"ANO? NAHALIKAN ka nung mysterious black masked guy, whatever? Pan'ong nangyari? Kilala kita Aidelyn, di ka naman ganyan." ani Edina kay Aidelyn habang nasa coffee shop sila sa may university belt.
"Basta nangyari na lang e. Di ko s'ya napigilan. Hindi ko alam kung bakit ko hinayaang mangyari yun." aniya na sising-sisi sa nangyari.
"Ba't ngayon mo lang naikuwento? Nasa labas lang ako ng kuwarto noon me nangyari na palang halikan sa loob?"
"Dins, please. Ilang araw na akong naguguluhan. Kung kaya ko lang balikan ang araw na 'yun sana hindi ko hinayaang mangyari iyon sa akin."
Hinawakan ng kaibigan ang kanyang kamay. Halata kasi sa mukha niya na ginugulo iyon ng kanyang nakaraan. Halik lamang iyon kung tutuusin pero importante para sa kanya ang unang halik. Na dapat sana ay naialay niya para sa kanyang tunay na mahal.
"Ngayon para akong tanga sa kakaisip kung sino ang lalaking 'yon. Samantalang siya ay kilala niya ako."
"Hayaan mo na bes. Malay mo naman pangit pala 'yong lalaking 'yon. E di nagsisi ka pa kung bakit ginusto mong makilala pa s'ya."
"Edina." nakasimangot s'ya saka napatawa ng bahagya.
"Relaks, pinatatawa lang kita." saka kapwa na sila nagkatawanan.
Sa isang mesa sa loob ng coffee shop na 'yon nakaupo si Tristan kasama ang dalawang kaibigan. Hindi maalis ang mga mata nito kay Aidelyn. Kanina pa nito gustong malapitan ang magandang dalaga ngunit atubili ito. Hindi na kasi naging maganda ang pakitungo ng dalaga nang magpahiwatig ang binata ng pagkagusto sa kanya.
"Lapitan mo na pare. Or else baka maunahan tayo ng ibang team." susog kay Tristan ng kanyang teammate sa basketball.
"Mukhang ngayon ka lang inurungan ng bayag tol, a," saka tawanan ng mga kaibigan ng guwapong binata, "Puntahan na natin, wala namang mawawala kung tanggihan niya e. At least we tried our best."
Medyo atubiling tumayo na si Tristan at kasama ang dalawang kaibigan ay lumapit sa kinauupuan nila Aidelyn at Edina.
Nagkatinginan pa ang magkaibigang babae pagkakita sa binata. Naging maagap si Tristan sa pag-aakalang baka lumayo si Aidelyn sa kanyang paglapit.
"Hi. Sorry for disturbing you pero i'm here for an offer, Aidelyn." Apologetic na sabi nito. Habang ang mga mata ay di maiiwas sa dalaga.
"Offer? Wow Tristan ha, merun ba akong dapat malaman?" singit ng kanyang kabigan.
"Edina!" saka mahigpit na hawak ni Aidelyn sa kamay ng kaibigan. Napangiti na lang tuloy si Tristan.
"Bes, i'm not deaf okay. Tristan has something to say. Ako kinikilig. Ikaw ba hindi?"
Namula tuloy ang magandang dalaga. Habang nagkatawanan naman ang mga basketbolista.
"Edina halika na. Mauna na kami." nahihiyang sabi niya saka tuluyan nang tumayo.
"Aidelyn, please. Pakinggan mo muna ako."
Napatingin na lamang siya sa kaibigang si Edina na sumenyas namang pakinggan ang sasabihin ng binata.
"Napagkasunduan ng team namin na kunin kang muse sa opening ng NCAA. It was mutual decision at sana ay mapagbigyan mo kami."
Napangiti na lang si Edina, "Ay 'yun ba? Akala naman namin ay kung ano na."
"Pumayag ka na Aidelyn, para naman sa school natin 'yun e." susog ng kaibigan ni Tristan.
"Thank you pero bakit ako? I mean, marami namang magagandang girls sa school natin." pagtanggi pa niya.
"Of course you're beautiful. The most beautiful girl in the campus and no one else." Mabilis na sabi pa ng sikat na varsity player.
"Wooooh! Ikaw na bes. Bukod-tangi kang pinagpala." Napapikit na lang ang dalaga sa hiya.
"I'm sorry Tristan. Hindi ako sanay sa mga ganyang events. Baka mapahiya lang kayo sa akin."
"No. Wag mong isipin 'yan. You're the most wonderful girl in that event for sure. Alam naming kaya mo."
"Please Aidelyn. Para sa team." ani isa pang ka-team ni Tristan. Halos parang wala na tuloy siyang masulingan.
Si Edina na ang sumagot para sa kanya, "Kelan ba 'yan?"
"Bes?" pagsalungat niya.
"Sige na bes, pagbigyan mo na. Exciting 'yun di ba? Hayaan mo nang maging proud kami sa 'yo. Deserved mo 'yan."
Napaisip tuloy siya ng malalim. Iyon ang sandaling wala na siyang magawa. Mukhang nakorner nga siya ng mga tao sa kanyang paligid.
"Please Aidelyn." halata sa mata ng binata ang pagsusumamo. He's dying for her to be their muse. Ang lalaki kasi ang hari sa larangang iyon sa lahat ng unibersidad at magandang pagkakataong makasama nito ang kanyang reyna. Higit sa lahat, may nais itong i-surpresa sa dalaga kung sakaling pumayag siya.
Isang sorpresang yayanig sa mundo ng magandang dalaga.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
leave comments please, vote and share :)
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...