[REPLY BOX POLICY]
My Online Crazy Love
Chapter 13: The Mystery Guy
Genre: RomanceAuthor: Me/Napazu7
SA ISANG PRIBADONG silid dinala ng misteryosong lalaki si Aidelyn. Halos hindi makatingin ang dalaga dito dahil sa hiya gayong hindi naman niya ito mamukhaan. Ang labi nito, mukhang malambot at kita ang mapuputing mga ngipin. Amoy niya ang mabangong hininga ng lalaki. Para ngang nai-engganyo siyang amuyin iyon.
"So maybe, I should know you. Nailigtas kita kanina." Biro ng lalaki na maaaring paraan lamang nito na mapakalma ang dalaga. "Don't mind them. They're just the usual party girls who love to bully someone."
"Salamat kanina." Nahihiya niyang usal. Hindi niya malaman kung anong pangungusap ang kanyang sasabihin. "Sige, mauuna na ako. Salamat uli sa pagtatanggol kanina."
"That's nothing. Anyway, I hope you're fine." masarap sa pandinig na sabi ng lalaki na ang boses, masasabi mong guwapo dahil sa simpatiko nitong pananalita.
Pilit tuloy siyang napangiti sa lalaking kaharap, "Okay na ako. And salamat uli."
"So do I deserve to know the girl's name na iniligtas ko kanina from the evil witch?"
Napangiti na lamang siya saka tipid na sumagot, "Aidelyn."
Saka siya tumayo at palabas na sana ng pintuan.
"So are you the girl that went viral in Klarisse's online video?"
Nabigla na naman siya saka napatango. Sino nga ba ang lalaking ito? Mukha kasing kilalalang-kilala siya nito sa social media. Kung sabagay ay viral nga ang video na iyon ni Klarisse kaya't di kataka-takang makilala siya nito.
"Ang cute ng pose mo dun." Sabay labas na naman ng ngiti nito na talaga namang bumabagay sa suot nitong maskara. "I'm actually a fan. It made me laugh the first time I saw it, er-r, smile sorry. Wala ka bang blog or something?"
"Wala, e. Hindi ko hilig."
"Sayang naman. You could earn more fans now."
"Hindi siguro para sa akin yun. Isa pa, I'm busy sa school."
Bahagya niyang iginilid ang mukha upang sulyapan ang mukha ng lalaki. Nakatitig ito sa kanya. Halos hindi niya kayang suklian iyon.
Binawi niya ang kanyang pagkakatitig mula dito. Ilang sandali silang walang mga imik. Ngunit dinig nila kapwa ang pagkabog ng kanyang dibdib at paghinga ng simpatiko at misteryosong lalaki. Lalo tuloy siyang kinabahan. Saka tiningnan muli ito at matamang sinipat. Hindi talaga niya ito mamukhaan. Ginantihan tuloy siya nito ng nakakatunaw na tingin.
"I-Isa kang cosplayer?" pagligaw niyang tanong. Kung titigan kasi ang labanan ay pihadong talo siya ng lalaki.
"No. I'm just here for someone na gusto kong makita ng personal. That girl stole my heart and never have my days the same again since then."
"Baka naghihintay na siya sa 'yo."
"Kaharap ko na siya ngayon."
Napamulagat siya sa narinig. Hindi niya expected iyon. Ano ba itong sitwasyong napasok niya at hindi niya magawang di ma-stress.
"Nagbibiro ka alam ko."
"Hindi ko kayang biruin ang puso ko. Matagal na kitang gustong makita at makasama mula nung makita ka sa videong iyon. Ngayon ay kaharap na kita."
Dinaan na lamang niya iyon sa tawa."Ngayong nakita mo na ako, magbabago na 'yan for sure. Wala naman akong talentong nai-share sa viral video na 'yon gaya ng sabi ng mga bashers. Isang minutong fame lang iyon para sa akin."
"Don't mind them. It's not just the talent anyway, it's your whole being."
"Salamat. Sige mauna na ako." saka pinilit niyang tumayo. Maagap siyang inalalayan ng misteryosong lalaki dahilan upang maglapit ang kanilang mga katawan. Napaurong tuloy siya. Ngunit sadyang mapagalaro ang lalaki na dinaan sa pag-alalay sa kanya upang mas lalo pa silang maglapit.
Nakadarang ang mga titig ng lalaki. Ang mga titig nito ay tumatagos sa kanyang kaluluwa. Ngunit hindi siya gaya ng ibang babae. Me iba nang nagmamay-ari ang kanyang puso. Kaya niyang labanan ang ganitong temtasyon.
"Mauuna na ako." Marahan nitong pagsalag.
"Matapang si Zorro. Ngayon pa lang siya malulungkot ng ganito."
May pagsusumamo sa boses nito. Biro iyon ngunit puno ng laman.
"Wag kang magsusuot ng itim, para di ka nagluluksa." biro niya na nangiti sa kanyang turan.
Nagkatawanan sila. Tawanang parang matagal na silang nagkakilala. Pagkikitang hindi nila alam kung masusundan pa.
Please leave comments, vote, follow and share @ https://www.wattpad.com/myworks/152128127-my-online-crazy-love
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...