Restless

1.1K 42 6
                                    

NAGISING muli si Marnie nang malalim na ang gabi. Pamilyar ang boses na naririnig niyang umiiyak sa labas ng kanilang bahay.

Si Salt iyon, alam niya. Maaaring nagbalik ito sa pagiging Miggy.

Dali-dali siyang pumanaog upang pagbuksan ang lalaki. Pagkabukas niya ng pinto ay nagulat pa si Marnie na hindi si Salt ang makikitang nakatayo doon sa harapan kundi isang bata.

Hindi siya maaaring magkamali. Nakita na niya ang mukha ng batang iyon. Kahit sa picture lamang niya ito unang napagmasdan ay batid niyang ito ang batang iyon. Siya si Miggy, ang tunay na Miggy!

"Mommy!" umiiyak na sabi nito at nakita niyang akmang tatakbo ang bata palapit sa kanya.

Subalit bago pa ito nakalapit ay malakas itong sumigaw dahil tila may humigop dito palayo sa kanya palabas ng kanilang bakuran hanggang mawala sa kanyang paningin.

"Mommy!"

"Miggy!"

Napabalikwas si Marnie sa pagkakahiga, butil-butil ang pawis sa kanyang mukha at dama niyang pawisan din ang katawan.

Isang masamang panaginip lamang pala. Damang-dama pa rin niya ang mabilis na tibok ng puso. Hindi niya maunawaan kung ano ang nais ipahiwatig ng panaginip na iyon.

Kahit hindi niya nakasama noong nabubuhay si Miggy ay nakadama siya ng pagmamalasakit dito nang makita niya sa panaginip. Nakita niya sa mukha nito ang takot at paghingi ng saklolo habang unti-unti itong nawawala sa kanyang paningin.

Hindi kaagad nakabalik sa pagtulog si Marnie. Ipinanalangin muna niya na higit sa lahat ay matahimik na ang kaluluwa ni Miggy kung totoo mang may konekyon iyon sa kanyang naging panaginip.

Subalit sa sumunod na mga gabi ay naulit ang katulad na panaginip ni Marnie.



***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Follow me and I will follow you back. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

When Daddy Meets MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon