SA ikatlong pagkakataon nga ay naulit ang pagkawala sa sarili ni Salt. Matapos siyang gisingin ni Mang Nardo sa labas ng kanilang gate ay dali-dali siyang pumasok ng bahay at nirebisa ang recording sa CCTV sa nakaraang magdamag. Sinimulan niyang panoorin sa parteng humiga na siya sa kama, unti-unti ay nag-fast forward. At namalas niya roon ang kanyang pagbangon, pagsiksik sa headboard na tila natatakot at naguguluhan, maya-maya pa ay maingat siyang bumaba ng kama at nawala sa monitor.
Ch-in-eck din niya ang recording ng isang CCTV na naka-install sa labas ng bahay nila. Nakita niya ang sarili roon na mabilis na naglalakad patungo sa gate at tuluy-tuloy na lumabas. Isa pang CCTV ang nasa labas ng bakuran nila at nakita niyang tumatakbo na siya palayo. Ilang oras ang naging pagitan noon bago muli niyang nakita na naglalakad na siyang pabalik at bigla na lang bumagsak sa harapan ng gate nila.
Hindi lumipas ang araw na iyon na hindi niya naipakikita kina Denise at Charles ang recording.
"For now, we can assume you were sleepwalking when that happened. Although I have to consider other possibilities," deklara ni Charles.
"Can I start to worry now?" aniya. Hindi nakatulong na tila walang pag-aalala sa anyo ng kaibigang psychiatrist. "This is disturbing! I have no idea where I went."
"Sleepwalking puts you in an altered state of consciousness so you are not aware of what you're doing," paliwanag ni Charles.
"So how do we stop this?" nag-aalalang tanong ni Denise.
"There is no cure for sleepwalking but it can be managed, that's the way to stop it. Kailangan lang nating ma-pinpoint kung ano ang nagti-trigger para magkaroon ka ng episodes. Wala sa family history n'yo na nangyari ito. You were neither drunk nor under the influence of any drugs so I am trying to look at stress as a possible factor."
"Stress? Seriously, now more than ever nai-stress ako knowing something is wrong with me. If this is brought about by stress, bakit ngayon lang ito nangyari? I lost Mom and Dad and Lolo and that caused me stress you could never imagine. I became the chairman of the company without a choice and I had to deal with all those stress and yet these things never happened before." Naniningkit na naman ang mga mata niya.
"I will try to dig deeper into this matter, Bro. So you just need to calm down and never think too much about this." Naroroon pa rin ang kapanatagan sa tinig ni Charles.
"Be honest with me? Like what other things do you exactly have in mind?" Namumula na ang pisngi ni Salt. Bakit ba wala pa ring kalinawan kung ano itong pinagdadaanan niya?
"Kuya, relax ka lang." Si Denise ay maagap na lumapit sa kanya. Hinagod nito ang likuran niya
"I haven't anything in mind. Masyado kitang kilala para mag-isip ng kung anu-ano. I personally doubt the possibility."
"And what possibility are you talking about? Am I becoming sick in the head?"
"Bro, please. Hindi ka nasisiraan ng ulo so dismiss that very thought. For now, just trust me. This is a process and we cannot come up with a sound decision overnight. And I want you to focus more on the happier memories and be more optimistic about the present and the future. That's the first step to help your self. Puwede ba 'yon?"
Hindi na sumagot si Salt. Ang alam niya ay kinakaya naman niya ang mga masasamang nangyari sa kanya nitong nakalipas na araw, buwan at taon. Kaya hindi siya makumbinsi ni Charles sa ngayon na makakatulong kung tututok siya sa mga masasayang alaala sa kanyang kahapon.
***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!
BINABASA MO ANG
When Daddy Meets Mommy
RomanceThe Wattys2018 Longlist Mahiwaga ang naging pagtatagpo nila. Tila wala sa sarili ang lalaki nang una niya itong makita. Subalit ang labis na ipinagtataka ni Marnie, kaboses ng lalaki ang namayapa niyang kasintahan. Higit sa lahat, Mommy ang tawag ni...