"MAY problema?" untag ni Marnie kay Salt habang naglalakad pabalik sa kanilang upisina. Nasa tapat na sila ng entrance ng building nila.Magkasabay silang muli na nagtanghalian. Mataman niya itong pinagmamasdan habang kumakain. Kumibo-dili ang lalaki. Tiyak niya na may gumugulo sa isip nito. Nasanay siyang masigla ang lalaki sa tuwing kasama niya ito. Nasurpresa pa naman siya kaninang sunduin siya nito na bagamat hindi nag-usap ay magkakulay ang suot nilang damit. Pinili niyang magsuot ng magkaternong beige long sleeve tops at pencil trousers. Nag-match ito sa beige na long sleeve polo shirt ng lalaki.
Nagkibit-balikat si Salt. Ang magkabilang-kamay ay nakasuksok sa bulsa ng suot na abuhing pantalon. Tipid itong ngumiti. "Pagod lang siguro ako sa work," anito.
"Get some rest. Hindi mo naman siguro dapat sagarin ang sarili mo. Tapos heto, nag-abala ka pang ihatid ako."
"I meant to see you today kasi ay may mga commitment ako in the next days. Hindi ko sigurado kung masasamahan kitang mag-lunch or maihahatid pauwi." Malamlam ang mga mata ni Salt. Maging tinig nito ay tila hungkag sa sigla.
"Ano ka ba? Hindi mo naman obligasyon na gawin 'yun. Cheer up, Mr. Chairman. Kahit hindi pa tayo nagkikita nang regular, basta kung kailangan mo ako, I will make myself available." Pinasigla niya ang boses.
Nagulat si Marnie nang kabigin siya ni Salt at mahigpit na yakapin. Bumulong pa ito sa kanya. "Maraming salamat, Marnie."
Nawala ang mga ngiti sa labi ni Marnie. Bumagsak ang kanyang panga. Bakit para siyang nanghina? Pumapatikad ang tibok sa kanyang dibdib. Napasubsob pa siya sa balikat ng lalaki. Sumasagi sa ilong ang kaaya-ayang amoy nito. He was wearing an undeniably expensive perfume that smelled woody, spicy and elegant. She could stay in that embrace for eternity, malapit sa katawan ni Salt. Ngunit nang maalala kung nasaan sila, dahan-dahan ay itinulak niya ang katawan ng lalaki palayo. Namumula ang kanyang pisngi nang pakawalan siya nito.
"Kailangang may yakap pa talaga?" tudyo niya sa lalaki. Sinusubukan niyang palisin ang pagkaasiwang nararamdaman. Mas na-conscious pa siya nang mapansin ang mga matang nakamasid sa kanila sa paligid. Napalunok si Marnie.
"I'm sorry. I didn't mean to." Hindi maipinta ang ngiti sa mga labi ng lalaki. Sa tingin niya, mukhang nagulat din si Salt sa ginawa.
"S-Sige na, Salt. Papasok na ako. Maraming salamat ulit sa lunch," paalam niya sa lalaki. Tatalikod na sana siya nang marinig ang boses nito.
"Galit ka ba?"
Nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. Nakita niya ang concerned look sa mukha nito.
"S-Saan?" Pa-inosente pa ang hitsura niya.
"Sa pagyakap ko."
Pinalitaw niya ang ngiti sa mga labi. "Ano ka ba? Para 'yon lang."
Napahinga nang maluwag si Salt. "Salamat ulit, Marnie."
Marahan siyang tumango. "Sige na, balik ka na sa office mo," taboy niya sa lalaki. Pumihit na siya upang iwanan si Salt.
"Marnie!"
Minsan pa ay napigilan ang paghakbang ni Marnie. Nilingon niya si Salt.
"You look beautiful in that attire." Nakangiti kahit ang mga mata ng lalaki.
Kiming ngiti ang itinugon niya dito saka tuluyang tumakas sa mga paningin nito. Ramdam niyang nag-init ang mga pisngi. At para pa siyang napahiya nang makita sa repleksyon sa dingding na salamin ng elevator na hindi pala hiniwalayan ng ngiti ang kanyang mga labi.
Masyado na ba siyang napapalapit kay Salt upang maging malaking bagay ang papuri nito sa kanya?
Nahulasan ang saya sa dibdib ni Marnie. Mali yatang humanga siya kay Salt. Ginagawa niya itong pakikipaglapit upang tulungan ang lalaki. Maaari silang maging magkaibigan ngunit hanggang doon lamang iyon.
Parang may kurot sa puso ang reyalisasyong iyon.
Sa mga sumunod na araw, hindi sila nagkita ni Salt. Gayunpaman ay hindi nakakalimot na mangumusta sa pamamagitan ng pagte-text ang lalaki.
***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!
BINABASA MO ANG
When Daddy Meets Mommy
Storie d'amoreThe Wattys2018 Longlist Mahiwaga ang naging pagtatagpo nila. Tila wala sa sarili ang lalaki nang una niya itong makita. Subalit ang labis na ipinagtataka ni Marnie, kaboses ng lalaki ang namayapa niyang kasintahan. Higit sa lahat, Mommy ang tawag ni...