NAGREPORT na si Marnie sa kanilang upisina sa Makati. Ipinaalam niya sa kanyang boss na nakahanda na siyang bumalik sa trabaho sa susunod na linggo. Material recording clerk siya sa isang plastic products manufacturing company.
"Tama ang decision mo na bumalik na sa work, Marnie," natutuwang sabi sa kanya ng kanyang immediate supervisor na si Ms. Valerie. Naroroon sila sa hallway ng upisina. Sinamahan siya nito sa Human Resources Department ng kumpanya.
Halos kasing-laki niya ang babae. Morena si Ms. Valerie, mukhang istrikto ang mukha dahil sa nakaarko nitong kilay ngunit mabait ito sa mga kapwa empleyado. Magaling itong magdala ng damit, bagay na bagay ang long-sleeved yellow loose fit blouse na tinernuhan ng itim na slacks.
Si Marnie naman ay nakaputing blouse at jeans lamang.
"Don't get me wrong. Hindi ka namin minamadaling bumalik pero nami-miss ka na rin namin dito."
"Makakatulong sa akin kung may pagkakaabalahan ako. Hindi tama na magmukmok na lamang ako palagi sa bahay."
"That's my girl. Fighting!" Itinaas pa ni Ms. Valerie ang kamay na nakatikom ang kamao.
"Fighting!" segunda niya sa supervisor.
Hindi siya kaagad nakauwi dahil inaya siya ni Ms. Valerie na mag-lunch muna pagkatapos niyang ayusin ang mga dapat ayusin sa HR. Matapos ang lunch ay naghiwalay na sila.
Lumabas siya ng upisina na magkahalo ang emosyon. Masaya siya sa desisyon na muling bumalik sa trabaho at harapin ang bagong buhay. Malungkot siya na ang bagong buhay na haharapin ay may lambong ng kahungkagan.
Ang totoo, mas lamang ang kalungkutan dahil sa mga alaalang bumabalik sa mga tanawing dati ay magkasabay nilang tinatanaw ni Bernard. Hindi man sila magkasama sa isang kumpanya at magkalayo ang mga upisina, palagi siyang sinusundo ni Bernard tuwing labasan. Magkahawak-kamay silang naglalakad sa walkway ng Ayala Avenue.
Para pa niyang naririnig ang linya sa kanya noon ni Bernard.
"Next project ko after our wedding, kotse. Para hindi ka na mahihirapan na maglakad papunta sa EDSA."
"Okay lang sa akin ang maglakad, basta 'andiyan ka lang sa tabi ko palagi."
"Aw, ang cheesy ng mahal ko!"
Kinurot niya sa tagiliran si Bernard. "Nahawa lang ako sa pagka-cheesy mo, 'no?"
Nag-init ang kanyang mga mata. Pinahid niya ng daliri ang namumuong luha sa gilid ng mata. Bumuga siya ng malakas na hangin.
She had to move on from this feeling. Kailangan niyang iwaksi sa isip ang mga bagay na magpapalungkot lamang sa kanya.
Bernard would not want to see her in pain. Hindi ito matutuwa kung patuloy siyang luluha.
Noong una, naiisip niyang iyon ang dahilan kung bakit may isang estrangherong dumating sa bahay nila na kaboses na kaboses ng namayapang kasintahan. Na baka nais iparating sa kanya ni Bernard na dapat na siyang mag-move on.
Hiwaga pa rin sa kanya ang muling pagsulpot ng lalaking nagpakilalang Miggy. At palaisipan kung ano ang koneksyon nito kay Bernard kung mayroon man. Kapag iniisip naman niya ay parang sumasakit lamang ang kanyang ulo.
Minabuti ni Marnie na bilisan ang paghakbang. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagod. Gusto na niyang makauwi.
Binabaybay niya ang kahabaan ng Ayala Avenue nang mahagip ng paningin ang dalawang lalaking lumabas mula sa isang restaurant.
Medyo blonde ang alun-along buhok ng isang lalaki. Mamula-mula ang kutis nito na pinatingkad ng suot nitong black suit. Seryosong kausap nito ang isa pang lalaki na siyang tumawag sa atensyon ni Marnie.
Mabilis ang pagtahip ng dibdib ni Marnie. Hindi siya maaaring magkamali. Si Miggy ang lalaking iyon.
Ang kaibahan nga lamang, mukhang matigas at pormal ang anyo ng lalaki kumpara kay Miggy na tila isang maamong bata. Bagay na bagay sa magandang katawan nito ang suot na abuhing suit. Nakapaloob ang peach chinese collared long sleeve shirt. Perfectly slicked back ang itimang buhok nito na tila hindi magugulo kahit ng malakas na hangin.
Out of curiosity ay napasunod si Marnie sa dalawang lalaking mabilis na naglalakad. Sa loob-loob ay umaasang hindi siya nagkakamali ng hinala.
Kung makikita kaya siya ni Miggy ay mamumukhaan siya nito?
Sa isang intersection ay tumigil ang dalawang lalaki. May kausap na sa phone si Miggy. Tumigil din siya sa paglalakad, sapat ang distansya para mas mapagmasdan ang mukha ng lalaking nakita niya tatlong araw pa lamang ang nakararaan.
"I will call you back later. I am just in a hurry at this time," narinig niyang sabi nito sa kausap.
OMG! Kaboses siya ni Bernard!
Lalong tumibay ang paniniwala niyang ito nga at si Miggy ay iisa.
Nabuo tuloy ang paghahangad niyang makalapit dito at tawagin ito sa pangalang ibinigay sa kanya noong huli silang magkita. Hindi niya inaalis ang tingin sa mukha ng lalaki.
Nakita niyang siniko ito ng kasamang lalaki at huli na nang ma-realize ni Marnie na napansin marahil ng isa na mataman siyang nakatitig sa mukha ng inaakalang si Miggy. Napalingon sa kanya ang lalaki.
Nagkatitigan sila. Sapat ang sandali upang mapagmasdan ng lalaki ang kanyang hitsura. Napamaang ang lalaki ngunit bigla itong umiwas ng tingin at umiling-iling pa na tila may bahid ng iritasyon.
Hindi ba siya nito nakilala? Bakit ganoon ang reaksyon ng lalaki?
Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa. Nag-iisip pa si Marnie noong una kung dapat pa niyang sundan ang mga ito. Ngunit malakas ang kutob niyang si Miggy at ang lalaking ito ay iisa.
Nang makarating sa isang building ay pumasok ang isa samantalang tila nagpaalam si Miggy sa kasama at nagpaiwan. Pagkatapos ay lumakad itong palayo.
Si Marnie ay patagong humahabol pa rin sa lalaki. Marami silang kasalubong, mga empleyado na lumabas para sa lunchbreak at nagmamadaling makabalik sa kani-kanilang upisina. Ilang metro pa ang nilakad ni Marnie nang mapansin niyang nawala na sa paningin ang lalaki. Nagpalinga-linga siya ngunit wala na ito.
"Are you looking for me?" Nagulantang pa si Marnie nang may magsalita sa kanyang likuran.
Pumihit siya at natagpuang nakatunghay sa kanya ang pamilyar na mukha ng lalaki. Nakangisi ito, tila nagbabanta ang hugis ng mga mata.
"Kanina mo pa ako sinusundan. Do not even deny it," sabi nito. "Hindi ko type ang mga ganyang babae."
Nagulat si Marnie sa narinig. Kaboses nga ito ni Bernard ngunit hindi yata si Miggy ito. Saka hindi iyon sasabihin ni Miggy sa kanya.
"I'm sorry. Akala ko ay . . ."
"No need to be sorry. Hindi kita masisisi kung magpapakita ka ng motibo. I am so used to it. And I guess, there's just no easier way around," putol nito sa sasabihin niya.
Nag-init ang magkabilang-pisngi ni Marnie. Hindi nakatulong ang malisyosong tingin ng lalaking ito. Hindi niya maitatangging napakaguwapo nito lalo na sa malapitan ngunit hindi tama ang lumalabas sa bibig nito.
"On the contrary, mukhang kailangan kong mag-release ng stress later tonight. So how about we see each other later?" May pagkapilyo ang ngiting iyon ng lalaki. Kinindatan pa siya nito. May dinukot sa wallet ang lalaki. Iniabot ng kaliwang kamay ang isang maliit na papel. "Call me later. I can give you a great night."
Pinasadahan siya ng tingin ng lalaki mula ulo hanggang paa. Nang-uuyam ang nakaguhit na ngiti sa mga labi.
Napatitig si Marnie sa tarhetang hawak nito. Naroon ang pangalan ng lalaki. Mapapatunayan niya kung si Miggy nga ito. Ngunit napakalaking insulto ang iniisip nito sa kanya at hindi iyon mapapalagpas ni Marnie. Kung nabubuhay si Bernard, mata lamang ng lalaking ito ang walang latay.
Malakas na sampal ang ipinatikim niya sa lalaki at mabilis na naglakad palayo rito.
***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!
BINABASA MO ANG
When Daddy Meets Mommy
RomanceThe Wattys2018 Longlist Mahiwaga ang naging pagtatagpo nila. Tila wala sa sarili ang lalaki nang una niya itong makita. Subalit ang labis na ipinagtataka ni Marnie, kaboses ng lalaki ang namayapa niyang kasintahan. Higit sa lahat, Mommy ang tawag ni...