LABAG sa loob ni Marnie na sumama kina Denise at Charles pero wala rin naman siyang pagpipilian. Nakumbinsi siya ni Charles na mas makabubuti kung makapag-uusap sila sa mas pribadong lugar lalo pa at sensitibo ang pag-uusapan.
Ang hindi alam ni Marnie ay sa malaking bahay pala sila ni Salt Sebastian mag-uusap. Isang exclusive subdivision iyon sa Alabang kung saan bawat bahay ay nagmamalaki ng karangyaan.
Kung wala siyang ibang alalahanin at panatag sa kalooban ang pagsama sa dalawa, may panahon siguro siyang mamangha sa kagandahan ng pinasok na bakuran.
"Okay ka lamang, Marnie?"
Pinukaw ni Denise ang kanyang atensyon habang naglalakad sila papasok ng bahay. Pinili niyang huwag makipag-usap sa dalawa kaninang nasa sasakyan sila.
Mahina siyang um-oo, matipid ding ngumiti.
Sa visitors receiving area siya dinala nina Denise at Charles. Nakatitig siya sa isang panig ng dingding kung saan isang malaking portrait ng matandang lalaking naka-amerikana ang nakasabit nang may humarang sa kanyang paningin.
Lumagpas sa kanya ang isang lalaki. Nagtama ang kanilang mga paningin. Si Salt iyon.
Napakalinis tingnan ni Salt sa suot ng puting long-sleeved shirt at abuhing twill pants. Hindi siya nito hiniwalayan ng tingin.
Pinili niyang huwag magpaapekto sa lalaki.
"Kailangan ba talagang nandito siya?" reklamo ni Marnie nang makapuwesto sila sa mga upuan doon.
"Interesado akong malaman kung ano ang nangyayari sa akin. That should make sense." Si Salt rin ang sumagot sa tanong niya. Bahagya pang nakaangat ang kilay nito.
Pagkatapos ng ginawa nitong kapangahasan, wala siyang mabasang kababaang-loob sa anyo nito. Nag-iinit na naman yata ang kanyang pisngi.
"Puwede naman natin siguro itong gawin na hindi kayo mag-aaway, tama ba?" masiglang singit ni Charles.
Gusto niyang magsisi na pinaunlakan ang paanyaya ng mga ito lalo pa ngayong kasama si Salt. Subalit nasayang na rin naman ang panahon niya.
Mariin siyang pumikit bago nagpakawala ng malakas na hininga.
"Okay, para hindi tayo magtagal, ano ba ang gusto ninyong malaman?"
"Lahat-lahat sana. Simula sa una ninyong pagkikita ni Salt hanggang sa pinakahuli," ani Charles.
Nagkuwento si Marnie subalit hindi niya mai-detalye ang naging engkwentro nila ni Salt. Iniwasan niyang banggitin na nagkaroon siya ng pananabik sa mga susunod na pagpapakita nito. Hindi niya maaaring ipaalam na nagkaroon siya ng munting attachment sa asal-musmos na si Miggy.
"So, si Salt bilang Miggy ay isang kilos bata?" paglilinaw ni Charles.
"Para siyang bata na naghahanap ng ina. Kaya siguro tinatawag niya akong mommy," saad ni Marnie. "Para siyang bata na may edad na six or younger."
"Paano exactly si Miggy?" tanong pa ng psychiatrist.
"No'ng pangalawang beses na dumating siya, niyakap niya ako at . . . hinalikan niya ako sa pisngi." Yumuko siya. Hindi niya gustong makita ang reaksyon ni Salt. "Sinabi niyang nami-miss daw niya ako. Ganoon din sa sumunod na pagbabalik niya."
"Hindi ka natakot?" Si Charles pa rin.
"Mukha ba akong nakakatakot?" sabad ni Salt na nagsalubong ang mga kilay.
"Natakot ako siyempre. Pero na-curious kasi ako sa kanya."
Kung bakit napagawi ang tingin niya kay Salt, nahuli niya ang mapang-uyam na ngiti nito.
"Malakas pa rin ang dating ko in spite of everything."
Lahat ay seryosong lumingon kay Salt. Tila napahiya naman ito na umiwas ng tingin.
"Na-curious lang ako dahil kaboses siya ng boyfriend ko." pagtatama ni Marnie. "Akala ko, binalikan ako ng boyfriend ko," malungkot na sabi niya.
"Binalikan? Bakit? Nasaan ang boyfriend mo?" sunud-sunod na tanong ni Salt.
Sandaling tumahimik si Marnie, pagkuwa'y sumagot, "Patay na siya. No'ng gabing dumating ka sa bahay ay fortieth day of death niya."
Naghari ang katahimikan. Nakita niyang makahulugang nagkakatinginan ang tatlo.
"Fortieth day of death . . . My God, what a coincidence!" bulalas ni Denise.
Nalilito siyang tumingin kay Denise. Ano ba ang ibig nitong sabihin?
"Sinabi mong nagpakilala si Salt bilang Miggy on the third time that you met. That day na una kayong nagkita ni Salt was also the fortieth day of death of his five-year old son. Guess what, his name is Miggy," lahad ni Charles.
Kinilabutan si Marnie sa narinig. Hindi sinasadya ay napalingon na naman siya kay Salt at nagtama ang kanilang paningin. Sa pagkakataong ito ay ang lalaki naman ang umiwas ng tingin sa kanya.
May iniabot na larawan sa kanya si Charles. Mataman niyang tinitigan ang larawan. Ina-assume niya na si Miggy ang cute na mestisong batang nasa picture. Tinitigan pa niya itong mabuti at naghahalungkat sa isip kung pamilyar ba ang batang ito.
Negative. Napailing si Marnie.
"Bakit ako? Hindi ko kilala si Miggy. Sigurado akong ngayon ko lang siya nakita," aniya. "Saka hindi ko rin siya kilala," dagdag pa niya sabay lingon muli kay Salt.
"That remains to be seen. To be honest, this case is a bit weird. Ang tanging koneksyon lang na mai-establish natin ay parehong fortieth day of death ng mga taong mahalaga sa inyong buhay when you first met. But how is that possible?" Nakakunot na rin ang noo ni Charles.
"Kakailanganin n'yo pa ba ako pagkatapos ng araw na 'to?" Gusto na ni Marnie na makauwi.
"In as much as we'd like to release you from the trouble, kakailanganin pa rin namin ang tulong mo. Kung magbabalik si Salt sa pagiging Miggy, siguradong ikaw ang una niyang hahanapin," paliwanag ni Charles.
Napapikit sa disappointment si Marnie. "Baka hindi ako ang kailangan ninyo. Bakit hindi n'yo siya patingnan sa pari o kaya sa isang doktor?"
Napatayo si Salt, mabalasik ang hitsura. "And what are you insinuating?"
Tumayo rin si Marnie. "Bakit hindi mo itanong sa sarili mo? Wala ako dapat kinalaman dito pero dahil sa 'yo naaabala pati buhay ko."
"Iniisip mo bang intensyon ko'ng makasali ka dito?"
"Wala akong sinabing ganyan. Pero hindi kita kaanu-ano o kaibigan man lang para tulungan!"
"Kung ayaw mong tumulong, then feel free to leave! Walang pipigil sa 'yo!"
"Hindi ka talaga deserving na tulungan. Hindi talaga ako dapat na nagsayang ng oras para sa 'yo!"
"Teka lang, teka lang. Guys, please. You need to calm down. We are all adults here." Napatayo na rin si Denise. "Kuya, please try to tame your temper. Hindi siya nakakatulong," anito sa kapatid bago bumaling kay Marnie. "Marnie, I know this sounds too much to ask. Tama ka na wala kang kinalaman dito pero kung hindi natin matutulungan si Kuya, hindi tayo nakakasiguro na hindi ka madadamay ulit dito."
Natahimik silang lahat. Magkasabay pa silang padabog na naupo ni Salt.
***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!
BINABASA MO ANG
When Daddy Meets Mommy
RomantizmThe Wattys2018 Longlist Mahiwaga ang naging pagtatagpo nila. Tila wala sa sarili ang lalaki nang una niya itong makita. Subalit ang labis na ipinagtataka ni Marnie, kaboses ng lalaki ang namayapa niyang kasintahan. Higit sa lahat, Mommy ang tawag ni...