ANG HINDI pamilyar na kisame ang bumungad sa paningin ni Salt. Maliwanag ang paligid at tiyak niyang umaga na.
Hindi na siya nagtataka na mangyayari ito ngunit ang magising sa isang lugar na wala siyang ideya kung saan ay bago sa kanya.
Malambot ang kanyang hinihigaan at kumportable naman ang unan. Napalingon siya sa kanan.
Umawang ang kanyang bibig nang mahagip ng paningin ang mukhang iyon na patagilid na nakahiga at nakaharap sa kanya. Tulug na tulog pa rin ito.
Maamo ang mukha ng babae at pamilyar sa kanya.
At hindi lamang pala niya katabi ang babae. Na-realize ni Salt na nakayakap
pa ang kanang braso nito sa dibdib niya at ang isang hita nito ay bahagyang nakadantay sa hita niya. Ramdam niya ang init ng balat nito sa balat niya.Napabangon si Salt, pinagmasdan muli ang babae. At ikinagimbal niya nang tuluyang mamukhaan ito. Ito ang parehong babae na sumusunud-sunod sa kanya ilang araw na rin ang nakalipas, ang babae na ipinahiya pa siya sa karamihan nang sampalin siya nito.
Paanong nangyari na magkasama sila sa iisang higaan?
Tila namalayan siya ng babae ay napamulat ito. "Gising ka na," anito at inut-inot na ring bumangon. Kinapa pa nito ang leeg niya. "Wala ka ng lagnat."
Pumiksi siya at parang may pandidiring umiwas sa babae.
"Who are you?" tanong niya. "Why am I here?"
Ang babae naman ang natigilan sa tanong niyang iyon. Tingin niya ay bumakas ang pagkalito sa anyo nito.
May kakaibang ideyang naglaro sa isipan ni Salt. Inaatake na naman siya ng init ng ulo. "You were following me days ago. Huwag mong sabihin sa akin na lahat ng nangyayari sa akin nitong nakakaraang araw ay kagagawan mo?"
Napamaang ang babae. "Ha? Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ikaw ang nagpupunta dito."
"Why would I want to be here kung wala kang ginagawa sa aking kakaiba? I don't even have an idea where I am right now. Malamang ay may ginagawa ka para makapunta ako dito nang wala akong kamalay-malay. What is it? Some kind of witchcraft or potion to get me?" Bumaba si Salt sa kama. Naniningkit na naman ang mga mata niya. "I never really believed in those things until now."
Bumaba rin ang babae sa kama. "Teka lang, grabe ang imagination mo! Hindi kita kilala, ikaw ang nanggugulo sa akin. Dapat nga magpasalamat ka dahil sa kabila ng ginawa mo ay tinulungan pa kita."
Pagak na natawa si Salt. "Seriously? Nanggugulo ba talaga? Kaya pala kumportable kang nakayakap sa akin at mukhang masayang-masaya ka naman. What exactly did we do last night or should I say, those other nights na magkasama tayo?" Pinagmasdan niya ang suot na damit, hindi sa kanya ang mga iyon. Malamang ay binihisan siya ng babaeng ito.
"Excuse me, hindi mo alam ang sinasabi mo," depensa pa ng babae. "Gaya ng sinabi ko, hindi kita kilala at ikaw ang palaging nagpupunta dito."
"Hindi tayo magkakilala and yet magkatabi tayo sa kama. Do you expect me to believe your excuses? Nahuli ka na, tumatanggi ka pa!"
Kumikibot ang bibig ng babae ngunit walang lumalabas mula roon.
"Are you really that desperate to catch a guy kaya gumawa ka ng ganitong kababalaghan to get me? Hindi ko in-expect na posible pa pala talaga kahit sa ganitong modernong panahon na mag-exist ang mga katulad mo. What now, papabuntis ka para mapikot ako?"
"Ang kapal mo! Wala akong plano na magpalahi sa baliw. Malaking pagkakamali talaga na tinulungan pa kita kagabi, sana ay hinayaan na lang kita!" Nakita niyang namumula ang magkabilang pisngi ng babae. Matalim rin ang tinging ipinupukol nito sa kanya.
"What help are you talking about? I've been wondering for days kung saan ako nagpupunta kapag nawawala ako. Hindi ko alam na nakikipagrelasyon na pala ako sa isang . . . mangkukulam. Is that the right term?" pang-uuyam niya sa babae.
"Umalis ka na! Bago pa magdilim ang paningin ko sa 'yo!"
Napakaganda pala talaga ng babaeng ito, napapansin ni Salt. "You look more attractive when you are that angry. Hindi ko alam kung ang atraksyon ko sa 'yo ay totoo o epekto ng spell mo. You are really turning me on. Do you want to see the difference doing it with the real me and the enchanted me? Tingnan natin kung sino ngayon ang mas malakas sa ating dalawa sa gagawin ko sa iyo!"
Natigilan ang babae. Hindi niya masabi kung genuine ang reaksyon nito. Napaurong ang babae nang tinangka niyang humakbang palapit dito. Desidido siyang iparamdam sa babae kung gaano kainit sa kama si Salt Sebastian.
"Sige, lumapit ka!"
Nagulat si Salt na may hawak ng baseball bat ang babae. This girl was playing hard to get.
Dinaluhong niya ang babae, hindi ito nakaporma nang mahawakan niya ang bat, mabilis na naagaw at naihagis sa malayo. Pagkatapos ay mahigpit niyang niyakap ang babae. Nanlalaban ang babae subalit nagawa niyang pigilan ang ulo nito at marahas niyang hinalikan ito sa labi.
Napakalambot ng mga labi ng babaeng ito.
Nararamdaman niyang itinutulak siya ng babae subalit hindi sapat ang lakas nito upang makakawala sa kanya. Hinahapit niya sa katawan niya ang mas maliit na katawan nito. Probably her power was not that strong, afterall, kung mayroon man.
"Patikim pa lang 'yan," sabi niya sa babae nang mag-agwat ang kanilang mga labi.
Nakatitig ang babae sa kanya. Nakita niya ang tila pagkalito at takot nito. Mas namula ang labi nito dahil sa mariing halik na iginawad niya.
"You will have more of me and you will enjoy every bit of me." Akmang hahalikan niya muli ang babae ngunit nagawa nitong iharang ang palad sa bibig niya.
"Huwag, parang awa mo na, please . . ."
Natigilan sumandali si Salt. What game was this girl playing? Sa pagkakataong iyon, sa init na nararamdaman niya ay nais niyang makipaglaro dito. "Nice line. . ."
Inalis niya ang palad nitong nakaharang at inilapit muli ang mukha sa mukha ng babae. Nakaiwas ang babae sa halik niya na tumama sa gilid ng labi nito.
"M-Miggy, please stop. . ."
Si Salt ay nagimbal sa narinig, natigilan siya sa ginagawa, "What did you just call me?"
Nahihintakutang tumingin sa kanya ang babae. Tila maiiyak na ito.
"Susmaryosep!"
Pareho silang napalingon sa bukas na pintuan ng kuwarto. May dalawang matanda na parehong nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanila. May sumulpot pang dalawang mas batang babae na halos iisa ang hitsura.
Awtomatikong kumalas siya ng yakap sa babae.
***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!
BINABASA MO ANG
When Daddy Meets Mommy
RomanceThe Wattys2018 Longlist Mahiwaga ang naging pagtatagpo nila. Tila wala sa sarili ang lalaki nang una niya itong makita. Subalit ang labis na ipinagtataka ni Marnie, kaboses ng lalaki ang namayapa niyang kasintahan. Higit sa lahat, Mommy ang tawag ni...