. Subalit ngayon, mariing nakapikit ang lalaki. Nakadama rin ng antok si Marnie.

Sa 'di kalayuan ay matatanaw ang maliwanag na headlight ng isang bus. Mabilis na lumalapit iyon.

"Putang-ina!" Napabulalas ang drayber nang sa paglagpas ng kasalubong na bus ay may kasunod itong isang kotse na pumasok sa linya nila. Kinabig ng drayber pakanan ang van ngunit huli na upang maiwasan ang mabilis na kotse. Napasigaw ang mga gising na pasahero ng van. Si Marnie man ay nagulantang.

Nakabibingi ang ingay na nalikha ng pagbangga ng kotse sa kaliwang bahagi ng van. Marahas ang pagkalansing ng pagkadurog ng mga salamin.

Sa lakas ng puwersa ay tumagilid ang van samantalang nayupi ang unahan ng kotse at basag-basag ang windshield.

Sa loob ng van ay hilung-hilo si Marnie. Hindi niya maramdaman ang kanyang katawan. Hindi niya maigalaw ang hita at mga braso dahil nagkadaganan sila ng mga kapwa pasahero. Alam niyang naiipit niya ang katawan ng isang babaeng katabi niya sa upuan samantalang sa ibabaw niya ay naroon si Bernard. Nakasubsob ang mukha nito sa dibdib niya. Gumagalaw at dumaraing ang babaeng naiipit niya ngunit si Bernard ay payapang nakasubsob pa rin sa kanya.

Naghahalo ang pagdaing ng iba pang pasaherong kasama nila, may malakas na umiiyak na babae sa bandang likuran.

Sa tulong ng malamyang liwanag na nanggagaling sa posteng nakatunghay sa nagbanggaang sasakyan ay naaaninag niya ang ulo ni Bernard.

Kaybigat ng lalaki sa ibabaw niya. At walang palatandaan na kumikilos ito.

"Bern . . ." mahinang tawag niya sa lalaki. "Daddy . . ."

Wala pa ring tugon mula sa binata.

"Daddy . . ."

Unti-unti ay nagawa niyang ikilos ang kanang braso at pinilit na iangat ang mukha ng kasintahan. "Daddy, gumising ka . . . Daddy!"

Ngunit walang tugon mula sa lalaki. Bumagsak muli ang ulo nito sa dibdib niya. Tinatapik niya sa likod ang lalaki. Nakaramdam siya ng higit na panlalamig sa kawalan ng reaksyon ni Bernard. Ang takot ay pumuno sa dibdib.

"Tulungan n'yo kami! Tulungan n'yo kami!" Nahihirapan man ay pinilit niyang sumigaw.

Nag-unahan ang kanyang luha na dumaloy sa kanyang magkabilang- pisngi, umaasam na makakakita ng magandang senyales mula kay Bernard. Ngunit nanatiling walang tugon mula sa lalaki.

Mayamaya pa ay para siyang nakaramdam ng panghihina, tila may sumisikil sa kanyang paghinga. Tigbi-tigbi ang pawis sa noo at umiikot ang kanyang paningin. Minsan pa ay kinapa niya si Bernard. Hindi pa rin ito gumagalaw.

"Daddy . . ." Hindi niya tiyak kung lumabas pa iyon sa kanyang bibig.

Nilamon ng karimlan ang kanyang paligid.

***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

When Daddy Meets MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon