The Approval

28 0 0
                                    


"WELL, IT SEEMS MY handsome son is having so much fun these days. And where have you been?"

Usisa ng sosyalera at dating artista na si Divina La Diva Cuerva sa anak na si Martino. Nakagayak ito ng mamahaling couture ni Michael Cinco. Sa Dubai n'ya pa ito binili ng magbakasyon doon ang maganda pa ding ina ng binata noong isang buwan. Her taste in dresses will always make a statement. She is definitely a fashion icon.

"I am always happy and having so much fun, 'mom. Mukhang me lakad ka? And who's the lucky guy?" Nakangiting panunudyo ng guwapong modelo sa ina.

"E di sino pa, kundi ang daddy mo lang naman. He's coming over as we need to go together para sa dinner ng partido nila para sa line up for the next election. You know, to make believe that we're still a family because he's the front runner in the coming election. Isa s'ya sa pinagpipilian para kumandidatong presidente or bise-presidente. But you know me my dear son, i won't settle for the vice-presidency for your dad, he's over qualified for the presidency. Malay mo kung manalo s'ya, pwede pang mabuo ang pamilya natin muli. I was born to be a first lady. Matagal ko na 'yang pinaghandaan. So maybe you could help us. With your charm and kasikatan, you're a big asset sa campaign for the coming election."

Napangiti na lang si Martino. Mukhang may chance pa pala ang pangarap niyang mabuo muli ang kanyang pamilya sa  narinig. Bagaman ang lahat ay halos pagkukunwari.

"Of course you look wonderful, mom. Definitely a first lady in the making." saka yakap ng mahigpit sa ina.

"Is that being honest or you need something like a favor? I heard na pina-block mo daw ang Pavilion next week according sa secretary ng daddy mo na si Marichu? Pati schedule namin pina-reserve mo din sa date na 'yon. Is it very important?"

"Very! And i would be very happy if you two could be there on that date. And there's nothing you can do but be there." ani Martino na yakap pa din na naglalambing sa ina. 

"And then tell me."

"Mom, i am in-love. Your son is in love with this girl, this very, very special girl and i want you and dad to meet her."

"Then why don't you invite her to have dinner with us?"

"Because it is her birthday on that date at gusto ko s'yang i-sorpresa. Special siya sa akin mom. Hindi s'ya gaya ng ibang girls na naipakilala ko na sa inyo. So i want you and dad to be there."

"From what clan is she from? Lopez ba? Cojuangco? Araneta? Where did she get her masters degree? Nakilala mo ba sa US? Excited ako son. She must be someone else that i need to know."

Medyo natigagal ang binata sa narinig. Hindi niya inaasahan iyon sa kanyang ina. All he knows, he has the free will and choice to his own life.

"You would definitely like her. Please just come."

Napangiti na ang magandang ina niya. Alam kasi nitong kapag ang nag-iisang anak ang humiling ay hindi nito maaaring tanggihan.

"Of course i will Martino. I love you son and i will do that for you. Alam mo namang lahat ng ito ay ginagawa namin ng daddy mo para sa'yo. Just don't disappoint me. Be the good son that you are and don't ruin your name and reputation. Huwag kang gagawa ng eskandalo dahil kailangang manalo sa election ang daddy mo. Help me realize my dream of becoming a first lady of this country son."

Speechless ang binata sa narinig. He's carrying so much obligations, stress and burden. Malaki ang ambisyon ng kanyang mga magulang pero nagagawa ng mga ito ang mga maling desisyon sa buhay ng patago ngunit siya ang kailangang magpakita sa publiko ng magandang imahe. He feels it is very much unfair. But he needs them now at kailangan niyang makibagay.

"I have never disappointed you my whole life. Don't worry, i will always be the son that you need."

Habang seryoso ang mag-ina sa pag-uusap ay saka naman dumating si Congressman Cuerva. Kasama ang anim na body guard at sekretarya.

"And how's my lovely wife? Or should i say, my first lady?" saka humalik sa asawa ang matandang Cuerva.

"Bolero. Ipanalo mo muna ang kandidatura mo bago mo ako lambingin ng ganyan, Dominico." biro ng magandang ginang habang hinahalikan ng asawa sa pisngi.

"Then make it a done deal. Sino pa ba ang mapipili ng party namin para sa pagka-pangulo? Ako lang naman ang napipisil ng administrasyon ngayon. Alam nilang mabango ako kay Presidente. I am winnable at hindi pa natatalo sa eleksyon at halos lahat ng miyempro ng partido ay kaibigan ko. I can't think of any reason para hindi ako mapiling kandidato para sa presidente or bise-presidente ng partido because i have all the qualifications."

"Presidente, Dominico, presidente. Kailangan mong maging presidente kung gusto mong balikan pa kita ng tuluyan. Pag nagawa mo 'yon, you can have as many mistresses as you want. Just make me a first lady of this country."

Malambing na niyakap ni congressman ang asawa.

"Of course, who else will be this country's next president kundi ako lang. And you, being my first lady. And Martino will contribute to my winning in the coming election big time."

"Minana ng anak mo sa akin ang lakas niya sa masa. I was the countries queen of Philippine cinema. At kanino pa ba niya makukuha ang kanyang kaguwapuhan? I was the most beautiful in my time and never faded until now."

Tanging pagmamasid lang sa mga magulang ang naisusukli ng binata. If only he could disappear ay ginawa na niya. How could they be his parents? They are so much into power and greed.

"Nabanggit ng secretary ko na may ginawa daw "the moves" ang anak natin sa isang opening ng basketball event. He made that event a special one by dancing to a girl. That made him loved by more millenials and those young ones and their parents will vote for me definitely. Maganda ang tactics na ginawa ng humahandle sa career mo, Martino. Malaking tulong 'yun sa kampanya ko. You and your mom should dance sa aking campaign sorties."

"What a brilliant, old idea that still marketable dear...." pag-sang ayon ng ginang sa asawa.

"Dad, it's not a mere campaign for something. It was really a courtship. Merun po akong nililigawan at iyon ang babaeng tinutukoy ng secretary n'yo."

Bahagyang napatigagal ang kongresista. "O, really?!"

"Well, there's nothing wrong with that. Hindi naman ito ang first time na nanligaw at nagka-nobya ang anak mo." Pagtatanggol ni Divina sa anak.

"Of course it will never be a problem. Nakatulong pa nga iyon para mas bumango pa ang ating pangalan. At sino ang masuwerteng babaeng iyon?..." usisa ng kongresista.

"She's Aidelyn De Ocampo. At gusto ko po siyang ipakilala sa inyo sa susunod na linggo dad. I want you and mom to be there. On her birthday."

Napatawa ang kongresista. Mukhang bumilib ito lalo pa sa anak.

"You know, 'yan ang mga bagay na minana mo sa akin. If you feel to impress someone, you reach for her to be yours no matter what. Mas lamang ka pa nga dahil nagawa mong sumayaw sa harap ng maraming tao just to please the girl. 'Yon ang hindi ko ginawa sa mommy mo. Binigyan ko lang siya ng maraming mamahaling kuwentas, bags, mga negosyo at malaking bahay para makuha ko."

"Because i am so much of value, Dominico. Hindi ako basta-basta lang gaya ng ibang babae mo."

Nagkatawanan na ang mag-asawa habang nakangiting nagmamasid lang sa kanila si Martino. Although malayo ang pag-uugali niya sa mga magulang ay sobrang mahal niya ang mga ito. At ang importante sa binata ay makilala ng mga ito ang babeng kanyang iniibig. Aidelyn is definitely worth to be accepted by his parents to their family.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please leave comments and share. Thank you

My Online Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon