A threat

1.2K 42 40
                                    


SI Ursula marahil ang huling taong maiisip ni Marnie na bibisita sa kanya sa upisina. Bago magtanghalian ay dumating ito. Hindi niya batid kung paano nito nalaman kung saan siya nagtatrabaho. Hinintay siya nito at inaya na lumabas para magtanghalian. Pumayag naman siyang sumama dito. Eksakto din na may site inspection daw si Salt sa Cebu at dalawang araw itong mananatili doon.

"You forgot to take your ID off the last time you went out with Salt," paliwanag ni Ursula nang mag-usisa siya. Naroon na sila sa isang restaurant na malayo sa upisina nina Marnie. Ginamit nila ang kotse ni Ursula upang makarating doon.

Ismarte din itong si Ursula, naiisip ni Marnie. Ang hindi niya maisip ay kung ano ang layunin ng pagkikita nilang ito.

"To be honest, most of my friends are not here, sa abroad na sila naka-based. Tanging si Salt na lamang ang naiwan sa mga taong malalapit sa akin. But obviously, hindi na kami katulad ng dati."

"Bakit mo ito sinasabi sa akin?" usisa niya.

Makahulugang tinitigan siya ni Ursula.

"I am not sure what's between you and Salt. Pero sa tingin ko ay malapit ang loob niya sa 'yo. Few days ago, nakipagkita sa akin si Salt. He told me gusto niyang malaman kung pupuwede pa naming ibalik ang katulad ng dati."

May kirot siyang naramdaman sa dibdib.

"So, are you and Salt dating?"

"H-ha? No!" maagap na tanggi niya sa babae.

Tila sinusuri ni Ursula ang katapatan sa sagot niya.

"Good," anito. "Naguguluhan ako sa intention ni Salt. Gusto niyang magkabalikan kami and yet I thought nakikipag-date naman pala siya sa iba. He tends to be defensive to hide his guilt kapag nahuhuli sa akto. But at least malinaw na sa akin ngayon. I almost doubted his sincerity."

"Magkaibigan lamang kami ni Salt," pahayag pa niya.

"I find it weird na babae ang malapit na kaibigan ni Salt. Kilala ko siya, he barely hangs out with just any girl for friendship. Kaya hindi mo siguro ako masisisi kung nagdududa ako sa kaugnayan mo sa kanya."

"Mas makakabuti siguro kung si Salt na lamang ang kausapin mo," suhestyon niya.

"Right. Kakausapin ko din si Salt tungkol dito. Tama lamang naman na kung gusto niya kaming magkabalikan, dapat ay maging honest siya sa akin. We are trying to salvage whatever is left of our five-year relationship."

Dumating ang inorder nilang pagkain. "Let's eat," sabi ni Ursula.

Tila nawalan ng gana si Marnie na bahagyang nililikot lamang ang pagkain.

"Hindi mo gusto ang food? We can order another if you want."

"No, it's okay," mapakla ang ngiting sabi niya sa babae. Pinilit niyang lunukin ang pagkain. Bakit ba parang kulang iyon sa asin?

"Can you do me a big favor, Marnie?"

Nakatingin siya sa magandang mukha ng kaharap.

"Can you stay away from Salt?"

Napalunok si Marnie, kapagkuwa'y ang sabi, "Kailangan mo talagang kausapin si Salt."

Bumuntung-hininga si Ursula, "I am beginning to think na talagang may relasyon kayo na higit pa sa pagkakaibigan."

"Sinabi ko na, wala kaming relasyon."

"Then you know exactly what must be best for your friend Salt. He is trying to make up to me at hindi makakatulong kung nandiyan ka," diretsahang sabi ni Ursula. "Or baka naman may tagong interest ka din sa boyfriend ko?"

Tuluyan nang nawalan ng gana si Marnie. Obvioulsy ay walang plano si Ursula na i-treat siya ng pananghalian.

"Sana ay maintindihan mo ako. Call me selfish, possessive or a jealous girlfriend. Pero minsan nang nawala sa akin si Salt and I don't intend to lose him the second time around. Mahal pa rin namin ang isa't isa. Tatanawin kong malaking utang na loob kung lalayuan mo si Salt. Isa pa, I doubt na may interes sa 'yo si Salt. When he married Trixia, not that he had another choice, hindi naman ako nagtaka. Trixia belonged to an equally influential family . . . if you know what I mean."


***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Follow me and I will follow you back. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

When Daddy Meets MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon