The Real DMask

34 0 0
                                    


"WELCOME TO MY most favorite place on earth."

 Gaya nung una silang lumabas, sa Tagaytay dinala ni Martino si Aidelyn. Espesyal kasi ang lugar na iyon sa binata noong buo pa ang kanyang pamilya. Mas lalo iyong naging espesyal dahil doon din nito unang dinala si Aidelyn nang sila ay magkakilala sa casting agency ng commercial.

"This is the most meaningful moment in my life Aidelyn. And this place. Kung nasira man ang aming pamilya noon, unti-unti nang nabubuo iyon ngayong nakilala kita. And i want this place to witness my happiness with you in my life."

Halos mangilabot ang dalaga sa narinig. Confirmation iyon na bahagi na talaga siya ng buhay ng binata kahit pa man di pa niya ito sinasagot. Ganoon ang pagpapahalaga nito sa kanya. 

Saka mataman niyang tiningnan ang mukha ng guwapong binata. May bakas pa din ng konting pamamaga dahil sa pakikipagsuntukan nito kay Dimas kanina.

"Bakit DMask? Bakit 'yun ang ginamit mong username, Martino? Bakit kailangan mo akong kausapin sa ibang pangalan gayong nakakausap mo naman ako ng personal?"

Malumanay lamang ang pananalita ni Aidelyn. Hindi siya galit sa binata. Halos lahat naman kasi ay gumagamit ng alyas at ilang account sa internet world at hindi naman ito nagsinungaling sa kanya. Naunahan lamang ang binata ng sariling pagkakamali ng dalaga sa katauhan ni Dimas.

"Bata pa ako ay paborito ko na si Zorro. He was my childhood superhero. Kapag naglalaro ako, ginagamit ko pa ang tuwalya ko at ginagawa ko iyong kapa to feel the real Zorro in me." saka nangiti ang binata habang inaalala ang kanyang kamusmusan, "I have never liked Superman, Spiderman and those kind of superheroes. For me, a real living man behind the black suit is the real hero. Prone sa hirap. Prone sa tama ng bala. Sa talas ng espada. Mas may buhay at mas realistic. I don't like superficial superheroes."

Sa malayong kawalan nakatanaw ang binata. Kung pakikinggan mabuti ang pananalita ni Martino, dama mo ang pait sa dibdib nito. Ni hindi nga magawang umiwas man lang ng tingin ng dalaga, pakiwari n'ya, bawat salitang binibigkas ng binata ay sobrang mahalaga.

"I live in a life being dreamed by many. They look up to me because of my family. Naiisip nilang gaya din kami ni Zorro dahil pulitiko ang daddy ko and he helps them so we are also hero to them. They adore him and mom. But others don't know, they can not grant their own son's one little wish of having a happy family. And being a hero failed in me too as i have never depended you against the guy in the coffee shop. Tristan saved you. Now i am ashamed if i will ever dream of becoming someone like Zorro after the kapalpakan kanina."

"Hindi Martino. Sapat na sa akin ang ipinakita mong tapang. Ikaw ang unang nagtanggol sa akin. At iyon ang mahalaga."

"Do you know na nung bata pa ako, halos lahat ng Zorro items pinabibili ko kina mommy? Ang dami kong collections noon. Actually nasa bahay namin 'yon pero nung bumukod ako at tumira sa condo, wala ako ni isang nadala. Siguro nagising na rin ako one day na i have to stop dreaming of being a hero. Siguro mas nanaig sa akin ang makitang buo muli ang pamilya ko. O baka hindi ko na naisip pa dahil hindi talaga bagay sa akin ang maging Zorro kundi mas bagay sa kapatid ko."

Bahagyang nagulat si Aidelyn sa narinig. Hindi kasi niya alam na may kapatid pa si Martino.

"Kapatid? Mula nung makilala kita noong nagsimula kang maging commercial model sinundan ko na ang buhay mo. Hindi ko nabasang me kapatid ka Martino."

Halos lumusot sa kanyang kaluluwa ang mga titig ng binata. Naroon ang pait. Ang timping hinanakit.

"Bata pa kami ay hindi na kami magkasundo. Siguro ay dahil hindi kami lumaking magkasama. At dalawang beses lang kami nagkita. Sa dalawang beses na iyon kung saan lumabas kami ni dad dahil birthday ko at isinama siya, ni hindi na kami magkasundo. Could you imagine, noong binilhan ako ni Daddy ng limited edition ng Zorro merchandise, nag-away kami ng batang 'yon dahil paborito din pala niya si Zorro. At dahil bihira lang siyang makasama ni daddy, sa kanya ibinigay ang laruang 'yon dahil puwede naman daw akong bilhan anytime na gustuhin ko. I hated that kid since then. Alam kong galit din s'ya sa akin and we never liked each other."

"Nasaan na siya ngayon?"

Walang maapuhap na sagot si Martino pero ang mga mata nito ay puno ng hinanakit. Saka inilayo nito ang paningin kay Aidelyn at napatingi na muli sa malayong kawalan. Animo na-konsensya ang dalaga. Tila may pagsisisi kung bakit niya naitanong iyon.

"I-I'm sorry Martino. Hindi ko na sana naitanong iyon. Siguro ay masaya na siya kung saan man naroroon ang kapatid mo."

"DMask is my official account in social media. I love Zorro and i love black mask. Bibihira ko iyong ginagamit sa social media dahil tinatago ko ang privacy ko. My other account Martino Cuerva ay isang fan-made account. Iyon kasi ang alam nilang account ko to reach out to me and to reach out to them too. Thanking for their support. Hindi ko iyon nasabi sa 'yo noon but i hope you understand."

"Wala akong dapat ikagalit Martino. Ang totoo'y masaya ako na malamang ikaw pala ang nakakausap ko online. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat."

"Salamat. Now i can sleep on my bed without being worried hiding someone a fact." At napangiti na ang guwapong binata.

"May isa pa sana akong gustong malaman." atubiling banggit ng dalaga.

Napangiting napamaang ang binata na nasa himig pagbibiro, "Ano 'yon? Ikagugulat ko ba?"

"Ikaw si DMask dahil paborito mo si Zorro kaya 'yun ang username na gamit mo. Ikaw din ba si Zorro sa blogger's party noon?"

Seryoso ang mukha ni Aidelyn sa kanyang pagtatanong bagaman atubili iyon. Kinakabahan nga siya sa maaaring isagot ng binata. Na may pilyong ngiti kong sasagutin ba ang kaharap na dalaga.

"I was invited. And i attended with my Zorro stuff."

Napamulagat si Aidelyn sa narinig. Halos maglulundag nga siya sa tuwa. Na hindi namalayang nayakap na pala ang binata ng mahigpit. Natawa naman si Martino sa reaksyon ng dalaga. Hindi na nito naawat ang pagkakayakap ng dalaga. But he was gentleman enough not taking advantage in her action. 

Wala na ngang pakialam pa si Aidelyn sa kanyang kilos. Basta ay natuwa siya na ang iniidolong modelo pala talaga ang lalaking nakakuha ng kanyang unang halik. Ngayon ay masasabi niyang isang memorable event ang nangyari sa kanya sa blogger's party dahil sa pag-amin ng iniidolong si Martino.

"Hindi kita pipilitin kung kelan mo ako sasagutin. I am giving you time to think kung ako ba talaga ang gusto mo. Kung karapat-dapat ba akong maging boyfriend mo. But please accept my my offer. Nalaman ko kay Edina na malapit na pala ang birthday mo. May espesyal akong regalo sa 'yo, Aidelyn. Sana ay hindi mo ako biguin."

Hindi makaimik ang dalaga. Nahihiwagaan siya kung ano ba ang sorpresang iyon ng binata. Sa mukha nito, sinsero iyon at dama mo ang kabutihan ng puso. Halos tila tuloy siya ay nakaapak sa alapaap dahil sa sobrang saya na kanyang nararamdaman.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please leave comment, follow and share

My Online Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon