"YOU DID A WONDERFUL job Aidelyn. Ang dami mong pinahanga. Lalo na ako."
"Salamat. Mas pinahanga mo ako, Martino. Hindi ko akalain na ganun ka pala kagaling sumayaw. Wala sa itsura mo. Ginulat mo kami."
"Ano pa nga ba. Grabe ang ginawa n'yong showdown ni Tristan. Kabogan-to-death kayo ha. All for the love of Aidelyn." sabad ni Edina habang naglalakad silang tatlo sa loob ng Coliseum.
"He won. He's more into it. I just did a bit of the dancing. Mabilisan lang ang practise e." Natatawang sabi ng guwapong modelo.
"Wow, napaka-humble naman. Ang galing mo kaya. Actually, pareho kayo. But it was fun. Ang dami n'yong napasaya." hirit ng magandang dalaga.
"Sana pati ikaw napasaya ko. Nag-aral talaga akong sumayaw para sa 'yo. Mawawalan ng saysay ang effort ko kung di mo nagustuhan." Hayun at lumabas na naman ang mapanuksong ngiti sa mukha ng modelo.
"Si Aidelyn pa. Commercial mo pa nga lang sa TV kinikilig na 'yan e, yung sayawan mo pa sa harap ng maraming tao. Naku, baka nga lagnatin 'yan mamaya pagdating sa bahay nila. E, super hot naman kasi yung ginawa n'yo kanina ni Tristan e."
Napatawa na lang sina Martino at Aidelyn sa turan ni Edina. Saka nagpaalam ang magkaibigan sa binata na pupunta muna ng comfort room. Kailangan kasing magpalit ng damit si Aidelyn dahil hindi kumportable sa suot na damit na provided ng team nila Tristan. Matiyaga namang naghintay sa labas ng cr si Martino na naging abala din sa ilang lumalapit na gustong magpakuha ng litrato sa binata.
"CONGRATULATIONS, TRISTAN. That was a very impressive start. Mukhang makukuha n'yo na naman ang championship."
Masayang pagbati sa sikat na varsity player ng manager ng isang kilalang PBA team na invited din sa event.
"Salamat, sir. Kailangang mag-concentrate ng team this season dahil malakas ang line up ng ibang team ngayon. But we're prepared and exciting 'yon para sa amin."
"I don't think you need to worry, kilala ka naming fighter and you always deliver. And that is why ngayon pa lang, gusto kong malaman mo na me and my team in PBA is waiting for you there."
Masayang kinantiyawan si Tristan ng ka-teammate sa magandang balita. Hindi naman kataka-takang pag-agawan ito dahil he's the best in his league. No one comes close.
"And as always you stole the show. Maganda 'yung girl ha. Medyo delikado lang ang laban mo this time. You're up against Martino Cuerva. But with your extreme talent and discipline, i'm for you. Magaling ka sa lahat ng laban." biro pa ng kilalang manager.
Lalo tuloy itong kinantiyawan ng mga ka-team mate.
"I've never been this inspired sir. Mas na-boost 'yung confidence ko to do my best and win this battle. My own battle."
Tuloy ang hiyawan ng mga estudyante. They know Tristan very well. He's the guy who competes to win.
"Okay, i must go boys. Congrats in advance." paalam na sa kanila ng PBA manager. Saka naman nagpaalam na din si Tristan sa mga ka-grupo at nagmamadaling hinanap sina Aidelyn sa bawat sulok ng Coliseum. Hanggang sa may nakapagturo sa kanya sa mga ito at daling pinuntahan ng binata.
Sa labas ng female comfort room nakita ni Tristan na naghihintay si Martino. Nagkatinginan ang dalawang guwapong binata. Ang tensyong naramdaman kanina sa gitna ng ceremony, muling naulit. Wala mang galit sa kanilang mga dibdib, makikita mo sa kanilang mga mata ang pagka-disgusto sa bawat isa. Walang may nais na maunang kumurap.
"You mess with the wrong guy." maanghang na bungad ni Tristan.
"I don't mess with anyone. I don't feel challenged at all because i am serious with her." ganting sagot ni Martino.
"Why her? Just because you know i am deeply in-loved with her? Nananadya ka 'no? Keep out of my way because i don't want to associate my life with you and your family."
"Hindi natin maiiwasan 'yon Tristan. Life has been so playful for us. It will always be you against me."
Napangiti ng may pait ang varsity player. "Nakakapagtaka lang na lagi mo akong binubuntutan. I stayed away from you and your family. Is this some kind of an agenda?"
Sinagot ito ng isa ding ngiti ng guwapong modelo. "Don't think too much. This is just a matter of choice. I don't even know you know her personally. You play games, i do play too. Dapat mong alam 'yan dahil isa kang player."
"Don't play on my feelings. Binabalaan kita. Not Aidelyn. Fuck you, Martino."
Matatalim na tingin ang iginanti ni Martino ng marinig ang mga huling salitang iyon ni Tristan. Kapwa sila animo sinisilaban ng galit sa isa't-isa. Iyon ang naabutan ni Aidelyn at Edina nang lumabas ang mga ito sa comfort room.
Bahagyang napatigil tuloy ang magandang dalaga sa nakitang senaryo. Atubili siyang lumapit sa mga ito.
"Hey guys, is there something going on? Me tensyon ba?" pagbasag sa katahimikan ni Edina.
Animo wala lang na nabaling ang tingin ng dalawang lalaki sa kanila.
"No. Nothing. We're actually waiting for you." Ani Martino na bumalik agad ang dating kalmadong presenya.
"Akala namin me karugtong na naman ang paandar n'yo kanina. Iniintay ko 'yun actually. Kaka-excite kaya." kinikilig na biro pa ni Edina.
"Congrats Tristan. Ang galing mo sa opening ceremony. Very proud kami sa 'yo." nakangiti nang sabi ni Aidelyn saka lapit sa star player at kinamayan ito. Masaya namang tinanggap ng varsity player ang pagbati ng dalaga saka masuyo itong hinalikan sa pisngi. Nakamasid lang si Martino. Hindi nito ibig ang nakikita.
"Salamat Aidelyn. Dahil sa 'yo kaya maganda ang naging outcome ng ceremony. Malaki ang bahagi mo dun."
"Wow, salamat. Kahit na wala naman talaga akong ginawa kanina."
"No. You bring out the best in me. I was in my best element kanina dahil nandun ka."
Malakas makapang-asar iyon para kay Martino. Pero nananatili pa rin itong kalmado.
"Come on, ihahatid ko na kayo Aidelyn. Mukhang napagod ka." pagsingit sa kanila ng guwapong modelo.
"I'll take you home Aidelyn. Sabay na kayo sa akin." ayaw patalong sabi naman ni Tristan. Nag-worry na naman tuloy si Aidelyn sa nangyayari. Mukhang maiipit na naman siya sa tila nag-uumpugang bato.
"Can't you see? I approached her first. So ako ang maghahatid sa kanila." ani Martino.
"Hey, ako ang nag-invite sa kanila sa event. So ako ang maghahatid sa kanila pauwi."
Halos hindi na makagalaw ang magandang dalaga. Mukhang wala talagang maggi-give way sa dalawang binata.
"Okay, walang simuman ang maghahatid sa akin. Sa aming dalawa ni Edina. Magta-taxi na lang kaming dalawa pauwi."
"What?" Halos sabay na reaksyon ng dalawang binata.
"You heard it rights, boys. Para wala nang away, magtataxi na lang kami. Nagtaxi kaming pumunta dito kanina, magta-taxi kami pauwi......" sagot ni Edina na binitbit na ang gamit nila ni Aidelyn at hinawakan na sa braso ang kaibigan palayo, "Bye boys."
Napakaway na lang si Aidelyn sa dalawang binata habang naglalakad sila palayo ng kaibigan. Napakamot na lang sa ulo si Tristan at napakunot ng noo si Martino. Saka muling nagkatinginan ng malalim gaya kanina.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Please leave comments and share. thank you.
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...