NAGPAGANDA talaga si Aidelyn ng araw ng sabadong iyon. Pinaghadaan niya ang look test para sa commercial na gagawin. Wala siya idea sa maaaring mangyari pero umaasa siyang sana ay si Martino ang kanyang makasama sa gagawing commercial dahil ito ang sikat na endorser ng skin product last year. Ngunit kahit ano pa man, simula na ito ng kanyang modelling career. Kailangan niyang gawin ang lahat upang maabot ang estado ng hinahangaang lalaki baka sakaling mapansin na siya nito. Kung sino man kasi ang makakasama niya sa bagong trabaho, kailangang makita ang rehistro nila sa camera and that she has to be in her best element. This is her moment anyway.
Saka nadinig niya ang mga taga-production na aligaga sa loob ng studio. May kung sinong importanteng tao kasi ang dumating.
Hindi tuloy siya mapakali habang minimake-upan. Andiyang magpalinga-linga siya sa may pintuan.
"Good morning sir Martino." Bati ng taga-production sa guwapong binata. Saka lapit naman nang representative ng Skincare lotion sa sikat na modelo at inasikaso ito.
Halos mabali ang leeg ng dalaga sa bilis ng paglingon. What? Si Martino? Naroon si Martino? Kinabig tuloy muli ng baklang beautician ang kanyang mukha na noon ay inaayusan.
"Good morning, Martino. You look great as always."
"Thanks Ma'am Isabel. It's nice to be working with you and your team again."
Doon napaisip ang dalaga na si martino nga yata ang kanyang makakapareha sa gagawing commercial. Jackpot nga ito at para siyang nanalo sa lotto.
Halos matulala ang lahat sa kaguwapuhan ng binata. Sa tikas ng pangangatawan nito, sa tindig, sa mamula-mulang balat at magandang boses ay sino ba ang hindi mapapaibig? Hindi na magkandatuto si Aidelyn. Kung bakit kanina ay hinahanap-hanap niya ang presensya ng binata ay siya namang nawalan ng lakas-loob siyang harapin ito ngayon. Kinikilig siyang nanginginig na parang ewan. Naalala niya tuloy 'yung nakakahiyang nangyari sa kanila sa comfort room noon. Baka pag nakilala siya nito ay ewan kung ituloy pa ng binata ang gagawin nilang commercial. Napakagat-labi tuloy siya.
"So, is my partner here? I hope to finally meet the viral lady." nasa mukha nito ang excitement na makita ang dalaga.
NIkinagulat iyon ni Aidelyn. Kilala siya ni Martino? Napanood nito ang nag-viral na video ni Klarisse?
"Don't worry, Martino. Miss De Ocampo is already here. Here she is. Inaayusan ng make-up artist." sabay turo sa kinauupuan niya sa kabilang kuwarto na nakabukas ang pinto.
Saka dumako ang direksyon ng mukha ni Martino sa kinauupuan ni Aidelyn. Ayaw pa ring humarap ni Aidelyn. Para siyang maninigas. Halos manginig nga ang kanyang buong katawan at halos himatayin.
"Miss Aidelyn, I want you to meet Mr. Cuerva. The one and only Martino Cuerva."
Saka napilitan siyang lumingon at kumaway sa binata. At medyo kabado ang boses na binati ito. "Hi, Martino."
Sumilay ang makalaglag-pangang ngiti sa maamong mukha ng binata. Halos matunaw si Aidelyn na parang nakakita ng anghel na nasa harapan.
"Hi Miss Aidelyn. You look great even in person. Excited akong maka-trabaho ka." saka lapit sa kanya ng binata na amoy niya pa ang nakakapusok na bango nito. kung puwede nga lang magwala at yakapin ito ng walang-hiya-hiya ay gagawin niya. Ngunit isa na siyang celebrity ngayon. Isang oportunidad na matagal na niyang hinihintay. She has to act properly.
"Thank you Martino. Ang guwapo mo pala talaga sa personal."
Napatawa na lang ang binata. "Salamat. You always made my day sa viral video mo. I like your personality."
Napamaang na lang siya. At napanuod pa pala ni Martino ang video ni Klarisse. E, feeling nga niya ay kahiya-hiya ang itsura niya doon.
"Salamat. Napanuod mo pala 'yun. Pangit ko kaya dun."
"Of course not. You are a wonderful woman. You have a nice personality." pag depensa pa sa kanya ng guwapong binata.
"It's my honor, Martino. Fan mo ako matagal na. Di ko nga akalain na ikaw ang makasama ko dito."
"Martino is the one who suggested na kunin ka sa commercial na ito, Miss De Ocampo. Napanood niya yung nag viral na video recently and he sees a potential in you na puwedeng magamit sa campaign ad ng product namin. So after deliveration, and being a pro sa larangang ito, the board saw Martino's point na bagay nga sa iyo ang product endorsement namin. We have to undergo for look test para makita ang compatibility n'yo onscreen just like any other commercial process. And you look great with your make-up on. You look perfect for this Aidelyn."
Lalo tuloy siyang nahiya sa narinig. Mukhang ito na nga ang kanyang matagal ng hinihintay na pagkakataon.
"Don't worry. I'll take care of you. It's normal to feel pressured the first time. Parang sa relationship lang 'yan. Siguro dapat sa ligawan stage muna tayo for you to know me better and magkapalagayan tayo ng loob."
Ligawan stage? Halos manginig tuloy ang kanyang buong katawan sa nabanggit ni Martino. Kung puwede lang ipagsigawan niyang Kilalang-kilala na kita Martino. Kung alam mo lang.
"Umiral na naman ang pagiging playboy mo Martino." Pangbubuko pa ni Ms. Mortel sa binata.
"Oppss, that's not true Ma'am Isabel. Sa almost 20 commercial endorsements ko for almost two years as product endorser, apat lang sa mga nakapareha ko doon ang nai-date ko. At dalawa lang ang naging official." Sabay tawa ng binata. "Baka matakot pa si Aidelyn niyan."
Walang problema Martino. Iyon ang nasa kanyang isipan. Kung puwedeng maging totoo lang iyon ay bakit ang hindi?
Saka gusto niya tuloy tanungin ang binata kung sino ba ang dalawang babaeng naging naugnay dito noon. Mukhang nakalusot kasi sa kanya ang balitang iyon.
"Ma'am, okay na daw po ang set sabi ng production. Look test na daw po."
"Martino, Aidelyn, we can start now." tawag ni Ms. Isabel sa dalawa na agad naman tumalima.
Hinawakan ni Martino sa kanyang kamay si Aidelyn. Halos maglapit nga ang kanilang katawan ng umalwas siya sa inupuang make-up chair. Naamoy tuloy niya ang mabangong hininga ng binata. Kung maaari nga lang sunggaban niya ang mapupulang labi nito. Pero kailangan niyang magpigil. Nasa kanya na kasi ang pagkakataong matagal na niyang hinintay. How could you so perfect Martino? Nagsusumigaw na nasasaisip niya.
Halos mangatog tuloy ang kanyang tuhod dahil hindi maalis ni Martino ang pagkakatitig nito sa mapupungay niyang mga mata. Na sadya niyang asset.
"You look truely beautiful. You amaze me."
Ibig na tuloy niyang kurutin sa tagiliran ang matangkad at guwapong idolo. Saka siya sandaling tumalikod at sumigaw ng walang sound. Umasa tuloy siyang kung merun mang ikatlong magiging kasintahan si Martino ay siya dapat iyon.
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...