🌟He has a name🌟

1.4K 64 28
                                    

NAGISING si Marnie sa pagtawag ng pamilyar na boses. Nang dumungaw siya sa bintana ay naroroon muli sa tapat ng kanyang bintana ang mahiwagang lalaki. Hindi alam ni Marnie kung bakit parang ikinatuwa niya na muling makita ito.

Suot ang maluwang na puting t-shirt at striped na pajama pants ay humahangos siyang dinala ng mga paa sa harap ng pintuan at sinalubong ang lalaki. Pinapasok niya ito sa loob ng kanilang bahay. Mahigpit siya nitong niyakap at nagulat si Marnie sa pagdampi ng malambot nitong labi sa kanyang pisngi.

Pawisan na naman ang lalaki.

"I miss you, Mommy," sabi nito, tila batang nangingislap ang mga mata nang makita pagkatapos ng mahabang panahon ang ina.

"Na-miss din kita," awtomatikong nasabi niya. Hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon ngunit totoong nanabik siyang makita ang lalaki.

Hindi niya maalis sa sarili ang paniniwalang may koneksyon ito kay Bernard sa tuwing maririnig ang boses ng lalaki.

"I am hungry," anito na hinihimas-himas pa ang tiyan. Hakab sa katawan ang kulay abong t-shirt ng lalaki at nag-uumalpas ang mamasel nitong braso sa maikling manggas. Isang loose dirty white pants ang pang-ibaba nito. At kagaya ng mga nauna nilang engkwentro, wala pa ring pansapin sa paa ang lalaki.

"Ha? Ano ang gusto mong kainin?" Nataranta si Marnie, ang alam niya ay naubos ang pagkain nila sa ref. Plano nilang magkakapatid na mag-grocery kinabukasan. "Teka lang, hintayin mo ako. Dito ka muna sa salas."

Parang bata na sumunod ang lalaki. Umupo ito sa mahabang sofa.

Naghahalungkat siya sa hanging cabinet nila ng pupuwedeng mailuto ay naiwang nakarehistro sa kanyang diwa ang inosenteng anyo ng lalaki. Tama ba itong ginagawa niya? Pati sa mga magulang at kapatid ay nais niyang itago ang pagdating ng lalaki. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

Mamaya pa ay dala-dala na ni Marnie sa isang mangkok ang mainit na noodles. Iniabot niya iyon sa lalaki. Ngunit nakatitig lamang ito at hindi inaabot sa kanya.

"Ayaw mo ng noodles?" tanong niya.

"Help me, Mommy," tila naglalambing na sabi nito sa kanya.

Maang siyang nakatitig sa mukha ng lalaki. Naunawaan naman niya ang nais ipagawa nito.

"Please, Mommy," parang bata pa ring sabi nito na hindi humihiwalay ng tingin sa kanya.

Saglit lamang ay naupo siya sa tabi nito at maingat na sinubuan ang lalaki. Hinihipan pa niya ang mainit na sabaw bago ito isubo sa bibig ng lalaki.

Masayang kumain ang asal-batang lalaki. Nakangiti pa ito sa tuwing tumitingin kay Marnie.

"Naaalala mo na ba kung ano ang pangalan mo?" tanong ni Marnie matapos maubos ang noodles.

"How can you not know it, Mommy?" balik-tanong nito sa kanya. Tila mas masigla pa ang lalaki matapos niyang pakainin.

Hindi siya makasagot. Wala siyang ideya kung ano ang ibig sabihin ng lalaki.

"Miggy ang pangalan ko, right?"

"M-Miggy?" ulit niya.

Tumango ang lalaki.

Lumatay ang pagkadismaya sa anyo ni Marnie. Hindi niya inaasahan na iyon ang ibibigay na pangalan ng lalaki. Paano ba niya ngayon ipapaliwanag ang koneksyon ni Bernard sa lalaking ito. Wala siyang kilalang Miggy.

"I feel sleepy na Mommy," pagkuwa'y sabi ng lalaki at humikab-hikab. Namumungay rin ang mga mata nito.

"Miggy, gusto mo bang ihatid kita sa bahay n'yo? Naaalala mo na rin ba kung saan ka nakatira?" Umaasa siyang may makukuha pa siyang ibang impormasyon na makasasagot sa maraming katanungang kaakibat ng pagdating ng lalaking ito.

"I only want to be with Mommy," sagot nito. Bahagya pang nakasimangot. "Miggy will be where Mommy is."

"Yes, of course, Miggy. Hindi hihiwalay sa 'yo si Mommy, pero kailangan, sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira."

"I don't know. I just want to be here with you."

"Wala ka ba talagang maalala, Miggy?"

Naging malikot muli ang mga mata ni Miggy. "You don't want me to be here, Mommy?"

"Hindi, hindi sa ganoon," maagap na sagot niya. "Siyempre gusto ko nandito ka. Pero kailangan alam natin kung saan tayo nakatira. 'Yung hindi dito. Tutulungan mo ba si Mommy na makita 'yong ibang bahay natin?"

Tumango at nagliwanag ang mukha ni Miggy. Malalim na naman itong nag-isip.

Pero bigla itong nagpakawala ng malalim na hininga at nalungkot. "I am sorry, Mommy. I really don't know. Can I sleep now?"

Si Marnie naman ang napabuntung-hininga. Nakagat na lamang niya ang sariling labi nang ihilig na muli ng lalaki ang ulo patungo sa kandungan niya.

***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

When Daddy Meets MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon