The Surprise Kiss

47 1 0
                                    

"Napakaganda pa din ni Divina. Nadagdagan lang ang edad pero hindi nagbabago ang ganda." ani Mang Carlo habang nanunuod silang mag-asawa at kanilang anak na si Macoy sa sala.

"Aba'y ikaw ba naman ang sobra-sobra ang pera, mapapanatili mo talaga ang ganda mo. Madami ng doktor ang gumagawa n'yan ngayon."

"Maaari pero si Divina, sadyang maganda na 'yan noon pa. Aba e pantasya namin 'yan noong kolehiyo. Buong barkada kandarapa d'yan."

"Maganda naman talaga 'yan. Pero mas gusto ko si Lorina Del Valle. Simple lang 'yun pero di mo matatawaran ang ganda saka magaling na artista. Saan na kaya 'yun ngayon?"

"Oo nga 'no? Wala na akong nabalitaan dun. Magaganda talaga ang mga artista noong araw. Malamang ginirahe din 'yun ng pulitiko o matataas na tao gaya ni Divina."

Mataman na nakikinig lang si Macoy sa mga magulang. Ipinalalabas kasi ang interview kanina sa pamilya Cuerva sa VTV News.

Habang abala si Aidelyn sa pagtu-toothbrush ay napasilip siya ng marinig na nagsasalita ang idolong si Martino.

"Ma, si ate sumilip na naman. Pag si Martino pinapakita sa tv natataranta talaga 'yan."

Napatawa na lang ang kanilang mga magulang sa tinuran ni Macoy. Si Aidelyn naman ay bahagyang napanguso habang nakangiting nakatitig sa mukha ni Martino sa telebisyon.

"Malay mo naman balang araw, makapartner ng ate mo 'yang Martino na 'yan. Maganda naman ang ate mo, pede ngang artista e." Pagmamalaki ng kanyang ama.

Nabulunan tuloy ang dalaga. Kung alam lang nila na sa isang araw ay gagawin na nila ni Martino ang commercial na ini-offer sa kanya. Ngunit sinadya niyang ilihim muna ang mga bagay na iyon sa pamilya.

"Aidelyn, anak, pagkatapos mo nga d'yan e kausapin ka namin ng papa mo. Sa isang buwan na pala ang birthday mo. Hindi tayo maaaring hindi maghanda kahit na simple lang dahil huling magkakasama tayong pamilya bago umalis ang papa mo."

"Ma, gusto ko spaghetti ha. Saka fried chicken. 'Yung order, ayoko 'yung pritong bahay lang." sabad ni macoy na abala sa paglalaro ng games sa cellphone.

Lumapit sa kanila ang dalaga pagkatapos. Humalik siya sa pisngi ng mga magulang bago nagpaalam saka pumasok ng kanyang kuwarto.

"Me ilang linggo pa naman 'ma. Saka na natin pag-usapan 'yon." may lamya na sabi niya.

"Sige, ikaw ang bahala anak." medyo worried na sagot ng kanyang ina.

Nagkatinginan na lang ang kanyang mga magulang at si Macoy. Ngayon lang nila nakita itong ganoon matamlay.

"Kausapin mo nga 'yang anak mo bukas. Usong-uso pa naman ngayon ang depression. Baka me pinagdadaanan na hindi natin alam." nag-aalalang sabi ng kaniyang ama.

Malalim ang kanyang isipan ng gabing iyon. May kung anong gumagambala kay Aidelyn habang siya ay nakahiga sa kama. Gaya ng dati, mataman siyang nakatitig sa poster ni Martino na nakasabit sa dingding sa kanyang harapan. Hindi siya makatulog.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Saka hindi sinasadyang manumbalik ang pagkikita nila noon ng misteryosong lalaki sa blogger's party.

Bakas sa kanyang mukha ang naghalong pag-aalala at pagkayamot sa nangyari ng gabing iyon. Para ngang nais niyang burahin ang nakaraan. Kung maaari lang.

Saka tuluyan niyang binalikan ang buong pangyayari.

"No. I'm just here for someone na gusto kong makita ng personal. That girl stole my heart and never have my days the same again since then."

"Baka naghihintay na siya sa 'yo."

"Kaharap ko na siya ngayon."

Napamulagat siya sa narinig. Hindi niya expected iyon. Ano ba itong sitwasyong napasok niya at hindi niya magawang di ma-stress.

My Online Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon