🌟The blur🌟

1.9K 68 21
                                    


"SIR, gising ka na po. Baka may makakita sa inyo rito." Boses ng isang matandang lalaki iyon.

Pamilyar ang boses subalit hindi niya tiyak kung nanaginip lamang ba siya.

"Ano'ng nangyari kay kuya? Bakit nandiyan siya?" Boses ng babae naman ang sumagi sa kanyang tainga.

Katulad ng naunang boses ng lalaki ay kilala rin niya kung kanino iyon.

Naramdaman niyang may kumakalog sa kanyang nakabaluktot na katawan. Patagilid siyang nakahiga, nakaharap sa kanan. Napilitan siyang magmulat ng mga mata.

"Bakit ba ang ingay ninyo?" Naniningkit ang kanyang mga mata, nakakunot ang noo. Bahagya pa siyang nasilaw sa liwanag na dala ng umagang iyon. Bahagya pa siyang napangiwi. Magaspang ang ibabaw na kumakaskas sa nakalantad na balat ng braso at balikat niyang nakadikit sa matigas na hinihigaan.

Ang matandang lalaki ang bumungad sa kanyang paningin. Ngunit bigla siyang napabalikwas ng bangon nang ma-realize ang kanyang kinaroroonan. "Ano'ng ginagawa ko rito?"

Naroroon sila sa labas ng kanilang gate. Nakahiga siya sa sementadong driveway. Nagpalinga-linga siya.

Nasa harapan niya ang matandang lalaking nakaasul na camisa de chino. Si Mang Nardo iyon, ang kanilang hardinero. Nasa bahaging likuran naman niya ang dalawang babae. Ang isa ay ang may-edad na ginang na naka-scrub-type suit na kulay rosas at ang isa ay nasa mid-twenties. Sina Yaya Miling iyon na kinalakhan na nilang kasambahay sa kanilang pamilya at si Denise, ang kanyang nakababatang kapatid na dentista. Naka-blouse na kulay itim at maikling white shorts lamang si Denise at nakalantad ang makikinis at mapuputi nitong hita. Malaki ang pagkakahawig nila ni Denise, parehas silang singkitin ang mga mata. Malaking bulas ang babae sa height nitong 5'6. Kumpara sa kanya, masayahin ang bukas ng mukha ng dalaga.

"'Yon nga rin ang itatanong namin sa inyo, sir," sagot sa kanya ni Mang Nardo.

Napatingin siya sa dalawang babae.

"Kuya?" narinig niyang usal ni Denise.

Tumayo siya at pinagpag ang dumi sa braso at katawan. Napansin din niyang nakapaa lamang siya. Naghahanap siya ng kasagutan sa mga naroroon pero pawang pagkalito ang nabasa niya sa mga mukha ng mga ito. They looked as perflexed as he did.

At dahil walang makapagsabi sa kung ano ang nangyari sa kaniya ay pumasok na siya sa loob ng bakuran. Mabibigat ang kanyang mga hakbang. Hinabol siya ni Denise.

"Kuya, what happened to you?" usisa nito at pilit siyang sinabayan sa paglalakad.

"I don't know," sagot niya.

"Naglasing ka ba kagabi?"

"I did not drink anything. Natulog ako nang maaga." Sigurado siyang iyon ang nangyari kagabi. "Did I ever sleepwalk?"

Sandaling natigilan si Denise. Ito naman ang tila naghalungkat sa isipan. "None that I can remember. But are you suggesting you probably sleepwalked?"

"Hindi ko alam, I need a bath." Parang naiirita siya na iniwanan ang kapatid.

Dumiretso siya sa kanyang silid, humarap sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Napakadungis niya. Marumi ang suot na sando at maalikabok ang suot na shorts. Pati paa niya ay maitim na maitim sa dumi. He was never this dirty.

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Naningkit ang kanyang mga mata.

Bakit kaya wala siyang maalala?

At para pa siyang nakakaramdam ng pagod. Pakiwari niya ay nananakit ang mga kalamnan lalo na ang sa binti. Naglakad ba siya nang malayo?

Damn it, usal niya sa sarili. Salt Sebastian, what exactly happened to you?

***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

When Daddy Meets MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon