LATE NA PUMASOK SI Aidelyn. Report pa naman ng grupo niya. Nahiya tuloy siyang nakayuko pa ng pumasok sa klase. Mabuti na lang at isang considerate na professor si Ms. Guada Alcobar.
"Good morning, ma'am, sorry for my being late." Apologetic si Aidelyn. Sino ba naman kasi ang magigising ng maaga sa pagiging abala niya online kagabi dahil sa nag-viral na video. Halos hindi niya nga naubos ang pagbasa sa sobrang dami niyang encouraging and bashings na messages.
"So, Ms. De Ocampo, you're 20 minutes late. Your classmates are having a good topic about foundation of a family. Your group had a good report."
"Naku ma'am, viral po 'yan kagabi kaya napuyat." Pambubuko ng kaklase niyang lalaki. Nagtawanan tuloy ang halos lahat.
"Okay, stop it class. Ms. De Ocampo, you may not able to listen to your classmate's report about your topic. But do you have any insights?"
Tumayo si Aidelyn para sumagot at humarap sa klase. Kampante siyang nagsimula kahit na ba hindi niya napaghandaan ang araw na iyon.
" Good morning ma'am. About our group's topic which is the foundation of... "
Natigilan si Aidelyn. Tila may pamilyar na mukha siyang napansin sa loob ng klase. Halos matulala siya sa nakita. Hindi niya inaasahan na naroon din sa loob ng kanilang klase si Tristan na kagabi lang ay naka-chat niya. Pagkakaalam niya ay last subject niya ang itinanong ng binata kagabi. Hindi niya akalaing sa first subject ito makikita at sa loob pa ng klase. Nahalata tuloy siya ng kanyang mga kaklase at kita ng mga ito na nakatitig siya sa guwapong binata. She was caught terribly mesmerized sa presence ni Tristan.
Kinantiyawan na naman tuloy siya sa klase. "Wow, ma'am si Aidelyn, natulala kay Tristan. Guwapo ba ha?"
At para bang tinutudyo din siya ni Tristan na inilabas naman nito ang kakaibang ngiti. Normal lang ang ngiting iyon pero parang nakukuryente ang dalaga sa mga titig nito sa kanya. Para ngang huhubaran siya ng binata na tila hindi yata marunong kumurap.
Tawanan na naman sa loob ng klase. Halos mamula tuloy siya sa hiya. Halos isang minuto din siyang nakatayo lang at hindi makapagsalita.
"Class stop it. Ms. De Ocampo, Mr. Torres sit in for today because he has his basketball practice in his original schedule of the same subject later. Just continue."
" Okay ma'am, sorry." medyo kabado pa ding sagot niya. "Today, i am going to give my insight of how life is with having the best foundation of a family. We all know that a family is composed of a father, a mother and their children. What made a family intact is the love that binds them. It was in the book of the "Humanities of Mankind" that in order to keep the love in the family, its foundation should start from the parents. That said, it has to start from the time they were still single and were starting to raise their own family. Love is the foundation of every relationship and creating good communication, team building and respect to each other, thus creating a loving family that will last a lifetime."
"Good insight, Ms. De Ocampo. Is there any question?" tanong ni Ms. Alcobar.
Napataas ng kamay niya si Tristan. Halos mapatingin tuloy ang buong klase sa binata at inaabangan ng mga ito ang kanyang sasabihin.
"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, Have you been inloved?"
Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan.
"Nagka-boyfriend ka na ba? Or may boyfriend ka ba ngayon?" ulit ng guwapong binata. Nasa mukha nito na asam na sagutin niya ang tanong ng guwapong binata.
"How does your question related to our topic, Mr. Torres?" Kampanteng balik-tanong ng dalaga.
"Well, I ask because you incorporate your report based from the books to something that I believe your personal views. Paano kami maniniwala, or to be very honest with you, paano ako maniniwala that your facts ay naaayon talaga sa iyong sariling paniniwala ng hindi mo pa naman ito nararanasan?"
Nagkatawanan na naman at halos kiligin uli ang buong klase.
"I searched everything I learned, Mr. Torres." matapang niyang sagot.
"That doesn't mean it is, Ms. De Ocampo. A truthful reports which we based from the book should be accompanied by your own experience or reality that you can share with us not from someone else's experience."
"So what do you think is really wrong with my report, Mr. Torres? Which is not real and just from someone else story? Can you tell me? Can you be specific?" medyo asar na si Aidelyn.
"Just the experience, Miss. I am not satisfied with your validation of proof. Gusto kong bigyan kita ng experience!" confident na sabi ni Tristan. Nasa mukha nito ang panunukso sa dalaga but he is indeed true to his words. He is so much into her. Just like any other varsity player and heartthrob na malakas ang presenya at maabilidad, Tristan is very sure of his moves.
Lalo pang nagkatawanan sa loob ng klase. Sinasaway na tuloy sila ni Ms. Alcobar na halatang kinikilig din sa dalawa. " Class, stop it. Let us focus on Mr. Torres's question to Ms. De Ocampo."
Saka buong tapang na kinausap ni Tristan ang buong klase. "Listen, with your consent and knowledge, iniimbita ko ang inyong magandang kaklase for a coffee break. Isang simpleng meeting for us to know each other and let's see what happens next as how usual couples do on their first time meeting. By that I would only believe everything you have reported Ms. De Ocampo."
Muli na namang nagkagulo ang buong klase. Halos matunaw na naman ang dalaga sa hiya.
"Wag kang mag-alala Tristan, sagot namin 'yan! Kumpare ng tatay ko ang erpat ni Aidelyn." Pambubuska pa ng kaklaseng lalake ni Aidelyn.
"Gora na Aidelyn, hot kaya ni Tristan. Pag ako lang 'yan baka bumigay ako agad. Take two agad-agad." sabad ng isang kaklase niyang babae na ikinatwa na naman ng lahat.
Hindi tuloy niya malaman ang isasagot. Hayun at tiningnan na naman siya ni Tristan at kagat pa ang labi ng binata na sumilay na naman ang mapanggayuma nitong ngiti. Halos nakanganga pa ang kanyang mga kaklase na hinihintay ang kanyang isasagot.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Please comment, vote and share :)
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...