MAANG si Marnie sa nakita niyang tagpo sa may pool area. Doon siya itinuro ni Patring, naroroon daw ang amo nito. Hindi nabanggit ni Patring na kasama pala nito si Ursula at mukhang mali ang timing niya. Eksaktong magkadikit ang mga mukha nina Salt at Ursula nang mabungaran ni Marnie.
Nakadama siya ng hiya na nakita ang dalawa sa ganoong sitwasyon, napaatras siya. At kamuntik pa silang magkabanggaan ni Denise nang pumihit na siya upang tuluyang lisanin ang lugar na iyon at hindi na muli pang makipagkita kay Salt.
"Marnie!" natutuwang sabi sa kanya ni Denise.
"Denise . . ."
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na ako, may itatanong lamang sana ako kay Salt pero mukhang busy pala siya."
"Busy?"
Parehas silang napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Salt ay palapit na pala sa kanilang dalawa. Iniwan nito si Ursula.
Nagbaba siya ng tingin sa pagtatama ng kanilang mga mata.
"I am happy to see you again, Marnie," anito. "Ano'ng nais mong itanong sa akin?"
"Hindi naman masyadong importante. Sa ibang araw na lamang siguro," aniya.
"Certainly it must be important. Hindi ka naman magsasayang ng panahon na puntahan ako dito kung hindi importante. What is it, Marnie?"
Natahimik si Marnie. Naisip niyang hindi naman siguro masama kung magtatanong siya dito. "Gusto ko lang sana malaman kung paano namatay sina Trixia at Miggy."
Tila nagulat si Salt sa tanong niyang iyon. "Car accident," sagot nito.
"Car accident sa Baguio?" usisa pa niya.
Tumango si Salt.
"Banggaan ng isang van at isang kotse na nawalan ng preno?"
"Tama ka, Marnie. Paano mo nalaman ang mga ito?
"Andoon ako sa van. Kasama kami ni Bernard sa mga naaksidente. Hindi din pinalad si Bernard na makaligtas," lahad niya.
Awang ang bibig ni Salt sa nalaman.
"Sa tingin mo ay konektado ito sa mga nangyayari sa akin . . . sa atin?"
"Hindi ko alam pero . . . Pakiusap lamang, Salt, ingatan mo ang sarili mo. Napanaginipan ko si Miggy. Gusto niya na . . . na nasa mabuti kang kalagayan." Hindi masabi ni Marnie ang tunay na sinabi ni Miggy sa kanya, kung paanong humihingi ito ng tulong para sa ama. Sabagay, hindi alam ni Marnie kung paano matutulungan si Salt, mukhang hindi naman ito nangangailangan ng tulong.
"Magpapaalam na ako. Pasensya na kung nakaistorbo ako."
Tumalikod na si Marnie.
***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Follow me and I will follow you back. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!
BINABASA MO ANG
When Daddy Meets Mommy
RomanceThe Wattys2018 Longlist Mahiwaga ang naging pagtatagpo nila. Tila wala sa sarili ang lalaki nang una niya itong makita. Subalit ang labis na ipinagtataka ni Marnie, kaboses ng lalaki ang namayapa niyang kasintahan. Higit sa lahat, Mommy ang tawag ni...