"KUYA, you are beginning to scare me. This is the second time na doon ka natulog sa labas ng gate and you don't even remember how and why it happened!" Seryoso ang mukha ni Denise.
Nagising na naman siyang marungis at tila pagod na pagod, may mga maliliit na galos pa ang kanyang paa.
Nasa salas silang magkapatid, hindi pumayag si Denise na hindi pag-usapan ang nangyayari sa kanya.
"I cannot remember a thing. The last I can recall was that I went to bed to sleep," matapat na sagot niya.
"What's going on with you, Kuya?"
"I don't know. Am I going nuts?"
"Of course not, Kuya. Wala sa pamilya natin or relatives na may ganoong case. But I think we have to consider the possibility of you sleepwalking."
"Sa tingin mo, I did sleepwalk?"
"I cannot tell. I am just merely suggesting the possibility. I might call Charles and ask him to drop by if you won't mind," ani Denise.
Si Charles ay malapit na kaibigan nila at isang psychiatrist.
Nakaramdam ng stress si Salt. Naiinis siya na parang helpless ang kanyang sitwasyon dahil kahit sa mga sandaling iyon ay wala siyang maalala kung ano ang nangyari sa kanya.
Hindi siya umalis ng bahay. Tanghali na nang dumating si Charles at matapos silang mag-lunch ay nag-usap-usap sila sa may pool area.
"You are not going to treat me like one of your patients who lost their marbles, are you?" Sa bilugang mukha ng kaibigan diretsong nakatingin si Salt. Gusto niyang maging malinaw ang usapan. May stigma para sa kanya ang pagkonsulta sa isang psychiatrist.
Nagpakawala ng mahinang tawa si Charles. Katulad nilang magkapatid, mestisuhin din ang lalaki ngunit mas pinoy ang facial feature nito. Matangkad si Charles ngunit hindi kalakihan ang pangangatawan nito. "Bro, I am here as a family. And whatever I do with my patients, I treat them with confidentiality. Isipin na lang natin na gaya lang ito ng regular nating kuwentuhan."
"May dapat ba akong ikatakot?"
"For now, hindi pa natin nae-establish kung ano talaga ang nangyayari sa 'yo. But there's no need to waste your energy in worries. Things are going to work out fine. I have known you since our childhood days, you have a very strong personality."
"Ano'ng dapat kong gawin?"
"Well, as I've said. Kailangan ko ng information about the possible cause although I'd like to think that the recent event might be a factor."
Kunut-noong nakikinig si Salt. Naiinis siya na kailangan niya itong pagdaanan.
"Would you remember if your mom and dad or anyone in the family had any history of sleepwalking?" Silang magkapatid ang tinatanong ni Charles.
"Wala akong naaalala na nangyari 'yan kina Mama at Papa o kahit kina Lolo at Lola. But to be sure, puwede mo din sigurong tanungin sina Yaya Miling at Mang Nardo. Baka mas may idea sila sa amin ni Denise."
"I agree with Kuya," segunda ni Denise.
"In both episodes, they happened without the influence of alcohol, or drugs or any medication, right?"
Tumango si Salt. "I am way past drinking, and I never used any drugs or medications. I exercise on a regular basis and have no trouble sleeping."
Matamang nakikinig si Charles. "About your family . . . how are you coping up?"
"I love my son like I love my life. Hindi madali no'ng nawala siya sa akin. But I cannot wallow in misery because I still have a life to live. I still have Denise here and a company to manage. My son will not be happy kung papabayaan ko ang sarili ko."
Tumangu-tango si Charles. Marami pa itong itinanong kay Salt. Naging honest siya sa pagsagot sa mga tanong nito. Natapos ang pag-uusap nila na walang kalinawan kung ano ang posibleng sanhi ng dalawang insidente na tila ay nawala siya sa sarili. Subalit napagkasunduan nila na mag-install siya ng CCTV sa kanyang silid upang ma-monitor at mapatunayan ang katotohanan sa pag-i-sleepwalking niya.
Tatlong araw ang lumipas bago muling naulit ang unconscious na paglalayas ni Salt.
***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!
BINABASA MO ANG
When Daddy Meets Mommy
RomansaThe Wattys2018 Longlist Mahiwaga ang naging pagtatagpo nila. Tila wala sa sarili ang lalaki nang una niya itong makita. Subalit ang labis na ipinagtataka ni Marnie, kaboses ng lalaki ang namayapa niyang kasintahan. Higit sa lahat, Mommy ang tawag ni...