🌟Another chance🌟

1.2K 45 31
                                    


NASA bakuran si Salt ng isang magarang mansion sa Tagaytay. Luntian ang paligid, ang tinatapakan ay nababalot ng finely-trimmed bermuda grass. May mga nagtatayugang pine tree na nakakalat sa malawak na bakurang iyon. Pinili ni Salt ang isang partikular na bahagi ng bakuran kung saan nakatayo ang isang maliit na pavilion. Namumukadkad ang iba't ibang uri ng orchids sa paligid na nakasabit sa mga driftwood. Overlooking ang puwestong iyon sa Taal Lake at malinaw niyang natatanaw ang Taal volcano na bahagyang nababalot ng fog. Marami nga siyang masasayang alaala sa dakong iyon. This was once a sanctuary for him. Ngunit hindi niya makapa kung ano ang nararamdaman sa muling pagtapak ng mga paa sa lugar na iyon.

"Salt!"

Napukaw ang pansin niya sa malakas na pagtawag ng isang babae. Nilingon niya ito at nakatagpo ang nangingislap na mga mata.

Si Ursula.

Napakaganda nito sa kulay berdeng knee-length sleeveless dress na may tassel sa laylayan. Nakahantad ang makikinis na braso at balikat ng babae. Sa tingin niya ay higit na umigting ang kagandahan ng dating kasintahan pagkatapos ng mahabang panahon na hindi sila nagkita. Kailan ba niya hindi nakitang hindi presentable ang babae?

Sabagay, Si Ursula Montemayor ay isang successful na ramp and print model bago pa sila nagkakilala. Kahit na ano pa siguro ang isuot nito ay kayang-kaya nitong dalhin.

Lumapit sa kanya si Ursula. Subalit naglaan ito ng distansya sa kanya nang mapansin na blangko ang ekspresyon ng mukha niya.

"Napadalaw ka," anito na sa ibaba nakatingin.

"Galing ako sa Batangas and decided to drop by," aniya. "I wanted to see you."

Nag-angat ng paningin si Ursula, tila nabuhayang muli ng pag-asa.

"Well, we were together for five years. Gusto kong kalimutan na kung ano man ang mga masamang nangyari sa atin and move from there."

Nakaawang ang bibig ni Ursula, ang mga mata ay namimilog at nagniningning. Napahakbang ito palapit kay Salt at mahigpit na yumakap.

Dahan-dahang niyakap ng isang kamay ni Salt ang babae.

"Willing ako na subukang ibalik ang kung ano ang meron tayo noon, Salt! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon," sabi ni Ursula habang nakayakap sa kanya. "This time, I will make sure na ibibigay ko ang kahit na anong naisin mo. Mahal na mahal pa rin kita!"

Siya naman ang napipilan sa narinig. He was here not to reunite with her. Gusto niya munang ayusin ang relasyon nila ni Ursula. Pagkatapos ng huli nilang pagkikita, palagi niyang naaalala ang pagluha nito. Maaaring nagalit siya noon sa babae ngunit hindi naman bato ang kanyang puso. Gusto niyang makakawala na rin sa guilt ang babae kung mayroon man.

"I want us to start as friends," paglilinaw ni Salt.

Naramdaman niya ang pagluwag ng yakap ni Ursula hanggang tuluyang bumitaw ito at dumistansya sa kanya.

"We will see from there kung ano ang posibleng mangyari."

"Hindi mo pa rin ako napapatawad?"

"Nagpunta ako rito para humingi ng tawad at sabihin din sa 'yo na pinatatawad na kita. But I cannot commit myself to a relationship na parang walang nangyari. It will be a matter of time to see if 'us' will happen again."

Tumangu-tango si Ursula. "I understand. Willing naman akong maghintay."

Matagal silang walang imikan ni Ursula. Kung hindi tumunog ang cellphone ni Salt ay tila hindi mapuputol ang awkward na sandali sa pagitan nila ng dating kasintahan.

Isang text message ang na-receive ni Salt.

Don't forget your lunch and try to rest a bit too, sabi sa text. Galing iyon kay Marnie.

"Excuse me," pasintabi niya kay Ursula.

Lumitaw ang ngiti sa mga labi ni Salt. Hindi niya maunawaan kung bakit biglang na-miss niya si Marnie.

Nagreply siya ng 'OK' kay Marnie.

Nang lingunin niya si Ursula ay tila nagtataka ito. Sinupil niya ang ngiting nasa labi.

"Ursula, I should better get going," paalam na niya sa babae.

"Magkikita pa ba tayo ulit?" matamlay na habol sa kanya ni Ursula.

Nagtama ang kanilang mga mata. Malungkot pa rin ang mga mata ng babae.

"Of course," sagot niya. "I will make sure magkikita pa tayo."

Nakahanda na si Salt na umalis nang dumating ang isang matandang lalaki. Nasa mid-fifties na ito ngunit maganda pa rin ang pangangatawan sa suot na maroon fitted t-shirt at jeans. Mamula-mula ang kutis ng lalaki. Malaki ang pagkakahawig nito kay Ursula.

"Salt, hijo! It is nice to see you here!" masayang bati nito sa kanya.

"Tito Edmund!" ganting bati niya sa matanda at sinalubong ang yakap nito. "Nice to see you too."

Naglipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Ursula.

"Dad, napadaan lang dito si Salt. Paalis na rin siya," sabi ni Ursula sa matanda.

"And why would you be leaving so soon? Malapit na rin ang tanghalian. Magpapahanda ako para dito ka na kumain. Ngayon lamang ulit tayo nagkita, gusto ko namang makakuwentuhan muli ang lalaking gustong-gusto kong manugangin."

Mapakla ang ngiting bumalatay sa mga labi ni Salt. Ngunit paano ba siya tatanggi kay Edmundo Montemayor?

***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

When Daddy Meets MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon