DUMALO KINABUKASAN ng gabi sina Aidelyn at Edina sa party. Sosyal ang lugar at halos lahat ay dressed in their best and most outrageous costumes . Exclusive nga ang event na iyon sa mga bloggers at social media stars. Aidelyn stuns in her simple yet elegant party dress. Napakaganda niya ng gabing iyon. She was indeed the night's most captivating star. Halos lahat ay napapalingon sa kanyang pagdating.
Abala ang bawat isa sa bawat sulok ng party doon. Saka abala din si Aidelyn sa kahahanap kung naroon na ang kanyang modelong pangarap, si Martino pero hindi niya makita ang guwapong modelo. At naroon ang paglapit ng ibang attendees na masayang nagpapakuha ng pictures sa kanya.
"Hi Miss Aidelyn, the suklay and nguso girl online. Ang ganda mo pala sa personal. Pa-picture naman."
Agad namang pinagbibigyan niya ang mga ito. Noon lamang niya naranasan ang ganoong atensyon sa tanang buhay niya. She feels so important ng gabing iyon.
Sa kanyang pagbaling muli upang ituloy ang paghahanap kay Martino, isang makisig at papalapit na lalaki ang umagaw ng kanyang atensyon. Si Tristan. Bukod-tangi ang kakisigan ng binata ng gabing iyon. He was indeed the perfect Adonis. Matangkad at maganda ang pangangatawan sa suot nitong isang maroon at imported na long sleeve na lalong nagpalabas ng sex appeal ng binata. Bagay sa makinis at moreno nitong balat.
"Hi, Aidelyn, good to know you're here. Ilang araw na kitang iniintay online but it seems you're so busy. Di mo nga nasagot ang messages ko. " Ani Tristan na kakaiba talaga ang kaguwapuhan sa malapitan. Nakatitig sa kanyang mga mata ang mga mata nito. Bakas sa mukha ng binata ang kasiyahan ng makita siya doon.
Halos walang masabi agad si Aidelyn pagkakita sa sikat na varsity player. hindi maalis sa mukha ng dalaga ang paghanga sa kaharap bagaman at walang malisya iyon. Tristan snapped his hands and Aidelyn got back her "sanity."
"Nakakuha ako ng invitation e, isinama ko na din si Edina. Masayadin pala." Halos mabulol niyang sagot sa binata.
"Do you have table? Would you mind kung samahan ko kayo?"
"Wala pa e, pero baka mamaya na lang. Nagpapahangin pa kami ni Edina dito sa labas."
Iyon lang at dumating ang grupo ni Klarisse. In full dress form din ang mga ito. Suot ni Klarisse ang custome ala Malificent at naka powerpuff girls naman sina Dana at Lyka.
Hindi nagustuhan ng sikat na vlogger ang nakita. Ang ex kasi niya ay may kilig na nakikipag-usap sa babaeng umagaw ng moment niya sa video.
"Look who's here. Ang scene stealer na sumikat lang ay mang-aagaw ng eksena courtesy of the most influential video blogger in the country." diretsahang pang-iinsulto ni Klarisse kay Aidelyn. Malakas ang boses nito na nakaagaw sa atensyon ng mga tao sa paligid. "You think you deserve to be here? You don't belong here, poor girl. Wala kang originality."
Parang nanigas sa pagkakatayo si Aidelyn. Napahiya siya. Lalo pa at nakatingin sa kanya ang mga tao sa party na iyon. Pakiramdam niya ay lulubog siya sa kinatatayuan.
"Stop it Klarisse! Is this still part of your own blog? Nababaliw ka na ba? Respect everyone here." pagtatanggol ni Tristan sa magandang dalaga. Saka nilapitan si Aidelyn na siya nang nagpapatibok ng puso nito ngayon.
"Ang kapal mo rin ano? So now, talagang ang babaeng 'yan ang pipiliin mo? Ipinagtatanggol mo pa rin siya kahit na siya ang sumira sa ating dalawa?"
"Hindi siya ang sumira sa atin Klarisse. Ikaw! You and your selfish ambition." malakas ang boses ni Tristan.
"Are you blind, Tristan? She's a user. A certified relationship-wrecker. She used us to be where she is now. Natupad niya ang pangarap na maging isang social media darling by using us. And then stole you away from me. Sinisira niya tayong lahat."
Napaiyak na lang si Aidelyn. Hindi na sana siya nagpunta doon kung alam niyang mapapahiya lamang siya. Hayun nga at nakatutok sa kanya ang mga camera ng halos lahat ng dumalo sa okasyong iyon. At siguradong trending na naman siya ilang oras lang ang magdaan.
"And now ikaw pa din ang bida? You come here to steal the night? This party is supposed to be for us, legit media darlings." sigaw ni Klarisse saka lapit kay Aidelyn at hinila ito palabas.
"Hoy bruha, wag mong mahila-hila ang kaibigan ko ha baka paduguin ko 'yang peke mong pagmumukha." depensa ni Edina kay Aidelyn saka hinila palayo ang kaibigan sa grupo nila Klarisse. "Halika na beshie. Don't let yourself get embarrassed by this bitch girl. Mas maganda ka sa kanya 'no."
"Shhu losers." Taboy sa kanilang dalawa nila Dana at sabay tawanan ng grupo nila Klarisse.
SA MAY KALAYUANG table doon naupo sila Aidelyn at Edina. Isang mabuting kaibigan si Edina na inaalayan pa ang umiiyak pa ring si Aidelyn.
"Alam mo kung di lang ako nakapagpigil pinadugo ko na 'yung bibig ng babaeng yun e. Ang kapal ha, parang siya na ang nagmamay-ari ng event na 'to."
"Sana kasi hindi na lang tayo umattend dito. Napahiya tuloy ako." aniya na umiiyak pa rin.
"Malay ba nating ganun ka-impakta 'yang Klarisse na 'yan. For sure, isu-social media na naman n'yan 'yung nangyari kanina. Sumikat lang at kumita ng kuwarta e, wala ng pakialam kung tama bang i-video 'yung kaganapan. At 'yung mga friend n'yang gaya n'yang luka-luka, aba, anywhere yata e, ready ang camera sa pagbi-video. Sarap pagsusungalngalin."
"Hayaan mo na, hintayin na lang natin ang mag-umpisa ang event then puwede na tayong umalis. Nakakahiya din kasi sa organizer."
"Hindi ba natin hihintayin si Martino? Di ba siya yung special guest? Mukhang wala pa siya e. Baka after pa ng awarding 'yun alam mo naman pag sikat na modelo, busy."
"Honestly, siya nga ang ipinunta ko dito. Kahit na magkikita kami next week for the shoot di ko kayang palampasin ang event na to. Alam mo naman kung gaano ko kamahal yun." Pagbibiro niya sabay silay na ng ngiti sa kanyang mukha.
"Mahal agad bes? Hindi ba puwedeng manligaw muna si idol? Ano mag-on agad?" Pang-aalaska ni Edina.
"Tse, siyempre maganda kung mangyayari yun pero after nung nangyari sa cr noon for sure imposibleng magka-gusto sa akin 'yun. Ni hindi nga yata nagandahan sa akin, bes.."
"E dinaig mo ba naman ang beki bes, kesihodang nagsasara siya ng zipper e mega-picture ka sa kanya. Saka naihatid ka na sa bahay nyo di ba? Ibig sabihin hindi ka nya nakilala. Yung Aidelyn ngayon ang alam nyang ikaw." Saka nagtawanan silang dalawa. "Pero in fairness kay Tristan, Bes, mukhang tinamaan sa 'yo. Hoy ha, merun ba akong dapat malaman na di mo sinasabi? Yung tingin niya kanina sa 'yo ha, ang lalim. Merun kayong something 'no? Aminin mo."
"Loka, ako pa talaga ang gustuhin n'on? E, nakita mo naman kung paanong magalit yung girlfriend nun kanina."
"Ex-grilfriend bes, ex-girlfriend. Ibig sabihin malaya na si Tristan na maghanap ng iba. Hindi naman kataka-taka kung magustuhan ka n'on. Maganda ka Bes, kulang ka lang sa confidence."
Napatingin tuloy siya sa kaibigan. Tama naman kasi ito.
SA COMFORT ROOM tuloy ang usapan nila Aidelyn at Edina. Habang nag-aayos ang mga ito ng sarili si Tristan pa din ang kanilang usapan.
"Pero alam mo naman kung sino ang gusto ko bes, di ba? Isa pa hindi ako sigurado kung nanliligaw sa akin si Tristan or ganun lang talaga siya kabait. Feeling ko nga gusto nya lang ng rebound para makalimot agad kay Klarisse."
"Bes, ano ka ba? Nagbubulag-bulagan ka ba? Di mo ba napapansin kanina yung mga mata ni Tristan? Me ibig sabihin bes, nakakapaso, di mo ba nararamdaman? Nahagip ko nga ang init e. Muntik akong ma-half cook. At saka, ano ka ba. Ipagpilitan talaga si Martino? Bes, hindi masarap mangarap pero lodi yun, mahirap umasa sa wala. Marami kang kalaban dun."
"Si Martino ang laman ng puso ko. Alam ko naman na mahirap ang mangarap pero masaya na ako sa ganun. Nagkakilala na kami di ba, pag ginawa namin yung commercial, mas may time kaming mag kakilala pa. Malay mo di ba?"Nasa ganung eksena sila nang pumasok ang grupo nila Klarisse. Pagkakita sa kanila ay kinuha na naman ni Dana ang kanyang cellphone at itinutok sa kanila.
"This is another worthy moment." ani Dana.
"So, here you are again. You feel comfort staying here I guess." Pang-iinsulto ni Klarisse sa kanilang dalawa.
"Huwag mo na 'yang pansinin bes. Let them use this place after we have done our thing. After all, they deserve nothing but trash." Sabay tawa ni Edina na mukhang hindi pasisindak sa grupo nila Klarisse na tagumpay naman dahil napikon ang social media star na sa inis ay hinablot ang costume ni Edina.
"You ugly, fat bitch. You don't have to say that to me."
Ngunit sa laki ni Edina ay naitulak na naman nito si Klarisse.
"Hey, don't mess with me and my beshie, you and your fake face will make a full facial facelift with your mga FANGIT na friends! Puro F!" sigaw ng kaibigan ni Aidelyn sa kalabang kampo.
Saka nagkagulo sa loob ng girls room. Labanan to the max sila doon. Ang bakbakang hindi natuloy kanina, dito sa loob ng cr naganap.
Umabot na sa labas ng comfort room ang giyera ng dalawang grupo. Nagkasukatan ng lakas sila Edina at Lyka. Si Aidelyn naman ang nakalaban ni Klarisse habang abala si Dana sa kabi-video sa apat na kababaihan. Walang nagawa ang mga taong naroroon kundi ang manood lang sa nangyayari at ibini-video din iyon.
"Girl, don't get underestimated by that balyena. Put so much effort on your sabunot." Ani Dana habang tutok ang camera kina Lyka at Edina.
Saka napabaling naman kay Dana si Klarisse dahil napansin nitong hindi nakatutok sa kanya ang camera.
"Hey you bitch, have that video focused in me." Saka muling sabunot kay Aidelyn. "And you, never walk your way against mine. You ruined my life with Tristan."
Habang abala ang halos lahat sa nangyayaring sukatan ng lakas, isang lalaki ang dumating. Naka-cosplay iyon. Suot ang suit ala-Zorro at may takip na maskara ang mukha at labi lang nito ang nakikita. Matipuno ang misteyosong lalaki. Sa magandang boses nito ay ramdam ang pag-aalala kay Aidelyn.
"Hey, stop it. Tama na." Sabay hawak sa braso ni Aidelyn at iniiwas siya palayo kay Klarisse.
Nabigla ang lahat sa ginawa ng lalaki. Napatigil din pati sina Edina at Lyka.
"And who are you to tell me what to do? I'm sorry but this girl has to teach some lessons. She need not be here anyway."
"But this party is for all. Let us enjoy the night." Pagtatanggol pa ng misteryosong lalaki.
Saka dumating ang organizers ng event at pinayapa ang sitwasyon. Pinuntahan nila ang grupo ni Klarisse at inihatid sa table ng mga ito at ang iba ay pinuntahan naman sila Aidelyn.
"Are you okay, Miss Aidelyn? Sorry for what happened."
"Ako na ang bahala sa kanya. Just give Klarisse and her friends some disciplinary actions dahil nakita ng lahat na sila ang gumawa ng gulo." saad ng misteryosong lalaki. Halatang concern ito para kay Aidelyn.
"Okay, we'll investigate the incident. Just enjoy the night."
Saka hawak sa kamay na inilayo ng misteryosong lalaki si Aidelyn sa ibang bahagi ng venue. Marami ang humanga sa ginawa nito. Si Aidelyn, just had the best moment of her life. Someone saved her from the evil witch. At kasama niya ngayon ang misteryosong lalaki na maituturing niyang knight in shining armor.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Please leave comments, vote and share. Thank you.
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romantik"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...