HALOS BAWAT MADAANAN nila Aidelyn at Edina sa loob ng campus ay napapatingin sa una. Ang iba nga ay lalapit pa sa una upang magpalitrato na kanya namang pinagbibigyan kahit na hindi siya sanay. Ikalawang araw na iyon ngunit ramdam pa rin niya ang epekto ng nag viral na video ni Klarisse.
"Uy, bes, me hindi ka naikukuwento sa akin. Me nakakita sa inyo kahapon ni Tristan na kumakain sa labas. Ano'ng ganap?"
"Ano ba, wala 'yon. Appreciative lang 'yung tao sa agaw-eksena kong moment sa video nila ng ex nya. Yun lang yun."
"E, ano yung mga napag-usapan n'yo? Share mo naman. Me interes ba sa 'yo? Hoy, ang guwapo kaya ni Tristan ha. Bukod sa guwapo, ang lakas din ng dating ng morenong yun."
"Grabe ka naman. Ba't naman ako nun magugustuhan. Ni wala nga ako sa kalingkingan ng ex-gf nun e. Wag tayong mag assume."
"Wow, ang humble naman ng beshie ko. Walang humble sa isang viral star 'no." saka nagkatawanan sila. Bigla silang natigilan ng biglang tumunog ang cellphone ni Aidelyn. Saka sinagot iyon.
"Hello good evening. May I speak with Miss Aidelyn De Ocampo?" ani ng nasa kabilang linya.
"Speaking, ma'am. Who's on the line?"
"This is Isabel Mortel from Seven Ads agency. I would like to tell you the good news that you passed the audition for the next ad campaign of SkinCare lotion. You need to have a final look test before the commercial shoot this coming Saturday. I will just email you the address and things you need to do to be able to prepare for the look test. So we expect for you to come, Miss De Ocampo."
Halos mapasigaw si Aidelyn sa tuwa. Ikinagulat naman iyon ni Edina.
"Y-Yes, ma'am. Please expect my attendance. Thank you po. Thank you so much."
"You're welcome, Miss De Ocampo."
Saka naputol na ang kanilang pag-uusap. Hindi mawala sa mukha ni Aidlyn ang labis na saya. Na-curious tuloy si Edina sa kaibigan.
"Ano yun, beshie? Kaperahan ba 'yan? Pabakas naman."
"Bes, natanggap ako sa pinag-auditionan ko sa commercial. Matutupad na ang pangarap ko bes. Ito na ang simula ng pangarap kong maging isang commercial model. Yung bida talaga. Hindi 'yung support lang at 'yung likod ko lang ang nakikita." halos di magkandatutong sabi ni Aidelyn sa kaibigan.
"Bes, proud naman ako sa 'yo. Nung isang araw lang nag-viral ka. Ngayon naman, magku-commercial ka na."
"Matutupad na rin ang pangarap kong maging isang commercial model talaga. And soon, baka makasama ako ni Martino sa mga commercials n'ya. Posible yun di ba, beshie? Nanginginig ako beshie."
"Hoy, Aidelyn ha 'wag kang makakalimot pag naging sikat na commercial model ka na ha. Remember, tayo lang naman ang nagtitiyaga sa isa't-isa mula pa nung first year tayo hanggang ngayong graduating na tayo. Hindi ako magsasawa na makasama mo forever beshie."
"Ano ka ba, wala pa di ba? Mamaya maudlot pa. Basta, promise, di tayo maghihiwalay. Friend kita e."
Tuwang-tuwang nagyakap na ang magkaibigan. Walang patid ang kwentuhan nila habang naglalakad sa school campus papunta ng klase nila.
Pero bago pa man ay madaraanan nila ang grupo nila Klarisse, Dana at Lyka.
"Look who's here, Klarisse. Maybe you would want to meet the cheap girl who made an appearance sa online video mo." sarkastikong patutsada ni Dana pagkakita kina Aidelyn.
Saka nagkatawanan ang mga atribidang magkakaibigan. Halos hindi tuloy magkandatuto sa paglalakad niya si Aidelyn. Bago pa man sila matuloy sa paglalakad ay hinarang na sila ng tatlong maldita.
"Hey, you. Good thing nakita kita. You have so much to thank me, you stole my moment in my recent video, Fame-whore." alipusta ni Klarisse sa kanya.
Hindi nakaimik si Aidelyn. Hindi siya sanay sa ganung eksena. Nagpatuloy na lang silang maglakad ni Edina ngunit hinarang sila ng tatlo.
"You bitch, 'wag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita." sabay hawak ni Klarisse sa braso niya.
"Hoy, Klarisse, bitawan mo ang kaibigan ko ha. Bitawan mo s'ya kung ayaw mong masapak kita." pagtatanggol ni Edina sa pagkakahawak ni Klarisse sa braso ng kaibigan.
"So, you're the bestfriend of this bitch. No wonder, you look equally dirty as your friend."
Nagkatawanan na ng tuluyan sila Klarisse at kanyang mga kaibigan.
Malakas na itinulak ni Edina ang tatlo na ikinagulat ng mga ito. Semplang ang mga ito sa damuhan at nakita pa ng mga estudyanteng sa paligid. Ang mga ito naman ang pinagtawanan ng mga naroon.
Sinamantala iyon ng mga naroon na kunan litrato ang mga atribida.
"How dare you do this to me. Help us stand bitch." Sigaw ni Klarisse kay Edina.
Inirapan lang ang mga ito ni Edina saka hinawakan si Aidelyn upang makaalis na doon.
Hiyang-hiya si Klarisse ng makitang marami ng mga estudyante ang nanunood sa kanila. Saka galit na sinaway ang mga ito.
"Hey, you, stop those cheap cameras. You can't be good video uploader like me 'cause you don't have the talent. Just help us stand bitches!"
Ngunit gaya nila Edina, nagtatawanang iniwan din ang mga ito ng mga estudyanteng naroon.
"Naku viral na naman 'to bukas. Upload n'yo agad." Alaska pa ng isang estudyante sa grupo nila Klarisse.
"Hey, don't you ever do that. Stop it!" sigaw ng online blogger ngunit tuluyan lang umalis ang mga estudyante na me pahabol pang pagliltrato sa mga ito.
"I'll get back to all of you losers!" sigaw uli ni Klarisse.
"Besh, it seems we're the one who's losers, can't you see?" sabad ni Dana na diring-diri sa itsura nila.
"Gaga! We can't be. I can't be. Just stand first and help me okay." doon lang din nakita ni Klarisse na marumi na ang mga suot nila.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pls leave comments, vote and share. Thank you
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Любовные романы"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...