NASA ISANG mahalagang meeting si Martino Cuerva. Isang kilalang modelo ang guwapong binata na bagaman higit dalawang taon pa lang sa modelling ay sumikat agad dahil sa kanyang tindig at kaguwapuhan. Halos siya nga ang laman ng mga commercial endorsements sa telebisyon pati ng naglalakihang billboards sa Edsa. Big companies wanted him to be their product endorsers because he dictates what the fans want. He is the man.
"Mega Mobile wanted a meeting with you, Martino, but I can't give a go simply because baka magkaroon ng conflict sa future contract mo sa UniCalls companies."
Pagbida sa kanya ni Sir Albert Andrada, ang tumatayo niyang talent manager at president ng AA Marketing and Talent Agency na hawak ang halos lahat ng sikat na product endorsers at mga artista.
"But I only endorse prepaid cards for UniCalls Companies. Mega Mobile is a mobile company. I don't think there is a conflict".
"But Martino, Unicalls is the sister company of the number one mobile company in the country which is M-talk. Mega Mobile is just coming second to M-Talk when it comes to subscribers and reach. They told me their figure for you and I am just waiting for Unicall to further your service with them on their mobile company and definitely they will offer higher. I am sure kukunin ka nila dahil you're the hottest endorser in the country today. After all, palaos na si Jason Martinez lalo pa ngayon na nagkalat ang kanyang video scandal sa social media. Definitely they're going to get a new endorser."
"The only problem is, your schedule for Carne-de-Carne corned tuna is going to go against your schedule sa softdrink commercial mo sa Vida Cola. Ayon sa management ng telesrye queen na si Alicia Vega ay hindi na siya puwede sa nauna n'yong schedule. So we have to adjust for her schedule dahil siya ang kasama mo sa commercial na 'yon." Sabad ni Miss Tessa na road manager ni Martino.
"At si Martino pa talaga ang kailangang mag adust sa schedule?" inis na sabi ni Sir Albert.
"No, it's okay. Gawan mo na lang ng paraan ang oras ko Ate Tessa, basta I can attend to the schedule walang problem."
"Baka ma-haggard ka, hijo? You have to look fresh and so much guwapo dahil comes friday naka-schedule kang mag-shoot ng male facial wash para sa Pinoy-Sutla. Bawal kang magka-eyebag at pimples, hindi 'yan bebenta sa fans."
Natawa na lang si Martino. E, halos gabi-gabi nga siyang nagbababad sa kababasa at kapapanood online ngunit napapanatili niya ang kanyang maamo at maaliwalas na mukha. Wala ni bakas mang pagpupuyat. Kahit isang pimple di umuubra sa kanya. Hayun nga at habang abala sila sa meeting nilang iyon sa sosyal na opisina ng AA Management and Talent Agency ay abala din siya sa kakakalikot sa kanyang mamahaling cellphone. At isa ang lagi niyang binabalik-balikan, ang viral na video at memes lately ni Aidelyn habang abala sa pag-aaway sa likuran sina Klarisse at Tristan.
She is so sweet. This girl has something in her personality that attracts people. I hope this isn't the last. She is very amusing. Nasasambit pa niya sa sarili.
"Martino? Do you listen to me?"
"Tito Albert naman, alam mo naman kung paano ko alagaan ang sarili ko diba? Don't worry. Just give me all my schedules and kaya kong ibigay ang service na hinihingi nila." Sagot niya na medyo nabigla dahil wala siya sa focus sa kanyang kausap.
Saka medyo me himig na panunuyo sa kanya ang baklang manager. "A, Martino, hijo. GMA-CBN called up again thru miss Carmen asking if we can now accept their offer kung puwedeng makuha ka for their new soap. They're so much impressed with your popularity and maybe you could widen up your wings to being a tv and movie star."
Natigil tuloy ang binata sa kaba-brows ng memes ni Aidelyn, "You know even before that I couldn't accept that offer Tito Albert. Same as now. I am not into acting, you know that."
"But why? You get same attention and popularity as those big stars on tv and films why not make more money by being an actor as well? You can become a famous actor, Martino. Even more famous than those famous actors now."
"Tito Albert, you know my father won't allow me to enter showbiz. Having a son in showbiz might ruin his political career. Ayaw niyang gamitin ako ng mga kalaban niya sa politics against him. Kung tutuusin ay hindi ko naman kailangan pa ang mag-modelo but instead just focus on my studies. I just want to provide for myself. Gusto kong mabili ang mga pangangailangan ko mula sa sarili kong mga kinita without my parents help. That's how i live my life."
Hindi na nakakibo si Sir Albert. Iyon kasi ang mahigpit na bilin ni Cong. Cuerva sa kanya na huwag ipasok sa showbiz ang anak upang ma-protektahan ang pangalan nito sa pulitika. Magulo kasi ang buhay sa showbiz na kahit isang maliit na bagay ay kaya nitong palakihin. Lalo pa at uso ngayon ang scandal sa mundo ng showbiz dala ng lawak na sakop ng social media.
"Okay wala na akong ma-say. Alam ko naman na mahigpit na bilin iyon ni congressman. Ang sa akin lang naman ay nanghihinayang lang ako sa opportunity at perang maaari mong kitain sa pagiging isang artista."
"Just give me a dozen of commercial endorsements at payayamanin kita, tito." Sabay tawa ni Martino sa nakangiti ngunit nakasimangot na manager.
"Okay sige, tapusin na natin ang meeting tutal mukhang hindi na magbabago ang desisyon mo. Sasamahan ka na ni Tessa at Dorothy sa grooming sponsor mo dahil me fans day ka pang dadaluhan sa mall sa Makati."
"Sir Albert, tumawag nga pala sa akin kanina ang COSPHIL ARTISTS. Sila yung mga grupo ng mga sikat na cosplayers at online bloggers at ininvite nila si Martino kung puwedeng makuhang judge sa annual event nila. Sponsored lang daw ang event na 'yon so alam n'yo na yun."
"Cosplayers at online bloggers? Tapos sponsored event pa? Ano'ng mapapala natin dun? Paanong kikita si Martino dun, aber? Sabihin mo hindi puwede." Taray ni Sir Albert.
Sa pagkakarinig sa event na iyon ay tila nagkabuhay si Martino. Hook kasi siya sa nangyayari sa social media at isang magandang pagkakataon ang makilala ang isa sa kanyang hinahangaang sensational online star na si Aidelyn sakaling pareho silang makadalo doon. Posible ngang magkita sila doon.
"It's okay, I will accept it."
"Martino? Hindi mo kailangang makihalubilo sa mga blogger eklabu na 'yan. Pagsasayang lang ng oras 'yan."
"Just give me this one, tito. I need to relax sometimes and enjoy the night with these online stars and cosplayers. I'm still young and need to enjoy life with people my age."
"Bahala ka nga. Sige just this one, Martino. Ikaw ha, pinagbigyan kita diyan sa event na 'yan kahit wala man lang akong kikitain tapos 'yung request ko sa 'yo na tanggapin 'yung soap ng GMA-CBN hindi mo man lang ako pagbigyan."
Saka lumapit na si Martino at inamo ang tila nagtatampong manager.
"Tito Albert naman, magkaiba naman 'yon. Ngayon lang naman ako humiling di ba? I have always been a good boy sa 'yo di ba?
"O, sige na. Mahuli pa kayo ni Tessa at Dorothy. Huwag lang 'yan maka-conflict sa iba mong schedule ipapa-cancel ko talaga 'yan."
"Thank you tito Albert."
Saka nakangiting lumabas na ng office ng manager si Martino kasama si Ms. Tessa at PA na si Dorothy .
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...