NATULIG si Salt sa lakas ng sampal sa kanya ng babae. Inatake na naman siya tuloy ng init ng ulo. Nagniningas ang mga mata niya, naniningkit sa galit.
How she dared, ipinahiya siya nito sa harap ng mga dumaraang tao. Pinagtitinginan tuloy siya.
Nilingon niya ang babae, gusto niya itong habulin ngunit huli na dahil nagmamadaling sumakay ito ng taxi. He got so overwhelmed by the force of her slap he seemed glued to where he stood.
He did the right thing. Ayaw na ayaw niya sa mga babaeng lantaran kung magpakita ng motibo. Sigurado siyang may intensyon ang babae kung bakit ito sumunod sa kanya.
Sayang, maganda ang babae. Kahit sa simpleng kasuotan nitong polo shirts at jeans ay makikita ang kaseksihan.
Parang gusto niyang marahas na halikan ang tila kaylambot nitong mga labi. Gusto niya itong yakapin at ikulong sa kanyang mga bisig. Tuturuan niya ito ng leksyon dahil sa ginawang pagsampal sa kanya. Kung hindi nakatalilis ang babae ay baka hindi niya napigilan ang sarili.
Sayang pero hindi niya talaga tipo ang mga ganoong babae. Ang lagkit ng tingin nito sa kanya. Umiiwas pa kunwari ng tingin kapag nahuhuling nakatingin sa kanya.
She might be a turn-on but a turn-off at the same time.
Served her right, sabi ni Salt sa sarili. Mainit na kanina pa ang ulo niya ay mas pinagrabe pa ng babaeng iyon.Pero sayang talaga, naiisip ni Salt. Malakas ang dating ng babaeng iyon. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng relasyon o pumatol sa kahit na sinong babae sa panahong kasama niya ang asawa. Kahit pa nga hindi nila nako-consummate ang kanilang married life ay nagawang magpigil ni Salt.
Subalit ngayong iniwanan siya ni Trixia, may pangangailangan siyang matutugunan lamang ng kalahi ni Eba. Puwede na sana ang babaeng iyon.
Ipinilig niya ang ulo. What was he thinking? Bakit ba masyado yata siyang naapektuhan ng babaeng iyon? Ngayon niya lamang ito nakita and she might just be one of those random girls na darating sa buhay niya at magpapakita ng interes sa kanya.
Bumalik siya sa upisina na dala ang init ng ulo at nakarehistro ang magandang mukha ng babaeng nakaengkwentro.
***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!
BINABASA MO ANG
When Daddy Meets Mommy
RomanceThe Wattys2018 Longlist Mahiwaga ang naging pagtatagpo nila. Tila wala sa sarili ang lalaki nang una niya itong makita. Subalit ang labis na ipinagtataka ni Marnie, kaboses ng lalaki ang namayapa niyang kasintahan. Higit sa lahat, Mommy ang tawag ni...