Crossroads

1.1K 34 9
                                    

"SO you and Ursula are back in each other's arms," hindi makapaniwalang sabi ni Charles nang magkaroon itong muli ng tsansa na dalawin silang magkapatid.

Nagpapapawis siya noon sa sariling gym, panay ang padyak sa stepper pedal.

"At sinong makating dila ang nagsabi noon sa 'yo?"

"Hindi naman makati ang dila ni Yaya Miling. Nabanggit lamang niya sa akin na madalas daw na bumisita dito si Ursula. Kung minsan ay kasama mo pa daw dito sa pag-uwi."

"'Yap, but I am not sleeping with her," paglilinaw niya. "Kung nag-i-stay siya dito, sa guest room siya natutulog so do not even think of anything malicious."

"Aw, why am I surprised?"

"People change. Tao din ako na posibleng magbago."

Napatango si Charles bagamat hindi nawawala ang ngiti nito.

"What happened to Marnie?" usisa nito.

Mas naging seryoso ang mukha ni Salt. "She doesn't want to see me."

"W-What! Wait, ano'ng ginawa mo?"

"She wants to move on from her past memories with her boyfriend. Hindi daw ako nakakatulong dahil kaboses ko 'yung boyfriend niya."

"And you gave up just like that?"

Lumiit ang mga mata ni Salt. "And what exactly do you want me to do? Ipilit ko ang sarili ko sa taong ayaw sa akin?"

"So gusto mo si Marnie?"

"What? No!" tanggi niya. "Your questioning is becoming a bit annoying, Charles. Give me a break."

Tumahimik naman ang lalaki na tila sinusuri ang hitsura niya.

"What?" untag niya sa lalaki.

"Paano kung bumalik ka sa pagiging Miggy?"

Bumaba na sa stepper pedal si Salt at kinuha ang tuwalyang puti, pinunasan ang pawis.

"I doubt I will be back to being Miggy again. Mahigit dalawang buwan na rin na hindi ako sinusumpong, I hope it will remain this way. Akala ko, kapag hindi na kami nagkikita ni Marnie, posibleng mag-appear muli si Miggy. But here I am doing good."

"So wala na talaga sa eksena si Marnie?"

Hindi makapaniwala si Salt sa kakulitan ni Charles. "Why do you keep on talking about Marnie?"

"Because a question why Miggy led you to Marnie in the first place remains unanswered," sagot nito.

"Is that still important?" aniya. Subalit sa isip-isip ni Salt, batid na niya ang sagot sa tanong ni Charles. But he will keep it to himself. Sa ngayon ay hindi niya nakikitang makakatulong si Charles. May desisyon na rin siyang nabuo nitong mga nakaraang araw na magtatakda sa ikaliligaya o tuluyang ikasasawi ng puso niya.



***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Follow me and I will follow you back. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

When Daddy Meets MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon