🌟His first love🌟

1.2K 48 64
                                    

DALAWANG linggo na rin mula nang maging regular ang pagkikita nila ni Marnie. Sa unang linggo ay palagi silang magkasama sa tanghalian. Nitong nakaraang linggo naman ay nagmagandang-loob siyang ihatid pauwi ang dalaga kung nagma-match ang iskedyul nila. Tingin ni Salt ay naging palagay na ang loob ng babae sa kanya.

Isang bagay na hiniling ni Marnie sa kanya ay ang iwasan na ang pagpapagapos tuwing gabi bagamat patuloy pa rin na nagrerelyebo ang mga kasambahay sa pagbabantay sa kanya. Sa loob ng dalawang linggong iyon ay nagigising si Salt sa sariling kama, walang palatandaan na nagbalik siya sa pagiging Miggy.

Nasa bahay lamang si Salt isang araw ng Sabado. May sariling gym siya sa loob ng bahay at nagpapapawis sa treadmill nang kumatok si Oday. May bisita raw siya.

"Si Ma'am Ursula po, sir," sagot ni Oday nang tanungin niya kung sino. Kilala na ng kanilang mga kasambahay kung sino ang babae.

Natigilan si Salt. Ilang taon na ba noong huli niyang nakita si Ursula? Mahigit anim na taon na rin yata.

Dapat ba siyang maging masaya? Napailing si Salt. Biglang naging matigas ang kanyang anyo.

Pinunasan muna niya ng tuwalya ang pawis bago lumabas sa gym. Nasa visitors receiving area ang babae. Nakatalikod ito at nakatitig sa malaking portrait ng kanyang lolo na nakasabit sa dingding. Simple pero elegante ang pananamit ng babae. Nakalantad ang magandang hubog ng katawan nito. Kahit nakatalikod ay hindi maitatanggi ni Salt na napaka-sexy pa rin ni Ursula.

"What a surprise!" tawag ni Salt sa atensyon ng babae bagamat kulang sa emosyon ang pagkakasaad niya.

Dahan-dahan ay pumihit si Ursula, tila aral ang bawat kilos. Kumurba ang mapupulang labi nito nang magtama ang mga mata nila. "You never seemed to change. Hindi ko pa rin mabasa kung masaya ka ba o hindi sa muli nating pagkikita."

Ngayon lamang niya muling narinig ang tila malungkot na boses ni Ursula, tila palaging humahagod kung  magsalita ito. Marahan, maingat. She had that monotonic voice which used to sooth him before.

"Should I be happy?"

Suwabe ang ingay na nalikha ng pagtatagpo ng takong ng stilletos ni Ursula at ng marmol na sahig. Nagwakas ang ingay nang direktang nasa harapan niya ang babae. Inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha sa pagtatangkang halikan siya sa pisngi ngunit umiwas si Salt.

"Hindi ka pa rin ba nakakapagpatawad? I think pareho lamang naman tayong may kasalanan sa isa't isa."

"Hindi ako ang nang-iwan." Sa kawalan nakatingin si Salt, blangko ang ekspresyon ng mukha.

"Matagal na 'yon, Salt. Ilang taon na ba ang nakalipas? And don't forget na pagkatapos kong umalis, you never made any effort to clarify things with me. Tatlong buwan na wala tayong communication only for me to find out na magpapakasal ka na kay Trixia. Five years of our relationship went to waste, ganoon mo na lamang iyon kabilis itinapon." Naglaho ang kislap sa mga mata ni Ursula.

"Kung hindi mo ako iniwan, hindi mangyayari 'yon."

"You are forcing me to marry you. Sinabi ko sa 'yo na hindi pa ako handa. Pine-pressure na ako kahit ng family ko so I had no choice but to leave."

"So what brought you back here?"

Humugot nang malalim na hininga si Ursula. "Kasalanan ba na gustuhin kong muling makita ang taong mahalaga sa akin?"

Umarko ang mga labi ni Salt. "Mahalaga? I think kailangan mong alamin kung ano ang tamang depinisyon ng mahalaga para alam mo rin ang dapat mong ginawa sa taong mahalaga sa iyo bukod sa iwanan sa ere."

"Hindi kita iniwan sa ere. Ipinaliwanag ko sa 'yo na may mga gusto pa akong gawin sa buhay, may mga pangarap pa akong gustong abutin at hindi ko 'yon magagawa kung magpapakasal ako sa 'yo."

"Noong araw na iniwan mo ako, I had no idea kung ano ba talagang relasyon ang meron tayo. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin na tinanggihan mo na ang proposal ko, iniwanan mo pa ako. Masakit na ipinagpalit mo ako sa pangarap mo. Call me selfish pero alam mong gustong-gusto na kitang makasama noon. Nangangarap na ako ng isang pamilya na kasama ka. But you left me completely broken."

Napayuko si Ursula. "I'm sorry. Tama ka, mali nga ang ginawa ko. Pinagsisihan ko 'yon after hearing of your wedding. Hindi ko rin alam kung saan ako mag-uumpisa. Hindi ko inasahan na ganoon ka kabilis na magi-give up sa akin. I died the day you married Trixia. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ako umalis. Pero huli na ang lahat. Nawala ka na sa akin. Wala na akong dahilan pa para bumalik.

"Nagbalik ako ngayon dahil gusto kong mawala na ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Gusto kong humingi ng tawad sa 'yo. Gusto kong sabihin na sa loob ng mahabang panahon ay hindi ako nagmahal ng ibang lalaki. Gusto kong sabihin na imposible man ay umaasa akong isang araw ay magbabalik ka sa akin. Mahal na mahal pa rin kita." Tumulo ang luha sa mga mata ni Ursula.

Tila tumigil ang pag-inog ng mundo sa pagitan nilang dalawa. Walang nais na magsalita. Walang nais na kumilos.

"I am stooping this low, hoping for another chance at love with you."

Sa malayo pa rin nakatingin si Salt.

"I guess it is all too late for me to do this. I am sorry."

Pinahid ni Ursula ang umaagos na luha at saka mabilis na naglakad palayo kay Salt.

Naiwang natitigilan ang binata. This was the girl she had a long time intimate relationship with. Siya ang babaeng nakahanda niya noong pakasalan sa lahat ng simbahan. Siya ang babaeng bubuo sa kanyang mundo.

Bumigat ang paghinga ni Salt. Seeing Ursula left in tears tore a part of him. He used to despise Ursula when she left years ago. Ganoon pa rin ba ang damdamin niya?

Parang nanlambot ang kanyang mga tuhod. Humakbang siya sa mahabang sofa at ibinagsak ang katawan doon.

***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

When Daddy Meets MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon