Her loss

1.1K 41 7
                                    

LINGID kay Salt, hindi lamang ito ang nagdaramdam ng mga sandaling iyon. Nagkulong na sa kanyang silid si Marnie matapos silang mag-usap ni Salt. Umiiyak si Marnie. Hirap na hirap ang loob niya na putulin ang magandang relasyong nabuo sa lalaki. Subalit kung patatagalin pa niya iyon ay lalo lamang siyang masasaktan sakaling dumating ang panahong kailangan na nilang maghiwalay.

She has to live with her decision. Kailangan na niyang lumayo kay Salt. Nahulog na ang loob niya sa lalaki, mahal na nga yata niya ito. Batid niyang walang buting maidudulot ang pagmamahal niya sa lalaki.

Tama si Ursula, magkaiba sila ng mundo ni Salt. Nanliliit siya na isiping isa lamang siyang simpleng kawani at wala man lamang siyang magandang posisyon sa kumpanyang pinagsisilbihan kumpara kay Salt na tila isang diyos sa sarili nitong kumpanya. Hindi sila bagay ni Salt at hindi nakatulong na marinig niya iyon mula sa isang kauri din ng lalaki.

Itinuring ni Marnie na pagsisimula ng isang bagong buhay ang sumunod na umaga. Pumasok siya sa trabaho, sumabay sa mga kasamahan at umuwi sa takdang oras. Dama niya ang kahungkagan ng bawat araw na dumaan. May pagkakataon na nagchecheck siya ng celfone upang tingnan kung may text na nanggaling kay Salt, nag-aanyaya upang minsan pa ay sabay silang kumain ng pananghalian. Subalit wala, tinupad ni Salt ang pangako na hindi na siya nito guguluhin.

Isang araw, napadaan si Marnie sa restaurant na madalas nilang kinakainan noon ni Salt. Doon din ang kainan kung saan una niyang nakilala si Ursula. Malapit na siyang makalagpas sa may pintuan ng restaurant nang makita niyang lumabas na magkasama sina Salt at Ursula.

Para silang natuklaw ng ahas na nagkatitigan ni Salt, si Ursula naman ay pasimpleng umabrisyete sa braso ng lalaki.

Nang makabawi ay lumayo na siya ng tingin at mabilis na muling naglakad, pakiwari niya ay may punyal na muling itinarak sa kanyang dibdib.



***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Follow me and I will follow you back. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

When Daddy Meets MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon