SA KUWARTO ni Aidelyn ay hindi siya makatulog. Hating-gabi na din siya nakauwi at umaga na ay di pa siya dalawin ng antok. Palaisipan sa kanya kung sino ag misteryosong lalaki sa party. Kung bakit kasi nagmamadali siyang umuwi agad at hindi na tinapos ang party kasama ni Edina. Hindi rin tuloy nila nakita man lang kahit ang idolong si Martino Cuerva.
Ewan pero parang nakaharap na niya ang misteryosong lalaking iyon. Ang hininga nito na napakasarap amuyin ay tila nalanghap na niya noon. At ang boses, napakasarap pakinggan. Lalaking-lalaki nga itong magsalita at kahit na may suot ng maskara ay halata mong guwapo.
Nainis tuloy siya sa sarili na hindi man lang natanong kung sino ito. Alam niyang hindi siya sigurado kung magkikita pa silang muli dahil hindi siya paldalo sa gan ung okasyon.
Saka napabalikwas na parang nagising sa isang panaginip si Aidelyn. Mali para sa kanya ang ligaligin ng ibang lalaki ang kanyang isipan.
No. Hindi puwede. Bakit ko ba naiisip ang lalaking iyon? Si Martino lang ang madalas gumulo sa isipan ko. Kahit si Tristan nga na madalas kong makita ay hindi man lang sumagi sa isipan ko 'no. Nasasaisip pa niya. Pero sino nga kaya siya?
Saka tumayo at lumapit sa malaking poster ng idolo at hinalikan iyon.
"Good morning bhe. Sensya na, hindi na kita nahintay sa party kagabi. Yung Klarisse kasi na 'yon e, inaway na naman ako. Don't worry, magkikita pa tayong muli." Sabay yakap sa poster na nakadikit sa kanyang kuwarto.
Palabas na siya ng kuwarto ng mapadaan sa kanyang heart-shaped piggy bank. Hinawakan niya iyon. Nasa 15 anyos pa lang siya ng bilhan iyon para sa kanya ng kanyang ama. Nasa kolehiyo na siya ngayon ay hindi pa puno ang alkansyang iyon bagaman at nasa halos kalahati na. Mas inuuna kasi niya ang bilhin ang pangangailangan sa school projects at ngayon naman ay mga posters ni Martino at pagdalo sa mga fan events nito.
"Hello heartee. Malapit ka ng mapuno, intay-intay lang ha. Pag napuno ka, promise ko, para kay papa ka kasi need niya ng pera. Ilang taon na rin ang sakripisyo niya mapag-aral lang kami ni Macoy. It's time na ako naman ang tumulong sa kanila ni mama."
Saka mahigpit na niyakap niya ang hugis-pusong alkansya.
Pagkalabas ng kuwarto ay naabutan nito ang mga magulang na nag-aalmusal kasama ang nakababatang kapatid na si Macoy. Saka siya isa-isang humalik sa mga magulang.
"Good morning 'ma, 'pa."
"Kumusta ang lakad mo kagabi? Sabi ng kapatid mo may nangyari daw gulo, nabasa daw ni Macoy sa online news."sita sa kanya ni Aling Dolores, ang mabait at mapang-unawa niyang ina na nasa 45-anyos na.
Hindi siya agad nakakibo. Ang totoo'y ayaw niya sanang makarating pa iyon sa kanyang mga magulang dahil siguradong mag-aalala ang mga ito sa kanya.
"Nasaktan ka ba?" tanong ng kanyang amang si Mang Carlos na nasa 48 na. OFW ang kanyang ama at ilang araw na lang ay aalis na muli upang makipagsapalaran sa Riyadh. Kaya nga siya nagpupursige na maging isang sikat na modelo upang mapahinto na ang ama sa pagtatrabaho sa malayong bansa at makasama na nila.
"Hindi naman po. Napahiya, oo." Saka tipid niyang ngiti na parang idinaan sa biro ang nangyari.
"Kung ganyan na hindi maiiwasan na mapahiya ka sa mga tao at masaktan e maaari bang iwasan mo na 'yang pagdalo sa mga ganyang event, anak. Hindi ka naman namin pinagbabawalan diyan sa paggamit ng computers at mga gadget na 'yan 'wag ka lang sasali sa mga party nila. Ayaw naming makita kang nasasaktan."
"Ma, minsan lang naman ito. Saka gusto ko lang i-enjoy ang time ko ngayon habang bata pa ako."
"Sus si ate, gusto mo lang kamo makita 'yung crush mong commercial model, e."
Nasiko tuloy niya ang nakababatang kapatid na si Macoy. Hindi niya pa kasi naikuwento sa kanyang pamilya na natanggap na siya sa commercial at makakasama niya doon si Martino. Nakasaad kasi sa kontrata na ang management ang mag-aanounce sa bagay na iyon.
"Tumigil ka nga Macoy. Hindi 'yan totoo ha."
"Wag ka ng mag-deny Aidelyn, e buong kuwarto mo halos mukha na ng Martinong 'yan yung nakabalandra doon. Normal lang naman 'yan basta 'wag mong kalilimutan ang pag-aaral mo. Saka sana alam mo ang hangganan ng paghanga dahil mahirap umasa sa isang pangarap lang anak."
"E, nagkita ba naman kayo?" tukso sa kanya ng kanyang ama. "Anak, mayamang bata 'yang si Martino. Congressman ang ama n'yan pagkakaalam ko. Mahirap ang mangarap ng ganyan kataas."
"Aray!" pang-aasar uli ni Macoy sa kanyang ate. Na tinapunan niya naman ng pailalim na tingin.
"Pa, naman, para crush lang, e."
"Pero 'ma, 'pa, hanep si Ate, nung nag viral yung video nya nila-like ni Martino 'yung mga memes. Verified account kaya 'yun ni Martino. Kala mo makakalusot ka ha."
Napangiti na lang tuloy siya. "Natuwa lang 'yun kasi nag-mukha akong ewan sa mga 'yun."
"Aba, e baka me himala naman saka-sakali, ano ha, anak?" biro pa sa kanya ni Mang Carlos.
"Maiba ako, Aidelyn, 'yung Tristan ba na dumalaw dito nanliligaw sa 'yo?"tanong ng kanyang ina.
"Dumalaw?" gulat siya, "Hindi po. Nagkakilala lang po kami dahil din sa nag viral na video. Concerned lang po 'yun dahil sa mga namba-bash sa akin. Bakit po 'ma?"
"E, kasi dumaan kanina. Kinumusta ka kasi nag-aalala dahil sa nangyaring gulo kagabi. Sabi ng kapatid mo, sikat daw sa social media 'yung Tristan at girlfriend nun na siyang umaway daw sa 'yo. Kaya nga sana e, iwasan mo na 'yang pag-attend sa ganyang event. Ayan, me iniwang prutas at bulaklak para sa 'yo." Turo ng kanyang ina sa mga prutas na nasa kanilang harapan at bulaklak na nasa sala.
Hindi niya akalain iyon. Pero di man niya maamin, bahagya siyang kinilig sa inasal ng binata. Tumayo siya at kinuha ang bulaklak na nasa center table saka iyon bahagyang inamoy at binasa ang nakalagay na may maikling mensahe. Hope you're fine. Tristan
Nakangiting nagkatinginan na lang ang kanyang mga magulang at bunsong kapatid na si Macoy.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Please leave comments, follow and share. Thank you
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...